53

95.2K 2.1K 307
                                    

53

Talaga namang kasama si Scanver sa story, di ba? Kaya pwede pa rin siyang bumalik. Gusto ko lang yung pangalang Scanver, guwapo rin ang may-ari. Walang basagan ng trip.

Add nyo sina Elvin at Kathryn sa FB, join the group para makapag interact kayo sa ibang characters at readers. Salamat.

*******************************

 “Sintas, final na tayo sa names ng mga kyotatalet ha, Kael  and Erynn, ang cute ng mga namesung, Sintas! Bongga! Pang highest level, pak na pak.” Nagpaplano sila sa kanilang mga junakis, isama na rin ang magiging baby shower at isama na rin ang design ng kanilang magiging nursery. Malapit na rin kasing matapos ang pinapagawa nilang bahay.

“Parang galing rin pala sa names natin Sinta ano? Parang pinaghalo, ang galing nating mag-isip. Sana lalaki silang mababait na bata.”

“Oo naman,  keri natin na palakihin silang maayos, Sintas. Sisikapin ko talaga na tanggalin ang bakas ng pagka beki.”

Niyakap ni Kathryn ang asawa. “You don’t need to, Sinta. Tanggap naman kita kahit ano ka pa, nung nakilala kita at minahal kita, ganyan ka na, hindi mo kailangang magbago.”

“I chose to change, para sa magiging pamilya ko, Sintas, para sa iyo, para sa magiging kyotatalet natin. Ayokong ibully sila when they grow up.”

Napangiti si Kathryn. “meaning, makakasama ka namin ng mga anak natin till they grow up, Sinta?”

“Of course! At anong binabalak mo, Sintas ha?” Ang laki-laki ng mga mata nito. Para bang gulat na gulat at hindi makapaniwala.

“Wala naman, akala ko lang kasi tuloy yung napag-usapan natin dati Sinta, nung bago tayo nagpakasal.” She tried to sound serious but deep inside kinikilig siya sa reaksiyon ni Elvin ngayon na nakanganga na yata habang nakikinig sa kanya. “Di ba, pwede na tayong mag pa annul, then sa akin ang mga bata.”

“Witit! I kenot! HINDI pwede, wizel mo talaga gawin yan sa akin, Sintas! Kahit sa pinakadulo ka ng earth ka magtago, magpapaka Katniss Everdeen akembang, huhuntingin kita at ibabalik sa mga bisig ko.” Humalakhak ito. Si Kathryn naman ang tulaley, sarap talaga sa pandinig ng tawa ng Sinta niya. Hindi niya rin alam kung galit ito o nagpapakilig lang.

“Love mo na talaga ako, Sinta ano?”

“Inamin ko na nga di ba? Love kita, hart hart. Kainis ka Sintas eh! Kailangan talaga paulit-ulit tayels? Gusto mo lang kiligin no?”

“Yes, Sinta. Sarap eh.”

“Heh! Babaitang itey. Wait.” Lumapit siya kay Kathryn at niyakap ito. “Sintas, seriously, huwag kang mawawala ha. Hindi ba kasal na tayels? Kalimutan mo na yung napagkasunduan natin before tayo kinasal, erase, ibaon na natin sa mantle ng earth.”

“I love you muna.”

Elvin smiled. “Lav yah.”

“I love you too.”

“NM? Sabi ni doc, pwede pa.” Elvin winked at her.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon