52

93.6K 2.1K 199
                                    

NOTE: Naghahanap ako ng operator ni Scanver. Yung gwapo, 18 and above. Hindi slow at hindi pikon.

Nalilito jukens sa ipapa namesung ko sa kyotatalet, pa poll akembang  sa aking group, sa X.i.a.n.a.t.i.c.s., if wiz pa kayo ka-join at feel ninyong mabaliw, gora na.  If wit kayo pikon at keri nyong mag follow ng rules, then pm me para sa group chat with the fictional characters and other readers. Warning: Wizel akesh active sa FB at GC. Suplada ang peg ko dun.

Click the external link para maka vote sa mga names. Sana nga lang, member kayo ng X.i.a.n.a.t.i.c.s.

52

Nalito siyang bigla, anong status ang pinagsasabi ng kanyang bestie?

“Status saan?”

“Facebook, gurl! Tignan mo dali.” Excited at kinikilig na sabi ni Candice. Nilingon ni Kathryn ang asawa pero busy na ito sa ginagawa.

“Sinta, pahiram ng phone.”

“Deadz na ang battery Sintas.” Nakangising sabi ni Elvin.

Tinaasan niya ito ng kilay, bago lang ay nahiram pa niya ang phone nito. Ngayon lowbatt na? Wala siyang choice kundi bumalik ng kuwarto at kunin ang kanyang sariling phone, pero dahil mas feel niya sa laptop, ito ang binuksan niya. Agad na naglog-in sa kanyang account.

Ang dami niya palang notifications, pinindot niya ito at na excite nung makitang may status ang Sinta niya at may nai tag pa itong picture na kasama siya. Ano kaya ang mga ito?

Nakarinig ng tili si Elvin agad na inilapag niya sa lamesa ang niluluto. Galing yun sa kuwarto nila ng Sintas niya, kinabahan siya ng sobra kaya nakailang hakbang lang siya papunta dun.

“what happened?” Halos sumigaw na siya. Naabutan niya ang kanyang asawa sa harap ng laptop nito, nakatakip ang kamay sa bibig.

“Sintaaaaaa! I read your post! Guwrabeh! Mamamatay na ako sa kilig!”

Nakahinga ng maluwag si Elvin. “Nakakalurky ka, Sintas! Akala ko eh napano ka na. Juice colored naman ang tili mo! Wagas! Krung-krung ka talagang shontis ka.”

“I’m just  so happy! I love you Sinta. You’re so sweet talaga.”

Ngumiti si Elvin. Ayaw niyang magsalita, natutuwa siyang makitang masaya ang kanyang Sintas. Dapat pala gawin niya ito ng madalas. Dapat alam niya yun, babae rin siya, di ba? Alam niya ang makakapagpapakilig sa mga gurls, relate much dapat ang peg.

“Sinta, hindi ko alam na marami na pala tayong sweet pictures. Hindi ko matandaan kelan yung pinost mo.” Bukod kasi sa status ay kinilig rin siya sa pictures.


“Selfie lord tayels, Sintas no. Halika na nga, tama na yan, baka himatayin ka sa kilig o kaya maihi ka. Siyangapala, Sintas, nangungulit ang mga grannies, like raw nila tayels ma sayt  para pag-usapan ang binyag, tumawag si Mamang kanina.”

“Excited much, Sinta? Wala pa ngang pangalan ang mga babies natin. Teka, sabi mo kanina lowbat ka na? paano ng nakatawag ha?”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon