5

239K 3.1K 484
  • Dedicated kay Maria Agatha Quiambao
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

5

“True? As in interesado ka? You are not playing joke here? You are really willing to be my...” Lumunok muna ito ng laway bago ipinagpatuloy ang sinasabi. “WIFE?”

“Yes.” Walang alinlangang sabi ni Kathryn sa kanya. Maging si Candice ay hindi agad nakapag react sa sinabi ng kaibigan.

“Kath, are you serious about this?” Candice asked.

“Yes, akala ko ba kailangan mo ng mapapangasawa, Elvin, ngayon na may pumayag saka ganyan ang reaction ninyong dalawa. Bakit? Hindi ba kayo nag eexpect that somebody will say, yes?”

“Yes, I mean no. I mean, why you? I thought you were just joking the last time we talked about it?”

“I’m not.”

“Then what’s your reason then?” Si Elvin ang nagtanong, biglang lalaki ang kilos at pananalita nito. He looked straight at Kathryn’s eyes. He wanted to see something there.

“Because I like you. Siguro ikaw yung ideal man ko. Ikaw yung gusto kong mapangasawa. Kaya, when Candice told me about it, pinag-isipan ko ng mabuti. Then I decided, kesa mapunta ka sa iba, sa mga babaeng mapagsamantala, bakit hindi na lang sa akin.” Seryoso nitong sagot.

Nganga silang dalawa. Sina Candice at Elvin.

“Wagi ang sagot mo, Kathryn! Hindi ka naman ba warla (baliw)? Nakakain ka naman siguro ng maayos ano? Wala ka bang tinatake na gamot? Wala ka bang history ng pasok sa mental?” Tuluy-tuloy na sabi ni Elvin. Ni hindi yata nakapag-isip ng matino kaya binatukan na ni Candice.

“Kasi naman, Candice, sinong matinong girlitas patatas ang magsasabing AKO ang kanyang ideal man? Ang gusto niyang mapangasawa? E di yung taong nababaliw na. Kathryn naman, alam mo namang pamentos ako, di ba? Bakit mo naman naisip yun?”

“Eh hindi ko nga alam dati na bakla ka.”

“So ngayon na alam mo na..”

“Ikaw pa rin.” Putol nito sa sasabihin niya. “Call me crazy pero matagal na akong may gusto sa iyo, nung inaakala ko na kayo pa ni Candice, pinipigilan ko lang ang sarili ko. Dahil alam kong mali, nung nalaman ko na nag break kayo, which is hindi naman pala talaga totoo dahil hindi talaga naging kayo, ang saya-saya ko nun. Then I even cried when you went back to Canada, akala ko, talagang dinibdib mo na nagkabalikan sina Aron Miguel at Candice. Then when I learned that you will go back here, and you have that problem, I even joked to be your wife, pero alam mo bang hindi joke yun? Kasi talagang gusto ko.”

“Wa-ter Candice, please.” Nasabi na lamang ni Elvin.

“Kung buhusan kaya kita ng tubig, Elvina.”

“Kath, masasayang yung buhay mo sa akin. I mean, okay lang sana kung hindi kita kilala personally, you are Candice’s friend and friend na rin kita. This is a serious matter.” Elvin is seriously serious talking to Kathryn rign now.

“Elvin, I am serious about your proposal, besides, I’m not getting any younger also, gusto ko na ring magkaanak, at kung mangyayari iyon. Gusto kong ikaw ang magiging ama.”

Naibuga tuloy ni Elvin ang iniinom niya. Baliw na ba talaga ang babaeng kaharap niya?

“Umayos ka nga Elvin. Ganito na lang, both of you should think first. Ikaw Kath, mag-isip ka ulit. Baka naman napepressure ka lang ng idea of having a family because you see both of us ni Loise na happily married. Or because Tito Dom and Tita Helen are pressuring you to have their apo.” Alam niyang nagpaparinig madalas ang mga magulang  ni Kathryn na gusto na nitong mayakap ang kanilang apo.

“Ikaw naman Elvin, try to consider Kathryn’s offer too. Hindi ba at naghahanap tayo ng babaeng pupuwede nating pagkatiwalaan, yung hindi tayo ilalaglag sa huli. Why don’t you think first, then magkita tayo ulit rito bukas, same time, naintindihan ninyo?”

“Okay.” Sabay pang sagot ng dalawa.

But before Kathryn go, may idinagdag pa ito.

“Kung sakaling papayag ka Elvin, gusto ko ng engrandeng kasal, huwag mong intindihin ang gastos. At kung magkakaanak man tayo, gusto ko sa natural na paraan. Siguro naman alam mo na ang ibig kong sabihin. Sige, I have to go, see you tomorrow.”

“OMG Candice! Did you hear it? Gusto niya ng anak in a natural method? Natural method! Take note, natural method!” Nagpapanice na sabi ni Elvin. Ang balak kasi sana niya ay sa isang modernong paraan.

“OO, narinig ko, at tatlong beses mo pang inulit. May point naman siya, kung ako rin, mas gusto ko ng natural method para feel na feel ko.”

“Yuck! Tigilan mo ako! Stop me, Candice! Hindi ko kaya! Mamamatay ako! Paano tatayo ang aking nota! Imagine, girl…girl ang magiging first sex scene ko. 

“Sira – ulo ka talagang lalaki ka. Siyempre, babae dahil lalaki ka. Come to think of it. Kathryn is a good catch, bukod sa hindi  niya tiyak habol ang pera mo, hindi magdududa ang pamilya mo dahil edukada, galing sa isang buena familia. Maganda, sexy, may breeding. Alam mo, kung hindi rin lang ang kaibigan ko, huwag na lang, Elvin.”

“Lakas ng fighting spirit ng babaeng iyon, ano?”

“And I guess at the end, both of you will be happy. Malay mo, talagang you are destined to be together. Eventually at the end, you will fall for her. Kasi siya, matagal ng in-love sa iyo.”

“In her dreams!” Maarte pa nitong sabi.

“You will never know, Elvin. Isa pa, was there a time na na in-love ka na isang lalaki? Hindi ba wala? Puro ka lang crushes. Baka naman talaga, lalaki ka.”

“Babae ako! I’m sure of that. Hindi pa lamang talaga dumating ang tamang lalaki para sa akin.”

“Ewan ko sa iyo. Ang gulo mong kausap. Umuwi ka na nga at nang makapag-isip. Mamaya niyang darating na ang aking hubby. Alam mo na. gagawa pa kami ng baby in a natural method.”

“Ewwww! You’re so gross! Nahawa ka na talaga sa kapilyuhan ng asawa mo.” Tila nandidiri pa si Elvin kaya napahalakhak siya.

“You will soon do it, Babe…with Kathryn, kaya magtino ka na.”

“Heh! I will go home na. But seriously, I don’t want to ruin Kathryn’s life. What if someday, he will meet the right man for her? Hindi ba magiging unfair iyon sa kanya?”

“What if someday you would realize that you are the right man for her? Hindi ba, tama lamang iyon para sa inyong dalawa?”

“Pak! Hindi pa ako natotomboy! See you tomorrow, Babe.”

“See you with a YES tomorrow, Babe.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon