3

271K 3.4K 250
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

3

Elvin gave a deep sigh, heto na siya at papalabas na ng eroplano. This is it na talaga! He had decided to go on and follow what her..oo na, HIS lola wants her? …him to do..it’s really difficult to pretend that you are what you are not. Ang hirap maging paminta!

Dahil ayaw niyang madagdagan ang mga muscles niya sa katawan na ewan ba niya, kahit hindi naman siya mag work out ay kapansin-pansin pa rin. He lazily dragged his trolley. It should be pink! But he changed his mind and bought the gray one. It’s safer than buying a blue color. Mabigat ang bawat mga hakbang niya. She, what he meant is he..made up his mind already. The only problem, who will say yes to his proposal?

Inihanda naman niya ang sarili. Magiging lalaki siya, tunay na lalaki, magkakaroon ng asawa, pero ang hindi niya talaga alam ay kung kakayanin niyang magkaanak. Imagine, mag-aano sila..mag se-sex ng isang babae. Yuck! Gusto niyang masuka! Magtatabi sila sa iisang kama, hahalikan niya siyempre.

“Cannot beeee!” Biglang sigaw niya. He was heading towards the taxi lane. Lahat ng naglalakad malapit sa kanya ay napatingin, nagtaka, nagulat. Saka lang siya nakaramdam ng hiya. Ano ba tong nagyayari sa kanya? Kahit naman papaano ay limitado ang nakakaalam kung ano talaga siya. Isa pa, tanggap siya ng mga magulang niya pero kahit ganun, hinding-hindi niya bibigyan ng kahihiyan ang mga magulang at kapatid. In the society he is in right now, the third sex is not fully accepted. Lalo na sa bayan nila. Ayaw naman niyang makatanggap ng kahit anong panlalait ang mga kamag-anak niya na wala namang ginawang mali sa kanya.

He managed to get a taxi and did some negotiations, ayaw na niyang mag bus pa or van. Nakaka stress! Sayang naman ang ginastos niya para lamang ma maintain ang kanyang makinis na kutis kung unang araw pa lamang ng pag-uwi sa Pilipinas ay kukulubot na ang balat niya. Mabuti na lamang at hindi rush hour, wala masyadong traffic. Ang laki na talaga ng ipinagbago ng Davao City, maging ang lugar nila, that’s Toril. His brother told her..him pala that there are malls everywhere.

HE called his mother that he’s on his way home, pagkatapos ay tinawagan niya ang kanyang ever dearest friend na si Candice, Ito ang kanyang kasama at utak ng pinaplano nilang dalawa. Operation hanap asawa na papayag sa kanyang mga conditions.

“I just arrived, Babe.”

“Good! How was the trip, Babe?” Candice and Aron Miguel were playing chess at that time. He was teaching Candice on how to do it. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito pagkarinig sa salitang, BABE.

“Okay naman, but you know, nakakapagod pa rin, buti na nga lang, Babe at guwapo ang katabi kong mentos (lalaki)! Pwedeng gawing dyowa.(boyfriend)” Napatingin ang taxi driver sa kanya. Oo nga pala, nasa loob pala siya ng taxi, nakalimutan niya. Umayos siya ng upo. Kahit naman papaano ay hindi pa talaga siya tuluyang nagladlad, at sa nangyayari ngayon, malamang sa hindi na niya iyon magagawa.

Kung tatanungin nyo siya kung nasubukan na ba niyang makipagrelasyon sa kapwa lalaki? The answer is no! Puro lamang siya crushes, crush niya ang mga friends ng asawa ng bestfriend niyang si Candice, pero puro naman taken na. At sa ngayon, hanggang doon na lang muna.

“Babe, anjan ka pa ba?” Oo nga pala at kausap niya ang kaibigan.

“Yes, Babe, nasa Davao ka, hindi ba? I’ll see you ASAP. Sige na, malapit na ako. Kailangan ko na namang mag emote ng bongga! Magkikita na naman kami ng mga kamang-anakan ko. Take care and say hello to Papa Aron Miguel, ikiss mo ako sa kanya, Babe, bilis.” Pabulong lamang ang huling linyang binitiwan.

Salubong na ang mga kilay ng asawa niya nung matapos ang tawag. “O? Bakit sambakol ng mukha mo? Asus! Nagselos ka na naman, Hubby!” She changed the boyfriend endearment to Hubby, since hindi na niya ito boyfriend, pero ang magaling na asawa niya, isa pa ring tumataginting na Irog ang tawag. Nakakapanindig balahibo.

“Sino bang Babe yun, Irog? Huwag mong sabihing si Elvin? Pipilipitin kong leeg ng lalaking yun, tinatawag ka pa ring Babe, at ikaw, nakiki - Babe ka rin.” Nakasimangot na sabi nito.

“Hubby naman, alam mo namang tawagan naming dalawa yun no.”

“Irog naman, alam mo namang ding lalaki pa rin siya.” Panggagaya nito sa tono niya. Why is he still possessive of his wife? Kahit bakla pa ang Elvin na iyon, lalaki pa rin siya.

“Nasabi ko naman di ba ang problema niya, and he’s back to solve it. The problem, wala pa rin kaming mahanap na magiging wife niya.”

“Have an add at the newspaper.”

“That can’t be! Kapag ginawa naming yun, dadagsa sila, maraming oportunista sa panahon ngayon, Aron Miguel. You knew that Elvin is a good friend of mine. I wanted the best for him. Isa pa, alam mo naman na kailangan niya ring magkaanak sa magiging asawa niya no. How will Elvin do that kung wala namang attraction kahit konti.”

“So Irog, ibig mong sabihin, kailangang attracted rin si Elvin sa mapapangasawa niya? Para magkaanak sila? Sus, lasingin niya lang yun, ayos na.”

“Heh! You and your  suggestions! Pareho lang kayo ni Ruel, puro kalokohan, huwag ka ngang nagsasasama palagi dun.”

“Tell me, how will Elvin feel an attraction to his opposite sex if he’s a gay? Ikaw nga na sobrang ganda na, wala siyang na feel na attraction.” Sabay ngisi nito. “Subukan lang niya at..”

Kinurot niya ang asawa, kahit talaga kailan. “well, siguro okay na rin that the girl must feel the attraction, baka ma fall in-love rin si Elvin.” Napangiting sabi niya.

“And who do you think will that be? Hindi ba’t ang sabi mo, you only have few days left?” Talaga naman itong Irog niya, masyadong hopeless romantic.

“Kathryn.”

“What!”

“Watch and learn, Hubby! Kapag ako ang nag love match, magkakatuluyan talaga.” She got some plans.

“Irog, you have to be careful. Hindi dapat pinaglalaruan ang nararamdaman, what if Kathryn will be in love with Elvin, and Elvin could not love her back? Masakit iyon para sa kaibigan mo.” Paalala niya sa asawa.

“Yah, I understand. But what if my plan will succeed? Hindi ba ang saya nun?” She could just imagine.

“Do you think Kathryn will agree to your plans?” Heto na, nagdedebate na silang mag-asawa.

“Hmmm. I haven’t ask her again, but she told me that she got a crush on Elvin. I guess that would be a great start. What do you think?”

“I think that you should think again, Irog. Halika na nga sa kuwarto. Dun tayo magplano at mag-isip.”

Now she knew what her husband is thinking…but she liked it anyway! Napasunod siya sa asawa.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon