9-name

229K 2.8K 134
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

 9

Agad na humiga si Elvin sa kama niya pagdating sa kanyang  unit. May sarili siyang unit na talagang binili niya para sa kanya, mas less hassle kasi sa part niya kesa uuwi pa siyang Toril, although ilang minuto lang naman ang kakailanganin. Andun kasi lahat ng kanyang mga kamag-anakan, mas malapit sa mga ito, mas uncomfortable para sa kanya.

Naiisip niya si Kathryn, kanina, it was purely joke for him pero sa totoo lamang, ang hirap pala. Ang hirap kapag talagang iisipin niya na kailangan niyang mag-asawa, at nakakakonsiyensiya kapag alam mong may isang taong  mahal ka pero hindi mo naman kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iyo.

“Kasi naman, Lola! Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, bakit mo ako binigyan ng ganitong problema!” Tumingin pa siya sa kisame with matching emote. “Ang pinaka highlight eh ang pagkakaroon ng kyotatalet! At worst, yung napiling kong bigyan, gusto in a natural way! Help me Queen of queens!”

Minabuti na lamang niyang mag-order ng kanyang makakain. Kailangan kasi niyang mag-isip na naman ng bongga! Kailangan kasi silang maikasal ni Kathryn sa lalong madaling panahon. Civil wedding na muna ang plano nila. May binayaran nang tao si Kathy para sa mga kakailanganin nilang papeles. Hindi talagang halatang excited ang babaeng iyon. Nakakaloka!

Teka, ang una nga pala niyang problema ay pamamanhikan, hindi pa niya naipapakilala si Kathryn bilang nobya niya sa buong universe! Ang alam nga sa kanila, si Candice ang talagang girlfriend niya, nagkahiwalay lamang sila dahil bumalik ang ex nito at ito ang mas pinili ng Babe niya, iyon ang kanyang kuwento.  Hindi pa rin niya nakikita ang mga magulang ni Kathryn, ang alam niya nag-iisang anak ito.

“Nakakastress talaga! Ayoko pa namang ma thunder cats (tumanda) ng maaga!” Tumapat siya sa aircon, feeling niya kasi ang init-init. May tumatakbo na sa utak niya na mga gagawin,  bukas siguro, babalik siya kay Kathryn, pag-uusapan nila ang kanyang incoming pamamanhikan! Juice colored! Pamamanhikan talaga! Dinarasal niyang walang sapi ng kalandian si Kathryn bukas at nang masabi niya ang kanyang gusto ng tuluy-tuloy.

************************

Kanina pa paikot-ikot si Kathryn sa harap ng salamin, namimili ng dapat suotin dahil tumawag si Elvin kanina, mag-uusap raw sila ngayon tungkol sa kanilang mga gagawin. Isang oras kaya siyang naligo, sisimulan na kasi niya ang pang-aakit sa kanyang soon-to-be-husband. Kailangang magandang-maganda siya.

Kagabi nga ay tumagal siya sa kakaresearch sa internet ng mga beki words, she even liked the page of Vice Ganda and Bekimon just to be updated with stuff that Elvin might like. Ganun siya ka desperada, despite the fact that Elvin is a gay, she still believes na may pag-asa pa sa kanilang dalawa.

Sa huli, isang simpleng pink dress na lamang ang isinuot niya, above the knee at sleeveless kaya litaw ang kanyang makinis at magandang legs at ang kanyang magandang mga braso at siyemre, kahit itaas pa niya ang kanyang kamay, proud siyang maputi ang kanyang kili-kili.  

Inilugay niya ang kanyang curly hair, she applied light make-up, and of course sprayed her favourite perfume. Nung tinignan niya ang kanyang repleksiyon sa salamin ay napangiti siya. Imposibleng hindi siya magugustuhan ni Elvin kahit konti. Confident kaya siya sa kanyang beauty, sa kanilang tatlo ni Loise at Candice, siya yata ang pinakamaganda, pinaka sexy, at pinaka matangkad, well, yung dalawa ang pinakamatalino, admitted naman niya iyon.

Tamang-tama na natapos siya ay nakarinig siya ng doorbell sa kanyang unit. Hingang malamim, Kathryn! Sabi niya sa sarili, tinignan muli ang hitsura sa salamin, ngumiti saka hinintay ang isa pang doorbell, para naman hindi mapaghahalatang uber excited siya.

Nung narinig ang gustong marinig ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

“Hi!” Sabi niya. Pero agad na nawala ang ngiti ng makita ang kanyang.

“Papa! Mama!”

Bakit napaka wrong timing naman ng kanyang mga magulang. Hindi man lang nagpasabi ang mga ito na dadalawin siya. Bigla tuloy siyang napadasal na huwag munang pumunta si Elvin. Hindi pa kasi sila nakakapag rehearse na dalawa. Pinapasok niya ang mga magulang, gumala na naman ang mga mata ng Mama niya sa unit niya, kabisado na niya ito, inaalam na naman kung komportable pa ba siya sa buhay o hindi.

“Kathryn, mukhang may lakas ka yata at bihis na bihis ka?” Pansin ng Mama niya.

“Wala, Mama, mag mamalling lamang sana kami.”

“Kami? Nino?” Ang Papa niya. Pero bago pa siya nakasagot ay may nag doorbell ulit. Ang bigat ng mga paa niya na pagbuksan ito. Alam niya kasing si Elvin na. Ang hirap naman kasi, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na itext o tawagan man lang ang Sinta niya na naririto ang mga magulang niya.

“Hi Sinta!” Bati niya nung mapagbuksan niya ito ng pinto. Ang guwapo lang, mabuti at naka smart casual attire ito. Binuksan niya ng maluwang ang pinto para makapasok ito. Hinalikan niya sa pisngi si Elvin, buti na lamang at hindi umiwas, sabay bulong ng “anjan sina Mama at Papa sa loob”.

“Huwat.” Bulong rin niya. Pagkatapos ay nakarinig sila ng pagtikhim mula sa loob.

“Ma, Pa, I’d like you to meet my boyfriend, this is Elvin Yue Fernandez.”

“Magandang umaga po, Ma’am, Sir. Please to meet you po.” Sabi nito in his most masculine tone of voice. Kinikilig si Kathryn, bakit ganun! Nagmano si Elvin sa mga magulang niya, walang kangiti-ngiti ang Papa niya, samantalang ang Mama naman niya ay niyakap ang nobyo kuno niya imbes na pagmamano lang. 

“Kailan ka pa dumating?” Tanong ng Papa niya.

“Po?” Naguguluhang tanong ni Elvin.

“Sinta, sinabi ko kasi kay Papa na nasa Canada ka at nagtatrabaho kaya hindi ka nila nakikita.” Lambing niya kay Elvin, with matching kapit  pa sa braso nito. Pagkakataon na niya ito para maka tsansing. Kinikilig siya, nagwowork out baa ng Sinta niya at nakakapa niya ang laki ng muscles nito.

“Ganun na nga po, Sir. Pasensiya na po kayo, pupunta nga po sana kami sa inyo ngayon dahil po may mahalaga kaming sasabihing dalawa, kaso po naunahan nyo naman po.”

“Bagay kayo ng anak ko, Iho.” Nakangiting sabi ng Mama niya, para malihis ang topic.

“Salamat po, Ma’am. Ang dami pong kuwento ng Sinta ko tungkol sa inyo ni Sir.” Pumapalakpak ang tenga ni Kathryn sa narinig mula kay Elvin. Sana hindi na umalis ang mga magulang niya. Natatawag siyang Sinta at hindi sintas.

“Call us Tito ang Tita.” Sabi ng Mama niya.

 Ano bang mahalagang bagay ang sasabihin ninyo sa amin? Since nandito na tayo, pag-usapan na nating apat.” Hala! Ibang level ang Papa niya. Kinabahang bigla si Kathryn dahil wala pa silang napag-uusapan ni Elvin.

“Mamamanhikan po sana ako, ipagpapaalam ko po sana.”

“Ano!” Napatayo ang ama niya.

Patay! Nagpapanic na ang isip ni Elvin! Agad niyang hinawakan ang nanlalamig rin na mga kamay ni Kathryn.

Nakaka-shokot (nakakatakot) ang pudra (tatay) ng mujer na si Kathryn! Wiz dapat siya magpahalata na isa siyang paminta kundi majojombag talaga siya ng todo! Dakila (malaki) pa naman ang mga kamao! Baka isang bigwas lang at tumba na siya. Wiz din dapat magpahalata na kimiladoo(kunwari) lang ang lahat! Wiz!

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon