23

208K 2.8K 519
  • Dedicated kay Dorothy Mira Sandoval
                                    

23

RATED SPG na to! Tonay na Koya!

*********************************************************

“Grabe! Kilig overload ako kanina, Sinta! Ang galling-galing mo talagang kumanta. Feel na feel mo, tapos tumititig ka pa sa akin. Gusto kong himatayin sa kilig, Sinta!” Hindi pa rin maka get-over si Kathryn sa nangyari, kahit nasa loob na sila ng kanilang kuwarto ay patuloy pa rin siya sa pagsasalita.

“Kineri ko para sa iyo, Sintas no! Pero sa trulity lang, gravity ang kaba ko kanina, to the highest level kaya titig na titig aketch sa iyo.”

“Aminin mo na kasi, Sinta, naiin-love ka na sa akin ano? Grabe, hindi pa rin ako maka get over sa kilig. Ang guwapo mo talaga, Sinta ko.”

“Correction, maganda.”

“Nakakainis ka naman eh, sige na, Sinta, magpakalalaki ka na kasi.”

“Sintas, alam mo naman di ba, babae aketch, sa isip sa salita at sa gawa.” Mataray na sabi nito. Pero mukhang hindi talaga apektado si Kathryn. Tinawanan niya lang ang asawa.

“Hombre (lalaki) ka Sinta. Gusto mo, itry na natin? May promise ka pang leptolelang (torrid kiss )di ba? NM na tayo, sige na.”

“Heh! Kilabutan sana ang lahat ng pores mo, Sintas!” Nagpapadyak pa si Elvin.

“Kunwari pa to eh, sarap na sarap ka naman pag kinikiss ako.”

“Ewwwww! Di ah.” Pero hindi ito tumingin kay Kathryn.

“Sige nga, kikiss kita tapos kapag di mo nagustuhan, huwag kang mag rereact.” Para-paraan na lang, Kathryn.

“A-yo-ko.”

Pero lumapit na si Kathryn sa kanya. Nakatayo si Elvin sa tabi ng kama habang si Kathryn naman ay nakaluhod paharap sa kanya, para pantay ang height nilang dalawa. Ipinulupot nito ang kamay niya sa leeg ng asawa at saka inilapit ang lips. Nanlaki ang mga mata ni Elvin.  Lady Gaga talaga itong mujer na to.

Nakapikit si Kathryn habang siya ay nakadilat, nakakaduling makipaghalikan kapag nakadilat ang mga mata. Sinubukan niyang huwag mag respond sa halik ng Sintas niya, pero juice colored! Bakit ang lambot ng lips ng merlat (babaeng) na ito. At ang bango pa.

Ayokong makipagleptolelang sa iyo!

Pero sige na nga, papilit na siya, kikiss na lang niya si Kathryn. Will he respond or will he respond? Respond na nga lang. Bigla niyang hinapit sa baywang ang kanyang Sintas sabay kiss ng bongga!

OMG! He’s responding to her kisses! Meaning to say, gusto niya ng mga halik niya?  Sigaw ng isip ni Kathryn. And it’s not only light kisses ha, it’s a leptolelang! As in torrid!

Ubusan ba sila ng oxygen? Gosh! Lungs! Gravity!

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon