END

88.9K 2K 369
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

END – JULY 14, 2015

BASAHIN NYO ANG A/N KO! Wahahahahahahahhahaha! Maraming salamat talaga sa mga sumubaybay sa kwentong ito na isang malaking trip ko sa buhay. Isang taon rin yata bago ko natapos. Maraming salamat sa umabot till this chapter, salamat sa mga bumoto at nag iwan ng comment. Mamaya after ninyong mabasa ang simpleng ending, required kayong gumawa ng 100 words na comment. Hindi pwedeng vote lang, hindeeeee! Papanail cutter ko kayo kay Inday! Wahahahahhahah! Juk! Seriously, I didn't imagine that I can finish this, although deep in my heart, nakakalungkot i-end ang isnag story. Dahil yata sa story na ito kaya dumami ang members ng Xianatics, may mga pagkakaibigan na nabuo. Simple lang ang ending kasi simple lang din ako. –walang connect. Dahil alam kong mamimiss ko si Elvin, naisip ko yung Dear Mr. Operator na story pero iba pa rin pala. Kaya dalaw na lang kayo sa group, nandun naman ang OP niya at ang iba pang mga operators.

Okay na, hindi na ako magda-drama, hala, basa!

Para ito kay Makhai Lumbres na nanalo sa aming first ever Miss Xianatics! Congratulations! Para rins a lahat ng readers.

Nasa hardin ang mag-asawa habang may nakalatag na napakalapad na sapin para sa kambal nila. Naisipan kasi ni Inday na mag picnic sa labas ng bahay para maiba naman. At ngayon nga, ang gulo ng tatlo, nakikipaglaro si Inday kina Kael at Erynn.

"Alam mo ba ang pakiramdam na sobrang saya, Sintas? Yung tipong parang nasa langit ka?" Tanong ni Elvin sa kanyang asawa. Nakaupo sila habang nakatingin sa kambal at kay Inday. Yakap ni Elvin si Kathryn.

"Oo naman, Sinta. Kapag kasama kita parang nasa langit ako."

"Kinikilig ako! Hawakan mo, bumibilis ang heartbeat ko, Sintas!" Inilagay ni Elvin ang kamay niya sa dibdib. Natatawa lamang si Kathryn.

"Mahal na mahal kita, Elvin Yue."

"Mahal na mahal rin kita, Kathryn."

Pagkatapos sabihin ay biglang napatayo si Elvin at nangisay. Nagtatakang napatingin sa kanya si Kathryn.

"Napano ka?" Natatawang tanong niya. Ang gwapo naman talaga ng asawa niya. Wala ng bakas ng pagiging paminta sa ayos nito, sa mga kilos na lamang at pananalita kapag dadalawa na lamang sila o kapag komportable siya sa mga kasama.

"Kinikilig ako, Sintas! Emerghed!" Nagpapadyak pa ito, pagkatapos ay inipit ang kanyang imaginary hair sa tenga. "Kasi, nakakakilig yung 'Mahal na mahal kita, Elvin Yue."

Natawang lalo si Kathryn. "Mahal na mahal na mahal kita, Elvin Yue Fernandez." Ulit nito.

Nagkunwaring hinimatay si Elvin.

"Juice kulured! Pabibi ka masyado, Ser! Dapat nag bidyu ako, para maiapload ko sa facebook, tapos sesekat ka. Ser Elven, ang Pabibing inlab!" Comment ni Inday.

"Heh! Wala kang pake! Walang makakapigil sa akin! Sa kinikilig ako, baka hindi kita payagang makipag date kay Dodong makita mo."

"Geh Ser, gu ahid (go ahead) Pabibi pa more! Tara Kail, Iryn, lits play! Iwan natin ang Mame at Dade nyo para magkaroon na tayo ng kapatid."

Magsasalita pa sana si Elvin pero napigilan siya ni Kathryn. "Sinta, remember, she's our ildest doter."

"Epal, Sintas, epal!"

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon