46-Patatas pa More!

115K 2K 161
                                    

BABALA: Huwag nyo akong batuhin ng patatas pagkatapos basahin ang update, wala akong balak i-update siya, kaso nagpapalabas ako ng stress eh. Sa susunod na ang matinong update. Salamat.

 

FB: Xianrandal

FB group: X.i.a.n.a.t.i.c.s

Twitter: @XianRandal

46

Iniwan sila ni Kathryn, sa office lamang daw ito ng Papa niya, manonood ng Princess Sarah, ewan niya sa kanyang Sintas, tuwang-tuwa sa ibinalik na T.V series na, pati patatas sa ref nila pinagtitripan. Napangiti tuloy siya ng wala sa oras, kahit kailan talaga, happy lagi ang aura ng Joanna Paras niya. Nung umangat siya nang tingin, huling-huli niya na nakatitig si JB sa kanya.

Tuloy biglang kumabog ng bonggabells ang kanyang heart. Yung mga titig na ganyan kasi, inaabangan niya dati, ngayon….wit na…yata?

“Hi. I am glad na magkakasama tayo sa project na ito.” JB said causally.

“Salamat, bumalik ka pala ng Pilipinas.”

“Oo eh, EY, can we talk?” Malumanay na sabi nito, sinigurong walang makakarinig sa kanila.

“What for?”

“I just want us to talk.”

Hindi nakaimik si Elvin. Bakit naman sila mag-uusap? Anong pag-uusapan? Nakakastress!

“S-sorry, but I can’t. Sige ha, may lakad pa kami ng ASAWA ko.” Seryosong sabi niya. Kinuha ang ilang papeles at tumayo.

“Gentlemen, it was nice meeting you, see you tomorrow.” Nasabi niya, ni hindi na hinintay ni Elvin na sumagot o magsalita pa si JB, agad siyang lumabas ng pinto, papunta sa asawa niya. Nataka si Kathryn, ang bilis naman ni Elvin.

“Tapos na, Sinta?” Kumakain siya ng French fries. “Kumain ka ng patatas, Sinta?”

Agad na isinubo nito ang isa sa kanya. Pagkatapos ay agad na pinisil ni Elvin ang ilong ng asawa. “Patatas na naman, Sintas? Wiz ka ba nagsasawa sa Sarah na nagbabalat ng patatas!” Niyakap niya ito. Nakokonsiyensiya kasi siya tungkol kay JB, pero ayaw naman niyang sabihin na kakilala niya ito. Ewan ba, hindi naman naging sila, sabi nga sa movie, “There was never an us.” Pero, wit niya talaga matake na mag ispluk about kay JB.

“May problema ba, Sinta?” Nakanganga lamang kasi si Elvin, hindi nginunguya ang French fries na isinubo niya.

“Sinta?” Nawala ang ngiti ni Kathryn.

“Ha? Wala, tara, magbalat na tayo ng patatas?” Sabi niya, nakakatense na kasi! Baka kukulot ang kanyang buhok.

***********************************

Nagtext si JB sa kanya, nakikiusap na magkita sila bukas, tumawag rin ito pero hindi niya sinagot, mukhang kailangan niya nang ipaalam sa kanyang nyosawa ang tungkol sa MU thingy nila si JB, hindi naman siya dapat matakot dahil wala naman siyang ginawang masama. Wiz siya nakipag leptolelang rito, ni hindi nga niya nakita ang werlog nito, so nevah sila nag tusha! Juice colored, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Pag ganito ng ganito, malamang Hagardina Bonevie siya.

Sasabihin na talaga niya kay Kathyn. Alam niyang nanonood na naman ito ng Princess Sarah, bumili ng pirated! Para namang one kiaw (thousand) talaga ang isang CD. Pinaglilihian yata si Sarah, pati ang mga patatas.

“Sintas, enough with the potatoes please. Mashed potato na naman ngayon, kanina, fries.” Seryosong umupo rin siya sa kama,sa likod nito. Niyakap ang asawa. Paano ba niya sisimulan ang tungkol kay JB?

“Sintas?”

“Yep Sinta? Tignan mo si Sarah o, ang cute talaga!”

“Cute ba siya? Gusto mo bang Sarah ang ipangalan sa magiging kyotatalet natin, Sintas?”

“A-yo-ko.”

“Eh di patatas na lang.”

“Pata at si Tatas” Pagpapatawa niya, nakakatense naman kasi. Keri niya itey!

Biglang humiga si Kathryn sa legs ng kanyang Sinta, ang corny nito ngayon. “Geh, i-push mo ang kakornihan mo, Sinta.”

“Sintas, may tanong akembang.”

“Yep?”

“Anek ang mga bagay na ikakagalit mo? Wiz pa kasi kita na sight talaga na galit eh.” Umpisa niya.

“Basta para sa iyo, Sinta, hahabaan ko pa ang pasensiya mo.”

“Anek nga Sintas ang ikakagalit mo?”

“Hmmmm. Third party? Babalatan ko talaga na parang patatas kapag nabalitaan ko na may third party Sinta. Kahit crush, hindi pwede! Maghalo na ang balat sa tinalupan ng patatas!”

“Anek ba yang lecheng patatas na yan! Wiz ko like maging mukhang patatas ang anak ko. Stop in the name of love, Sintas! Huwag na huwag ka nan gang manonood ng Minchin at Sarah nay an.” Maingat na inilapag niya ang ulo ng asawa sa kama at bumangon para patayin ang T.V. Kinuha ang mashed potato at inis na lumabas ng kuwarto.

“Simula ngayon, waley ka na malalafang na patatas!”

Nung makarating sa kusina ay gusto niyang umiyak, paano niya ngayon sasabihin kay Kathryn ang tungkol kay JB? Problemang malaki!

*******************************

Geh! Walang iiiwang comment na maikli ang update ha, o update pa more! Babatuhin ko kayo ng patatas!

-Xian-

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon