58

109K 2.2K 300
                                    

READ THE A/N AT THE END

58

Bumalik rin si Elvin pagkatapos kumain ng tanghalian, hindi pa rin nawala ang inis niya kay Scanver na tumawag pa kay Kathryn, naiinis rin siya dahil hindi siya sineseryoso ng asawa, tawa lang ito ng tawa sa kanya. Mukha ba siyang nagbibiro.

“Subukan lang ng otokong yun na i-touch move ang Sintas kesh, makaka sight siya ng maraming stars sa sky, akala niya, jojombagin ko talaga siya! True!” Kausap niya ang kanyang sarili, mas dumagdag ang inis niya sa traffic papuntang opisina, medyo malayo kasi ang bahay nila

Teka, bakit ba siya nagagalit? Bakit ba siya nag vi-violent reaction, nagseselos siya?

“Wititit!” Sabi niya sa sarili, pagkatapos ay nag-isip. Pinalo ang manibela ng kotse. “Nakakapanselos kasi! I hate him! I really, really, reaaalllly hate him na! Swear!” Sabay ismid.

Late tuloy siya sa meeting nila.

“Sir Elvin, this way po.” Sabi ng secretary. Mukhang mahirap palang umuwi ng bahay niya para makita ang asawa pagkatapos ay may meeting sa hapon, ito ang magiging kinalabasan, pero, okay lang, sulit na sulit naman.

“Sorry, I’m late.” Medyo nahiya siya dun, ang natirang bakanteng upuan ay sa tabi ni Scanver kaya wala siyang choice.

Scanver gave him something.  “We started fifteen minutes ago.”

Yeah right! Di bale na, hahabol siya, mas importante ang Sintas niya at ang kambal. Nakinig na lamang siya sa ipinapaliwanag ng Papa ni Kathryn.

“Mas makakabuting mag-iisip tayo ng paraaan para sa launching ng ating bagong papasuking negosyo. Nagkataon pang pareho ninyong tinanggap ang trabaho, Elvin, para kay Kathryn at ikaw Scanver, kapalit ng ama mo.”

“I will do my best, Sir.” Sagot ni Scanver.

“I know, kilala ko naman ang ama mo at ikaw, simula pa noon.” Tumingin ito kay Elvin. “At ikaw, Elvin, nakikita kong malaki ang potensiyal mo.”

“Salamat po.”

“Good, shall we continue? Since..” Nagsimula na namang making si Elvin. This is a challenging job, makakasama niya si Scanver, at sabay pa silang pumasok, magiging magkasama sa shipping lines na papasukin ng Piamonte Group of Companies. Gagawin niya ang lahat, para sa pamilya. Natapos ang meeting na ang dami-dami niyang natutunan, mamaya mag-uusa sila ng kanyang Sintas.

Papalabas na siya nung sumabay si Scanver sa kanya.

“Pauwi na?”

“Oo.” He casually answered.

“Good. Pwede bang sumunod? I mean, I wanted to see Kathryn, kung sana ay okay lamang sa iyo. Kakamustahin ko lang, pati ang babies.”

“Sure.” Hindi naman niya masabing huwag.

“Salamat, Pare.”

Hindi na siya sumagot, alam naman niyang susunod ito sa kanya.  Iligaw kaya niya?Alam kaya nito ang bagong bahay nila? Bigla itong nagsalita.

“Hindi ko alam ang bagong address ninyo, Pare, kaya susundan ko lang ang kotse mo.”

“Sure.” He smiled “Pero, may mga dadaanan pa kasi ako, Pare, may gustong kainin si Kath.”

“It’s okay. Pero, okay lang din namang mauna ako, just give me the address.”

“Ah hindi!” Napalakas na sabi niya. “I mean, sandali lang naman ako, I’ll just buy eggs for tomorrow. A tray of eggs, pang-agahan.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon