16

213K 3K 510
                                    

16

Isa lang ang masasabi ko….Haggardina Bonnevie na talaga akech pero nag-update pa rin akech para sa inyo. Comment lang sa baba, pwede na..Kanang sigig pangutana if taga asa ko, hala, kapila na nako giingon na sa Cotabato City ko, naa man sa akong profile oi! Certified Mindanaon jud ko, cerified gwapa ug sexy…ayaw na sigig ask sang other info kay mao gani nagsulat ko kay mas gusto nako ang hilom na panginabuhi mao wala ko nag PORN Star..wahahahaha! Aduy! I’m not good at Visayan dialect when it comes to writing…perti lang ko ka trying hard…try lang ni.

**************************

Dahil pagod na pagod sa biyahe, minus the simple wedding, hindi namalayan ni Kathryn na nakatulog na siya. Si Elvin naman, kahit gusto niyang matulog ay hindi niya magawa. Hindi niya maintindihan, ngayong asawa na niya si Kathryn, legal wife ha, para bang bigla siyang nagkaroon ng napakalaking responsibility sa babae.

Pinagmasdan niya ito. Haggardina Bonnevie (Haggard yet beautiful) ang peg, but he admires her confidence and frankness. Aaminin na niyang nakakatuwa ang babaeng ito, nakakatuwa ang kakulitan at kakikayan.

“OMG! Don’t tell me, OMG myself! Nagkaka-crush na akesh sa iyong mujer ka?” Nanlalaki ang mga mata niya sa naiisip.

Napasulyat ang Mamang driver sa kanya kaya pinandilatan niya ito ng mata. Kiber niya kung narinig man siya.

*****************************

Gabing-gabi na sila ng dumating sa Gumasa Whitesand Beach Resort. Direcho ng reception table si Kathryn dahil may reservation na siya.

“I have a reservation here, Miss, Mr. and Mrs. Fernandez.”

“Wait a minute, Ma’am.” Nakangiting sabi ng receptionist. Sumulyap pa sa Sinta niya. Mukhang nagpapacute sa kanyang asawa. Kapal ng face nito, aagawan pa siya eh pahirapan na nga ng pagkuha kay Elvin.

“Ah, yes, Ma’am. Suite room po ano? Bagong kasal po ba kayo?”

Aba! Nakikitsismis pa? “Mr. and Mrs. nga di ba? Ang dami mong tanong! Sino bang mag-aassist sa amin?” Pagtataray niya. Ganitong pagod siya sa biyahe at excited sa honeymoon nila ng Sinta niya, talagang iinit ang ulo niya.

“Sorry po, Ma’am. Sandali lamang po.”

“Sintas, calm down.”

“Nagpapacute sa iyo. Akala niya, hindi ko mahahalata.” Umuusok ang ilong na sabi niya.

“Jelly ace ka naman agad. Don’t worry, wizel ako magkagusto sa Chuck Norris na yan. Gora Agora na nga!” (Hindi ako magkakagusto sa pangit na yan. Let’s go na nga.) Kinuha niya ang maliit na bag na dala ni Kathryn, agad naman na kumapit sa braso niya ang babae. Medyo nasasanay na siya na nakadikit ito sa kanya.

“Wow! I love it!” Excited na sabi ni Kathryn pagkakita sa tutuluyan nila. Maganda nga naman, napaka romantic ng dating. Isa lamang ang problema ni Elvin.

Iisa ang kama.

Pagkababa ng mga bags nila at pagkasara ng pinto ay agad na nahiga si Kathryn sa kama.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon