20

213K 2.5K 241
  • Dedicated kay Maricel Tayao Ortega
                                    

Warning! Warning! Wala lang. I'm just not totally happy today.

20

“Sinta, c’mon ligo na tayo!” Sigaw ni Kathryn sa kanya. Nakatingin lamang siya sa kanyang Sintas ng sapatos. Hanggang ngayon, iniisip pa rin niya kung ano ba ang nagustuhan nito sa kanya. Obviously, he’s a dingalou (bading). He couldn’t even digest until now that she loves him. Ano ba ang minahal sa kanya ni Kathryn? At bakit niya iyon ginagawa kahit alam itong hindi niya kayang mahalin ang Sintas niya.

“Sinta! Halika na kasi! Ang sarap ng tubig oh!” Yaya nito ulit.

“Oo na! Ang kulit mong mujer ka.” Lumusong na siya sa dagat. Masarap nga talagang maligo sa tubig-alat. Maganda ang Gumasa, pino ang buhangin, malinaw at malinis pa ang tubig. At dahil hindi peak season, hindi gaanong matao ang lugar.

 Biglang sinabuyan siya ng tubig ni Kathryn, sapul siya sa mukha. Ang hirap huminga.

“Kathy, no!” Pigil niya.

“No ka jan! Ang saya kaya. Ligo na Sinta ko.” Sinabuyan niya ito ulit, sapul na naman sa mukha.

“Tinatamaan ang fezlak(face) ko! Wititit akembang makahinga!”

Tawa lang ng tawa si Kathryn sa hitsura ng Sinta niya, Ang guwapo at ang macho lang, humahapit ang suot na t-shirt sa katawan, tuloy hindi niya namalayan na nakalapit na s Elvin sa kanya. Bigla siya nitong niyakap para hindi na niya masabuyan ng tubig ang asawa.

Kaso mali ang nahawakan niya.

Boobs!

“Ay sorry!” Dali-dali siya nitong binitiwan na parang napapaso.

“Ikaw naman, Sinta, nagkukunwari ka pa, may gusto ka lang palang hawakan, idinadaan mo pa sa yakap. Hawakan mo na ulit, dali! Habang wala pang tao malapit sa atin.” Sa totoo lang, biglang naconscious si Kathryn sa nangyari, kaso baka magkaroon sila ng awkward moment.

“Witelles (hindi) no! Nasagi lang ng  kamay ko. Ang harot mo kasi. Isa pa, wiz ko gusto ang ganyang dyoga (boobs), chiquito (maliit) eh!”

“Chiquito your face! Malaki kaya to! At natural pa, hindi gaya ng iba na silicon.Sige na Sinta, feel free to touch. Unli touch yan.” Lumiyad pa si Kathryn, umiwas na ng tingin si Elvin.

“Pranella (baliw) ka talaga! Tingin mo maakit atashi(ako) niyan! Wit talaga!”

“Subukan kaya natin, Sinta. PEro sa isang kondisyon?”

“Ano?” Pinandilatan na ni Elvin si Kathryn, knowing her, kung anu-ano na naman ang pumapasok sa brain cells nito.

“Pahawak ng nota mo.” Humalakhak ito. Ang sarap-sarap asarin ng asawa niya.

“OMG! Nooooo! Tumigil ka nga Kathy! Ang landi-landi mo!”

“Baka naman kasi jutay (maliit) yan kaya nahihiya ka.” Asr pa niya. Namumula na ito kahit hindi pa gaanong tirik ang araw.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon