64

72.9K 1.9K 192
                                    

64

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

 

“Sino si Victoria Andrews, Sinta?” Tanong ni Kathryn kay Elvin habang nakahiga sila.

“Kasama ko sa team, Sintas. Why?”

“I mean, gaano mo siya kakilala?” Curious na tanong ni Kathryn sa asawa.

“Hindi ko naman siya kilala, Sintas. Isa lamang siya sa mga recommended na architects. Kilala siya ni Scanver at impressive naman ang papers niya kaya isinali ko sa team. Alam mo naman na hindi ako tumitingin sa kung sino ang kilala niya sa office, kahit pa nga pamangkin siya ni Mr. Andrews at kinakapid ng kababata mo.” Mahabang paliwanag ni Elvin.

“I don’t like her.” Biglang sabi ni Kathryn.

Hindi na siya nagulat dun. Gusto niya sanang sabihing, he doesn’t like her too kaso baka kung ano pa ang isipin ng asawa niya. Ayaw niyang nag-iisip si Kathryn ng mga bagay na walang kwenta.

“Why?” Tumagilid siya para makita ang mukha ng asawa. Ang ganda talaga nito. Walang – wala kay Victoria, all natural.

“I dunno, right now, I just don’t like her. Para bang may gagawin siyang hindi maganda. Alam mo yung feeling na hindi mo maexplain kung bakit.”

Niyakap niya ito. “Remove that weird feeling, Sintas. Ano naman ang pwedeng gawin ni Victoria?”

“Hmmmm. I dunno, Sinta. Sleep na nga lang tayo. Sunday bukas di ba? Mamamasyal tayo?”

“Yep! Syangapala, pumunta si Attorney sa office. Ibinigay ang copy ng Last Will ni Lola. Tinanong ko nga kung kailangan pang ipa DNA test ang kambal.”

“Anong sabi niya?”

“Kung susundin natin talaga ang nakalagay sa Last Will, talagang ipapa-DNA, pero naman Sintas, juice ko, carbon copy ko kaya ang kambal!”

“Hindi kaya, ako kaya ang kamukha nila.”

“Haleeerrrr! Ako! Look at my nose and eyes, Sintas! Titigan mo, sige na, ‘di ba, parehong-pareho kay Erynn.”

Tumingin naman si Kathryn sa mga mata ng asawa, ang sarap lang makipagtitigan rito. “Sa lips, Sinta, pareho kami ng kambal.” Sabi naman niya.

“Saan?” HInawakan ni Elvin ang pisngi ng asawa. “Ito na lips?” Sabay halik rito. “Sarap! Parehong-pareho sa kambal. Isa pa.” Sabay halik ulit. “Ang sarap ng may asawa!”

“Isang kambal pa, Sinta?”

“Sure! Pak na pak, Sintas!”

**********************************************

Nakangiti si Elvin habang nakatingin sa kanyang kambal. Marami na talaga silang alam na gawin. Nangingiti na ang mga ito kapag kinakausap na para bang naiintindihan silang mag-asawa.  Tama si Kathryn, kamukha nila itong dalawa. Madalas kapag naiisip niya ang kanyang Lola ay isang pasasalamat ang ibinibigay niya rito. Siguro kung hindi dahil sa Last Will nito, hindi niya ikokonsiderang mag-asawa at magkaanak. Dati, hindi niya kayang isipin man lang na kaya niyang magkapamilya, pero ngayon, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag nawala ang mag-ina niya.

“Ser? Ser?” Narinig niyang tawag ni Inday.

“O?Bakit?”

“Kanena pa ako nag call sa iyo, Ser. Hindi mo ako pinapansen. Nag imagene ka, Ser no?”

Heto na naman ang kasambahay nila. Mangungulit na naman ito.

“Oo, iniimagine ko kung kukuha ba ako ng bagong kasambahay, mas gaganda ba ang araw ko?”

“Ay Ser! Wala ng gaganda sa araw mo pag nakikita mo ako. Sabi nga ni Mam Kathryn, maganda daw ako Ser pag na mik-apan. Nag mik-ap kami nung isang araw Ser, kaganda ko. Sandali Ser, kunin ko ang cp ko Ser, may selpi ako dun.”

“Tigilan mo ako, Inday! Naiayos mo na ba ang pinapaayos ng Mam mo?” Mamamasyal kasi sila ngayon sa park, at kahit ayaw man niya, talagang isasama si Inday para hindi mahirapan ang asawa niya.

“Ay uu naman, Ser. Pero Ser, kaya pala ako nandito kasi may tumawag Ser.”

“Sino?”

“Mam Biki, Ser.”

“Sino?” Nakakunot ang noong tanong niya.

“Sorry Ser, si Mam Beke pala, wrung yung Mam Biki.  Si Mam Bikturya gud Ser. Sorry Ser, alam nyo naman, matigas at malambot ang dila ko minsan. Final na Ser, si Mam Beke.”

Si Victoria ang tinutukoy nito. “Sa susunod na tumawag siya, sabihin mong hindi na ako dito nakatira! Naintindihan mo?”

“Ay hindi po ako liar Ser, maganda lang po ako pero honesto po ako.”

“Inday, ako ang amo mo, hindi ba? Sundin mo ako, intiendes?”

“O, nagtatalo na naman kayo ni Inday, Sinta. Bakit na naman ba?” Si Kathryn, ang ganda lang talaga ng asawa niya. Ready na ito sa pupuntahan nilang dalawa.

“Sabi kasi ni Ser, Mam, pag tumawag raw po si Mam Biki, ay Mam Beke, sasabihin ko raw po na hindi na raw siya rito nakatira. Di ba Mam, sabi mo, don’t til a lie, honesto lagi?”

“Oo naman Inday, ako ng bahala kay Ser mo, dahil mo nang lahat ng mga gamit sa kotse, kami na ang bahala sa kambal.”

“Da bist ka talaga, Mam!”

“Bakit sa iyo loyal si Inday? Sa akin hindi?”

“Siyempre naman, Sintas! Siyangapala, ako ang nakipag-usap kay Victoria Andrews kanina nung tumawag siya.” Pagbibigay alam nito.

Biglang kinabahan si Elvin.

“What did you say, Sintas?”

“Well, since I don’t like her, I told her to go to hell.”

“What!” Nagulat ang kambal sa sigaw niya. Parang siya lang nung kay Scanver.

“Echos lang, Sinta!” Panggagaya ni Kathryn sa lenguahe nito.  “I simply told her that, she should not call you here at home about work simply because we talked that work should not be brought home unless needed, tama, ‘di ba?”

“Check!”

“And ask me what was her reply.”

“What?” Curious na curious na tanong ni Elvin.

“She said and I quote, ‘So meaning I can call Elvin, I mean, I hope you don’t mind me calling him Elvin if it’s not working time. So okay lang na I’ll call him about personal matters?”

“Personal matters?” Naiinis na ulit ni Elvin sa huling sinabi ng asawa.

“Yah, I told that girl like this. ‘Miss Andrews, it’s not Elvin, it’s Mr. Fernandez, and I mind it, and let me remind you that you are talking to me, I’m Mrs. Fernandez. Personal matters? As long as it really matters. I’m a very possessive wife, Miss Andrews, so possessive.’”

“Sinabi mo yan?”

“Yes. Nakakairita kaya siya, Sinta! Kaya pasensiya ka. I was rude I know, but I want her to realize that you are mine.”

“Taray! Winner Sintas! Tara, nakatingin na ang kambal sa atin.”

“Hindi ka galit, Sinta?”

“Nope. But always remember this, Sintas, ayokong makipag-away ka ha. Nevah!”

“Remember this too, Sinta, pag mga mahal ko na ang pinag-uusapan, I will not remember that.”

******************************************

LAGI AKONG BUSY! SOBRA! LUNOD AKO MADALAS SA WORK KAYA WALANG UPDATE.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon