60

92.2K 1.8K 214
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

60

“Hey! You seem so busy, Sintas.” Hinalikan niya sa pisngi ang asawa. Tutok na tutok ito sa ginagawa. Lagi siyang busy sa opisina lately kaya ngayong Sabado, ipinangako niyang magkaroon ng quality time sa mag-iina niya.

“Para sa darating na binyag ng kambal. Kumusta ang ginagawa mong proposal, Sinta?” Tumabi ang asawa sa kanya at kinuha ang hawak niyang papel.

“Nakakawindang, Sintas! But this is better than  that shipping line business, juice colored! Hagardo Vesoza akembang dun.” Niyakap niya ang asawa. Mabuti na lamang at tulog ang kambal.

“Kaya nga, Sinta. I could observed that, mabuti na lamang at pumayag si Papa na dun sa business na may alam ka at magugustuhan mo.”

“KOrak! Sana maging successful ito, Sintas. Nagsisimula na nga akong magpa advertise ng need for staff, I want to have a team of architects. Mabuti na lamang pala at nasa real estate business kayo ano? Na eenjoy ko pa rin kahit papaano.”

“Yep, Sintas. But one thing I observe since you work with Papa is you seldom use gay language.”

“Eh, tinitiis ko talaga, SIntas, para sa mga kyotatalet, para sa iyo. Isa pa, pag tayels nabisto ng Papa mo, I mean akembang, pag nalaman ni Papa na paminta, malamang matetegi akesh.”

Natawa siya. “That will not happen, Sinta. Teka, look at these, ito yung mga napili ko para sa binyag ng kambal.” Elvin looked at the catalog. Mukhang magiging busy ang Sintas niya at siya sa mga susunod na mga araw. Nakakawindang pala ang pagkakaroon ng pamilya! Pero iba ang saya na naibibigay nito.  Masaya siya na kasama si Kathryn at ang kambal niya. Masayang-masaya.

“Bongakea Sintas! Excited na ako para sa mga anak natin. Sana lumaki silang mababait na bata. Higit sa lahat, sana si Kael lalaking 100 % hombre. Wiz maging paminta like me.”

Niyakap ni Kathryn ang asawa. “Kahit pa maging paminta si Kael, Sinta, basta ba lalaki siyang kasing bait mo, okay lang. Alam kong wala sa kasarian yan, mas importante ang puso at kung paano niya ito gamitin sa kapwa. Katulad mo, alam ko magiging mabuti kang ama sa kambal at sa magiging anak pa natin.”

“OMG! Kung lumaban kang Miss Universe, Sintas, winner ang answer mo!” Pinupog niya ng halik si Kathryn sa mukha. “PEro seriously, thank you Sintas, thank you for loving me and for accepting me as…the queen of the universe.” Sabay halik sa noo nito.

*************************

“Thank you for coming, Mare.” Nakangiting sabi ni Elvin sa ninang ng kanyang kambal na si Sofia, mauuna na raw ito dahil may lalakarin pa.

Masaya naman ang lahat sa binyag nina Erynn at Kael, halos lahat ng malalapit nilang kaibigan ay nakadalo. Siyempre, masayang-masaya rin ang mga Lolo at Lola. Pati na ang kambal ay parang alam na para sa kanila ang okasyong ito.

“Pagod na ba ang Sinta ko?” Tanong ni Kathryn sa asawa. Kanina pa kasi ito nag eestima ng mga bisita, alam niyang puyat pa ito kagabi dahil sa trabaho.

“Okay lang Sintas. Ang mga bata?”

“Karga ni Mamang si Erynn, si Kael naman, nasa kay Scanver.”

Napasimangot siya pagkarinig sa pangalang Scanver, pero lately, medyo nasasanay na siya. Confident na kasi siyang kahit kailan ay hinding-hindi makakagulo sa kanila ang lalaking yun.

“Sinta, huwag mong sabihing nagseselos ka pa rin?”


“Wit na no! Isa pa, ilelevel mo ang kagwapuhan ko sa kagwapuhan niya? Walang laban Sintas! Landslide win.” Sagot ni Elvin.

“Yabang!”

“Isa pa, kung magaling dumiskarte sa merlat yan, eh di sana kayo ngayon at hindi tayo, like duh? Tama ba nyosawa ko?” Bulong niya.

“Isang making check gamit ang pink mong ballpen.” Sakay ni Kathryn. Nagtawanan silang dalawa.

“Hey! I need to go now, Kathryn, Elvin. Magkumpare na pala tayo.” Si Scanver. Hindi nila namalayang nakalapit na pala ito sa kanila dahil sa mga kalokohang naiisip.

“Masyado pa namang maaga, Pare. Inuman muna tayo.” Si Elvin. Pinipigil ni Kathryn na hindi pandilatan si Elvin. Anong drama nito?

“Next na lang, Pare. Alam mo namang magiging busy na tayo bukas sa opisina.”

“Sabagay. Paano, salamat sa pagpunta.”

“Basta para kay Kathryn. Para sa mga bata. Paano, alis na ako.” Paalam nito.

“Salamat, Scanver. Salamat sa gift ha.”

Nung makaalis ay tinukso ni Kathryn ang asawa. “May inuman ka pang nalalaman ha.”

“Ganyan kaming mga hombre, sa inuman nagkikita. Halika na nga, Sintas, nasa loob pa sina Candice.”

“Hindi ka kaya marunong uminom, Sintas.” Pahabol niya.

“Marunong, Sintas. Water therapy sa akin. Sunog baga kay Scanver. Tara na, namimiss ko ng mga kyotatalet natin.”

Natawa na lamang si Kathryn. Hindi na raw nagseselos ha, nasasanay na raw siya kay Scanver.

*******************************

“Sir, nasa loob na po ng conference room ang team of architects na hinihintay ninyo.”  His secretary informed him. Sosyal na siya ngayon, may sarili na siyang sekretartya, mas mainam raw iyon dahil magiging napaka busy niya.

“Salamat. Tell them to wait for a while.” Kausap niya kasi ang kanyang asawa. Hindi siya makakauwi ng tanghalian dahil sa meeting na ito.

He needed a team of architects, as much as possible, all experts on their field. May mga nairekomenda ang Papa niya at si Scanver, pati na rin ang ilang business associates ng Papa ng asawa. Kaya ang mga kameeting niya ngayon ay talagang magagaling. Kailangang huwag pumalpak dahil nakakahiya kay Kathryn at sa pamilya nito.

“Sintas, ime-meet ko muna sila ha. Wish me luck. Babawi ako mamayang gabi. Ihalik mo ako sa kambal ha. Love you.” Nakangiti siyang ini-off ang cellphone.

“Keri ko to!” Sabi niya sa sarili bago lumabas ng opisina.

Naghihintay na sa loo bang limang magagaling na arkitektong napili niya para sa kanilang real estate business.”

“Good morning.”

“Good morning, Sir.”

“Have a seat.” Napatingin siya sa mga ito. Mga bata pa, halos ka edad lamang niya. Apat na lalaki at isang babae.

Ilang sandali pa at busy na silang anim sa pagpaplano ng mga gagawin. Ganito pala ang ginagawa ng Papa ni Kathryn, talagang bilib siya sa utak ng matanda.

Nung matapos ay kanya-kanyang nagpaalam ang lima, maliban sa nag-iisang babae sa team. Si Victoria Andrews, pamangkin ng isa sa mga business partners ng Papa ng asawa niya.

“Yes?” Baka kasi may hindi ito naintindihan sa meeting nila.

“Work is over right?” Nakangiting tanong nito.

“Yes, I will see all of you tomorrow. Do you need anything? May hindi ka ba naintindihan?”

“Ah, wala naman.” TUmingin ito sa relo niya. “I’m new here at Davao, I’m kinda starving already, since tapos naman ang work, can I invite you for lunch? I hope you don’t mind, Elvin. I mean, is it okay if I call you Elvin after work?”

Napatanga siya. Hanudaw?

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon