18

211K 2.5K 82
                                    

18

Would you believe that I am depressed right now? Kaya ito na story na uupdate ko, so alam na, I am more into RomCom than the drama, kasi mas madalas ako stressed kesa sa hindi, pag seryosong story na updte ko, ibig sabihin I’m happy…isn’t it weird? Am I? Kiber!

******************************************

“Excited ka talagang bruha ka! Matulog na nga tayo.” Umayos na nang higa si Elvin.

“Ay sayang lang. Akala ko makakapag start na tayo ng NM eh.” Nanghihinayang na sabi niya pero sa totoo lang, bigla siyang kinabahan kanina. Totoo naman talaga ang sinasabi ni Elvin, wala siyang alam pagdating sa sex, eh sa excited lamang talaga siya na gawin ito with him, mahal niya yung tao.

Nakuntento na lamang siya na yakapin ang binata, dahil sa pagod, pareho silang mabilis na nakatulog.

Nagising na lamang si Kathryn na parang may mabigat na nakadagan sa legs niya. Muntik na niyang makalimutan na may asawa na pala siya at kakakasal lamang nila ni Elvin Sinta niya kahapon. Napangiti siya nung mapagmasdan ang guwapong mukha ng katabi.

Sino ba naming matinong babae ang hindi main-love rito. Ang hahaba ng pilik-mata, tinalo pa yata siya, ang kakapal ng kilay, tama lamang ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha at ang lips! Namula siya nung maalala ang leptolelang nilang dalawa kahapon at kagabi. Bakit ba ang sarap humalik ng lalaking ito? To think na baklita ha. Hindi kaya, hindi naman talaga siya bakla?

Dahan-dahang iniangat niya ang legs nito para hindi magising. Umupo na siya. Sinipat ng mabuti si Elvin. Baka nga hindi ito totoong bakla.

“Sinta! Sinta!” Biglang niyugyog niya ito sa balikat. Ang tigas ng biceps ha, nung napatingin siya sa dibdib nio, may mga pinong balahibo pa. Pak! Baka tamang hinala siya.

“Elviiinnn! Gising!”

Biglang napabalikwas ng bangon ang lalaki, halatang nagulat. Nung maalala kung sinong bruha, babae pala ang katabi niya, saka biglang nagtaray.

“Ano ba! Wititit mo ba knows na nakaerklip akembang ha!” (Hindi mo baa lam na natutulog ako ha) Nakakaimbiyerna ang mujer na ito! Nakita nang kulang sila sa tulog. Nung tinignan niya si Kathyn, titig na titig lamang ito sa kanya, sinasapian ba ito ng masamang espiritu? Hala! Anong nangyayari sa bo-o na itey? (Anong nangyayari sa taong ito?)

“What?” Nagtatakang tanong niya sa Sintas ng sapatos niya.

“Bakla k aba talaga?”

Ay Baliwag Bulacan pala ang merlat na ito! Nagdududa pa sa kanyang sexual preference.

“Oo! With the capital O! Teka, Jutomis ka na ba? O sadyang nalipasan ka na ng gutom? Bakit ba bigla na lang tinatanong mo ako niyan?” Biglang tumayo siya sa kama, nag-uusap silang dalawa ng hindi pa man lamang siya naghihilamos o nagmumumog man lang.

Napanganga na lang si Kathryn, paano ba naman, kung kanina matigas na biceps pa lang ang nahawakan niya, ngayon kita na niya ang kamachohan ng kanyang Sinta. Half naked! Iba pala kapag pagod ka nung una mo itong nakita at ngayon na bagong gising.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon