17

208K 2.6K 304
                                    

17

Plith lang din! Kapag nag U-UD ako sa story na ito, nakabukas ang google ko para sa beki words, kaya if may knows kayong bagong beki words, comment naman, help nyo ako..hehehehehe..Salamat sa votes at sa comments.. add nyo ako sa FB, pwede rin na PM nyo dun ang beki words, need ko nga pala ng male operator para kay Elvin at para kay Aron Miguel, baka feel nyo. Tink yu!

*******************************

Hindi mapakali si Elvin na palakad – lakad sa loob ng kuwarto. Tanggap naman niyang may mangyayari talaga sa kanila ni Kathryn, at tanggap niya ring mag nanatural method sila, pero naman.plithh lang talaga, huwag muna ngayon. Hindi pa siya ready!

Nagulat pa siya nung bumukas ang pinto, si Katryn. Kung pwede mag sign of the cross ay ginawa na niya.

I’m done, Sinta.” She said seductively.

“O-o-okay. A-aketch naman. N-n-niilalagkit ng k-k-katawan ko.” Hindi niya mapigilan na mautal. Sino ba naman ang hindi, nasa harap niya ngayon si Kathryn na alam niyang halos wala ng itago sa suot nitong sexy see-through nighties. Red pa ang kulay, dahil maputi ang babae, angat tuloy ang kulay nito, idadgdag pa ang basang buhok na pinapatuyo nito ng tuwalyang gamit.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Kathryn. “Take your time, Sinta.” Then biglang iniangat nito ang kanyang paa at ipinatong sa kama, sabay kuha ng lotion at pinahiran ang legs.

“Akala ko ba maliligo ka na, Sinta?” She smiled, paano, nakatanga si Elvin sa harap niya, nakaawang pa ang mga bibig, kulang na lang yata, tutulo na ang laway nito sa nakikita.Mukhang effective ang plano niya!

“Ha? Ah O-oo. Pero, Sintas naman, baka paglabas ko wa (wala) ka ng damit!”

“Like mo yun, Sinta?”

“Hell no! Afraidie Aguilar akembang na rereypin mo aketch ngayong gabi. Plithh lang talaga, Sintas! Not now, give me some time, plithh!” Pakiusap na niya, prangka-prangka na ito, kesa naman mamaya, gagapang siya palabas ng kuwarto nila sa kakaiwas. (Takot lang talaga ako na rereypin mo ako ngayong gabi, Sintas. Please lang talaga Sintas, Give me some time please.)

Napasimangot si Kathryn, nakakainis na Elvin ito, nakakaawa na ang hitsura, parang ilang minuto na lang hihimatayin na eh.

“Kath, I’m serious, don’t worry, darating rin tayo sa natural method na yan, gagawa rin tayo ng kyotatalet (baby) but please, unti-unti lang. I mean, dahan-dahan until such time na kaya ko na.”

“Hmp! Oo na. Kapag darating yung time na marerealize mo na gusto mo na, sana in-love pa ako sa iyo.” Naiinis na tinalikuran niya ito, nagtalukbong ng kumot. She’s hurt ha, kala lang nitong baklang to, hindi siya bato.

As if naman main-love ako sa katulad kong girl, ano ako, tombyang!  Pero sa trulity, bigla siyang naawa, honeymoon nila ngayon pero hindi niya maibigay ang natural method na yan. Pumayag na lang kaya siyang magpa rape?

Tulog na si Kathryn nung matapos siyang magshower. He just wore his usual boxers without an upper shirt. Hindi siya sanay na may pang itaas kung matulog, at mas lalong hindi siya sanay na nagpapajama. Hindi naman siguro ma o-offend ang kanyang asawa kahit nan aka briefs pa siya, baka nga maglulundag pa ito sa tuwa.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon