38

159K 2.5K 285
                                    

Salamat sa nagjojoin sa FB Group, kung pending, iyon ay dahil hindi tayo friend.

FB Group: X.i.a.n.a.t.i.c.s.

FB: Hanapin nyo na lang Xian Randal

Twitter: @XianRandal

Cellphone Number: Sorry, beeper gamit ko.

38

Mahimbing na mahimbing ang tulog nang Sintas niya. Ang Lukresia Kasilang, gustong bra at panty lang ang suot habang natutulog, kanina pa niya ito kinukumutan dahil baka sumakit ang tiyan sa lamig pero ang likot ng mujer!

Georgina Wilson (maganda)  talaga ni Kathryn, winner ang beauty. Ang pino ng pores, ang ganda ng shuhok (buhok) ,ang ganda ng mga mata, parang iginuhit ang kilay, bumagay ang ilong sa mukha nito. Napunta siya sa lips, napalunok. Paano, medyo nakabuka pa ang lips ng Joanna Paras niya, ang kissable, sarap i-kiss.

Juice colored! Bakit nagiging makasalanan na ang utak niya! Bakit nagiimagine siya ng leptolelang! Tetetet (lesbian) na ba siya? Sinaytsung (tinignan) niya ulit ang lips nito. Dahan-dahan isinara niya ang mga labi ng nyosawa niya. Mahirap na, majinit (mainit) sa pakiramdam.

Ngayon na jontisna ito at hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala, pero trulity na talaga, nag-iisip siya, kailangang maging mas responsable pa siyang nyosawa. Sisikapin niyang maging mabuting pudra, hindi pwedeng mudra. Kailangan na rin niyang magpakalalaki, siyang tunay! Alang-alang sa magiging kyotatalet nila.

What if lilipas na ang napag-usapan nila, magagawa ba niyang iwan si Kathryn? Yung magiging anak nila, kaya ba niyang iwan sa asawa? What if paninindigan na lamang talaga niya ang pagiging nyosawa nito, yung tipong till death do us part? Keribels  ba niya?

Nakatulog siya sa pag-iisip.

****************************

Wala si Kathryn nung nagising si Elvin. Tinignan niya ang relo, alas nuebe ng umaga! Dali-dali siyang bumangon. Anong oras ba siya nakatulog kagabi sa pag-iisip at tinaghali siya ng gising. Siguradong gutom na ang Joanna Paras niya.

Nung makalabas nang kuwarto ay napakunot noo siya, narinig niyang may nagtatawanan sa may kusina. May kasama si Kathryn?

Si Scanver!

“Sinta! Good morning!” Hinalikan niya sa noo ang asawa. Nakaupo ito habang kumakain ng pancake. Sa harap ay si Scanver na kumakain rin ng pancake! Anong kalokohan itey!

“Bakit siya nandito?” Bagong gising siya at ayaw niyang makipagplastikada (plastikan)  sa otoko na itey!

“Gusto ko kasi yung pancake niya, Sinta. Nagpaluto ako.” Lambing ni Kathryn sa asawa.

“Sana ginising mo ako, Sintas! Ako ang nagluto para sa iyo.” Imbiyerna na siya ha.

“Pabayaan mo na, Pare. Buntis kasi, naglilihi.”

Huwag kang umispluk  ha! Hindi kita kinakausap! Gusto mong sabunutan ko ang buhok mo sa kili-kili! Gusto niya sanang isigaw iyon kay Scanver. Pero isang malalim na buntong hininga na lang ang ginawa niya.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon