25

210K 2.5K 84
                                    

25

Sali kayo sa group nila, ay namin pala.. Xianatics raw.. add nyo sa FB https://www.facebook.com/groups/344111462405849/ ... makaka interact ninyo mga OP nina Candice, Alexie, Marcus, Aron Miguel, Ruel at Gabrielle, isama pa ang makukulit na readers... makikuitan na... hanap pa rin ako ng OP ni ELVIN SINTAS! PM nyo ako..

***************************

Iniaayos na nila ang gamit nila, pabalik na kasi sila ng Davao, balik sa dating buhay, balik sa realidad.  Napag-usapan naman nila iyon, sa unit ni Elvin siya tutuloy, mas convenient iyon sa kanilang dalawa. Napag-usapan rin nilang hindi sila maghihiwalay ng kuwarto. Aba! Sinusuwerte yata ang Sinta niya, paano sila makakagawa ng kyotatalet if maghihiwalay sila ng room?

“Sinta,  may isa kaming bahay sa may Juna Subdivision, matagal nang hindi nagagamit yun, ang caretaker lang ang tao, ano kaya at lumipat tayo dun?” Suhestiyon niya.

“Wit na makipag argue, Sintas, sa unit ko tayels tutuloy. Aketch kaya ang hombre rito! Akembang ang masusunod.” Pagtataray nito sa kanya. Isinara na nito ang huling bag ni Kathryn na hindi niya alam kung bakit biglang ang sikip-sikip na, wala naman silang pinamili.

“So inaamin mo nang lalaki ka ha, Sinta.” Nangingiti si Kathryn.

Pinanlakihan ito ni Elvin ng mga mata. “Wititit!”

“Bawal nang bawiin Sinta.” Asar ni Kathryn.

INaantay na sila ng kanilang sasakyan papuntang GenSan, medyo malayo pa kasi ang Glan, Sarangani sa Gensan, from there, mag bu-bus ulit sila.

“Pero seriously, Sinta, I hope you don’t mind me telling you this, sa mata ng lahat, lalaki ka at mag-asawa tayo, sana wala lang makakahalatang beki ka.”

“I know that, Sintas.” Pinisil nito ang ilong niya at kumindat. “Bilisan mo at aalis na tayo.” Pinalaki pa nito ang boses kaya natawa si Kathyn. Ang cute talaga ng Sinta niya.

Pagabi na nung dumating sila ng Davao City, agad na tumawag ang dalawa sa kani-kanilang mga magulang para ipaalam na dumating na sila. Sa fastfood na lamang sila kumain bago umuwi, parehong pagod kaya pagkatapos makapagpahinga at makalgo ay agad silang nakatulog. Hindi na nakuhang mangulit pa ni Kathryn.

KInabukasan ay maagang nagising si Elvin, napangiti siya nung makita si Kathryn sa tabi niya. Nasanay na siyang lagi itong nakasiksik sa kanya, sa bandang kili-kili pa ha.

Maingat na inayos niya ang pagkakahiga nito, kailangan yatang palitan na niya ang kama. Hindi niya naman inisip na mag-aasawa siya kaya’t tama lamang ang laki ng kama na binili niya. Kapag si Kathryn ang katabi mo, hindi sasapat ang pandalawahang tao sa likot nitong matulog.

Feel na feel niyang maging misis, este mister pala kaya dumirecho siya ng kusina para magluto nang agahan. Sanay siyang mag-isa, sanay siyang walang kasambahay. Alam niya lahat ng gawaing bahay, kahit pa ang paglalaba. Tinignan niya kung anong meron sa refrigerator, mukhang kailangan na nilang mag grocery ni Kathryn mamaya.

Samantala, tinanghali ng gising si Kathryn, matagal na niyang gawain iyon unless na lang may early appointment siya.  Wala na siyang kasama sa kama nung nagising.  Pupungas-pungas na bumangon siya. Nasaan bas i Elvin? Nung may maamoy na masarap ay alam na niya kung nasaan ito.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon