7

232K 3K 237
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

 7

Tawa ng tawa si Candice sa dalawa. Sa nagkikikisay na si Elvin at sa kinikilig na si Kathryn. Parang mga may sira lang talaga.

“Basta, that’s final, I’ll call you, Sinta. Sinisinta kita.”

“Ay! Lady Gaga lang ang peg mo? Gusto mong kalbuhin kita? Annnaaaa beeetttt! Wiz ko like ang Sinta! Yuck! As in I feel like vomiting!”

“Ah ganun! E di asawahin mo ang sarili mo. I have to go Candice, baka kasi may kakalbuhin akong Bekimon ng wala sa oras.” Sabay kuha ng kanyang bag. Sabay walk-out. Biglang natigil sa kakatawa si Candice. Pareho silang natulala ni Elvin sa bilis ng pangyayari, paano ba naman, wala na si Kathryn, ang bilis ng lakad.

“Hala! Habulin mo, bilis!”

“Ay! No. Hindi ko siya hahabulin! Ako, tatawagin niyang SINTA? Hindi ba siya nandidiri? Ay in yuck!” Mataray na sagot ni Elvin.

“Eh kung nagalit iyon at tototohanin na hindi na papayag sa gusto mo, eh di magkakaproblema tayo?”

“May Toyota lang yun.” Kumuha ito ng isa pang baso ng juice.

“May Toyota?”

“Sinusumpong. Alam mo, hindi ko kaya keri ang gusto niyang tawagan namin. Gusto kayong kabugin na dalawa ng jowa mo! Hashtag, AbaMatinde!”

“May pa hash tag ka pang nalalaman. Sinasabi ko sa iyo, Elvin, bihirang magalit si Kathryn, mahaba ang pasensiya nun, pero kapag naubos, mahihirapan tayo.”

“Eh kasi naman! Ang slow. Wititit niya ba ako na getchikola?”

“In-love sa iyo yung tao, Elvin. Siyempre, kaming mga babae, gusto namin ng may tawagan.”

“Correction, tayong mga babae. Gusto NATIN ng endearment. But not SINTA, no! Kenet be!”

“Ang arte mo! Feeling mo ikaw ang babae ha. Mag-isip ka nga Elvin. Ito seryoso na talaga ha. You need Kathryn, sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong magpakasal. Kailangan mong sundin ang gusto ng Lola mo. Si Kathryn naman, she likes you, she’s in-love with you, kasi kung hindi, hindi siya magpapakamartir na pumayag sa kalokohan mo. Ano lang naman yung simpleng endearment.”

Natahimik siya, tama nga naman. Kung tutuusin, malaki ang magiging utang na loob niya kay Kathryn. Ni hindi ito nagdemand ng bayad mula sa kanya. Hindi niya kailangan ng pera, para sabihing pera lamang ang habol nito sa kanya kasi may kaya ang babae. Hindi niya nga alam at parang ang hirap paniwalaan na mahal siya nito. Alam naman ni Kathryn na bakla siya.

“May point ka, Babe.”

“See? And stop calling me Babe. Una dahil natotopak ang mahal kong Hubby, pangalawa, hindi maganda lalo at nakasanayan mo na, mamaya niyan kung kailan maraming tao at kasama mo si Kathryn, biglang Babe ang itatawag mo sa akin.”

“May two points ka na.”

“So, go and check on Kathryn. Lambingin mo na, kung ayaw mo ng sinta, then find another endearment.”

“Oo na. Pahinging address niya.”

Biglang na excite si Candice. “Cell phone number na rin.” Dali-daling isinulat niya ito sa papel. “Elvin, gawin mo yung bagay na gusto mo ring gawin sa iyo kapag mag LQ kayo ng jowa mo, hindi ba sabi mo, girl ka rin.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon