51

104K 2.4K 328
                                    

Hindi ako makatulog, pagtiisan ang update.

51

“Congratulations po, Mommy and Daddy, male and female po ang genders ng inyong kambal. Nakakatuwa naman na may lalaki at babae na agad kayo.”

“Really? Isang boylet at girlaloo?!” Biglang nakalimutan ni Elvin na nasa harap niya si doc. Nakalimutan niyang lalaki pala siya. Natulala tuloy si Doc sa kanya.

“I mean, I can’t believe it, nagawa kong bumuo ng lalaki at babae in just one shot?” Pinalaki na niya ang boses niya.

“Kaya nga, hindi lahat na nabibiyayaan ng ganito Mr. and Mrs. Fernandez, kailangan po ng dobleng ingat, huwag nyo pong kalimutan ang lahat ng bilin ko sa iyo, Mommy Kathryn, para maging healthy ang kambal.”

“Yes, Doc.”

“Isa pa, huwag mong binibigyan ng problema si Mommy Kathryn ha, kailangang maganda siya lagi.”

“Oo naman, yan ang huling ibibigay ko sa aking Sintas, problema.”

Sweet talaga ng Sinta niya!

  Pagkapasok sa kotse ay nagtitili na naman silang dalawa, this time, itinakip na ni Kathryn ang kamay niya sa bibig ni Elvin. Nung kumalma ay hawak na ni Elvin ang dibdib niya.

“Omo! I still can’t believe it, Sintas! Trulity na talaga na magiging mudrakels ka at pudrakels akembang! And take note, not one but two kyotatalets! And wiz  ko na makeri ang happiness! Isang boylet at isang girlaloo! Winner talaga tayels, complete na ang ating family tree.”

“Thanks Sinta ha, you really fulfilled my wish, hindi lang isa ang ibinigay mong baby sa akin, dalawa pa.”

“Thanks too, Sintas, kung hindi mo akesh ni-rape, wizel ko rin matitikman ang pagiging isang ina.”            

“Ama.” Pagtatama nito.

“Whativir!

“I love you, Sinta.”

“I love you too?”

“Bakit patanong?” Makukurot niya talaga itong asawa niya.

“Eh kasi, wititit ko talaga akalain na magiging tetetet akesh, imagine, ako na isang diwata, naiinlove sa isang dyosa na tulad mo? Wiz ko naimagine talaga.OMG!” Napatingin ito bigla kay Kathryn.

“O?” Ang sarap lang halikan nitong Sinta niyang dinedeklarang bakla siya pero in-love naman sa kanya. Nakakakilig!

“Ginayuma mo, akembang!”

“Hindi kaya, sadyang kagandahan lang talaga ako Sinta na kahit pa ang baklang katulad mo eh magiging tunay na hombre!” Confident na sabi ni Kathryn.

“Wiz pa 100% na transformation, Sintas, 50% Darna, 25% Diwata, 25% Macho Papa.” Sabay ipit ng kanyang mahabang imaginary hair sa tenga.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon