73

52.2K 1.1K 147
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

73

This update is dedicated to Diane Hazel, you're husband gave me a message yesterday and we had a short convo 'bout how he had met this story, and so he has a message for you....


'Happy happy second anniversary to my lovely wife.. Thank you for being my wife.. My life is incomplete without you..i promise you that i will be a good husband and i will love you from the start until i die...' -Marzel-


Advance Happy Second Anniversary sa inyong dalawa! – Xian

***********************************************************************************************************

 

Hindi alam ni Elvin kung paano niya sasabihin kay Kathryn ang nangyari. Iniisip niya kung ano ang magiging reaksiyon ng asawa.

Galit na galit siya ngayon, kay Victoria, kay JB at sa sarili niya. Alam niyang pwedeng mangyari ito pero hindi pa niya nagawang umiwas. Alam niyang sa klase ng tao ni Victoria at JB, makakaya nilang gawin ang mga bagay na ikakasira ng pamilya niya pero nakipag-usap pa rin siya sa mga ito.

"Okay ka lang ba, Sintas?" Ibinigay ni Kathryn ang tinimplang kape kay Elvin. "Ang tamlay-tamlay mo?" Kanina pa niya 'yun napansin pagdating ng asawa.

"Medyo masakit lang ang ulo ko, Sintas."

"Masahe natin yan. Kumusta ang party? May bago na naman pala kayong project ng Papa."

"O-okay naman, Sintas. Ang kambal?"

"Nasa kay Inday, naglalaro sila sa labas. Gusto mong ikuha kita ng gamot?"

"Hug will do, Sintas."

"Nagpapalambing. Halika nga." Niyakap ni Elvin ang asawa.

"Sintas, mahal mo ako?"

"Of all the questions, yan pa ba ang itatanong mo sa akin, Sinta? Of course! I love you so much!"

"Do you trust me?"

"Sinta, ano ba yang mga tanong mo? Ang weird mo ha. May nangyari ba kagabi?"

Gusto niyang sabihing meron, gusto niyang aminin ang nangyari kanina pagkagising niya, gusto niyang sabihin ang pag-uusap nila ni Victoria, pero biglang natakot siya. Natatakot siya hindi dahil malalaman ni Kathryn kundi dahil sa magiging reaksiyon ng mga magulang nito kapag nalaman nila kung sino at ano siya dati.

Bago lamang kasi ay nagtext si Victoria sa kanya

Elvin, Babe, nai-save ko nga pala ang number ni Tito at Tita sa phone ko, ano kaya ang magiging reaksiyon nila kapag nalaman nilang galing ka kay JB at buong magdamag kayong magkasama?

Tinawagan niya ito pero hindi sumasagot. Isa pang text ang natanggap niya.

Wala ako sa mood na kausapin ka eh. Iniimagine ko kasi na kukunin ni Tito si Kathryn sa 'yo, pati ang mga apo niya. How sad naman, Babe.

"Sinta? I guess you need to rest muna. Mahiga ka muna, I'll get your medicine. Huwag matigas ang ulo ha."

"Sintas, mahal na mahal kita."

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon