29 Scanver

202K 3K 640
                                    

29

As in sobrang thank you sa mga votes and comments, binabasa ko talaga pampawala stress, pero uber busy talaga ang sexy body ko, daming tambak na trabaho. Mahirap maging porn star sa umaga.

*******************************

“Nag-asawa ka na pala, Love?”

Love again! Love pa more at jojombagin na talaga niya ang hombre na itech! He moved his fingers, ready to attack, ready to give one big jombag.

“Oh yes!” Masayang sabi nito sa kaharap. “I’d like you to meet my super handsome husband, Elvin Yue Fernandez. I’m officially Mrs. Fernandez. Sinta, this is Scanver Juanday.”

“Pare! Sayang naman at nahuli na ako ng dating.” Pakuwela ni Scanver.

If nagpapatawa ka, waley ang joke mo!Lucita Soriano ka na! (loss na, sorry pa) Takbo ng utak ni Elvin. Kinamayan pa siya ni Scanver, gusto niya sanang sabunutan ng bongga ang lahat ng buhok sa katawan nito pero nagpipigil siya.

“Scanver, baka maniwala ang Sinta ko ha.” Lumapit si Kathryn sa Sinta niya. Si Elvin naman ay agad na inakbayan ang asawa.

“They were childhood sweethearts kasi, Elvin. Akala ko nga eh sila ang magkakatuluyan, hindi pala, nain-love ng sobra ang anak ko sa iyo.” Sabi ng Papa ni Kathryn.

“Sayang nga eh, akala ko kasi forever ang puso ni Kathryn sa akin.” Pagbibiro ulit ni Scanver.

Ay over ka ng hombre ka! “Para sa akin talaga ang puso niya, Pare.” Pinalaki pa niya ang boses at medyo iniliyad ang dibdib, abs na kung abs ang labanan! “Para sa akin, ang babaeng katulad ni Kathy, hindi dapat iniiwan dahil alam mong maraming gustong angkinin ang puso niya, nung nagkita kami ulit, hindi ko na siya pinakawalan. Pinakasalan ko na.”

Laki lang ng ngiti ni Kathryn. “Sweet mo talaga, Sinta. Kiss ko.” Para-paraan as usual, Kathryn.

Elvin gave her a smack. Sarap!

“Whoa! Iniinggit ako!” Natatawang sabi ni Scanver.

Wit kita iniinggit!  jongoloids itech! (Hindi kita iniinggit! Bobong to) Akin lang ang asawa ko! Sigaw na naman ng utak niya.

“O siya, dumalaw ka sa bahay minsan, Scanver, ikakasal nga pala ulit si Kathryn, this time sa simbahan na, inaasahan kong darating ka.” Biglang sabi ng Papa ni Kathryn,

“Of course, Tito! Anything for my love.”

Love? Love pa more! ISang-isang love na lang ha, talagang jojombagin na niya itech!Hindi na siya nagbibiro!

 

“Aasahan ko yan, Scanver ha. Wala pa namang exact date, but it will really be soon.”

“Oo naman. I hope one of these days, mabibisita kita, Love, tapos makikipag-inuman ako sa husband mo.”

“Let me clarify this, Scanver, I don’t like you calling my Kathryn, Love.” Biglang hinawakan ni Kathryn ang kamay ng asawa niya.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon