WHEN A BEKI FALLS IN LOVE 2

55.6K 869 92
                                    

NOTE: Hindi ko alam kung may ganito ng story sa Wattpad, pero if meron man, paniguradong hindi ko pa nababasa dahil ang tagal ko ng hindi nagbabasa online. Hahahahaha. 

Another cliche story , different characters po ang bida, pero hindi ko alam if maisisingit ko pa yung old characters. 

At another note, hindi pa rin ako marunong gumawa ng summary. Hahahaha! At as usual, walang plano kaya di ko alam kalalabasan...at hindi ko alam kailan matatapos. 

*****************************************************************

Nasubukan nyo na bang halos ibigay ang lahat ng meron kayo dahil sa pag-ibig? Yung halos wala ka ng itinira para sa sarili mo? Yung halos baliw na baliw ka sa kanya? Pagkatapos isang araw, matutuklasan mo na lamang na niloloko ka lang pala?

May isang taong mahal na mahal si Jeff Charles, lahat ng meron siya ay ibinigay niya rito. Pagmamahal, pag-aaruga, oras, at pera. Akala niya pwede sila kahit alam niyang hindi tanggap ng lipunan. Sweet ito sa kanya, maalalahanin, malambing, at feeling niya, mahal rin siya nito. Feeling lang pala. Dahil isang araw, nalaman niyang may babae itong nilalandi, si Xhyra Mae !

Nagsimula siyang mag imbestiga, at nalaman niya ang masakit na katotohanang wala siyang kalaban-laban sa karibal niya, dyosa rin kasing katulad niya! Pero hindi pwedeng 'dun lang magtatapos ang lahat. Palaban yata ang lahi nila, kaya iisa lang ang tanging paraan...gumanti!

Sabunot ba? Sampal? Kakaladkarin niya ba ang bruha? Tatadyakan si lalaki, jojombagin? Kukulamin? Ipapabugbog? Maghi-hire ng hired killer?

Oh knows! Wizel! Maghihilom ang sugat, babalik silang dalawa sa kandungan ng isa't isa at magiging maligaya, at ano siya? Iiwan pa ring luhaan? Hindi pwede! Kailangang mas masakit, mas may arrive, mas matindi! Echos!

Iisa ang naisip niya, agawin ang babaeng mahal ni Sigfried. Ang tanong papaano? Nagtatransform kasi si Jeff Charles sa Jessie Charlotte kapag may chance. Babaeng-babae rin siya... sa isip, sa puso at sa gawa...tago nga lang.

Ang feeling girl, manliligaw din sa isang girl? Paano niya kaya gagawin yun?



WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon