34

173K 2.6K 506
                                    

I was not able to update dahil sobrang naging busy, kahit ngayon, pero dahil naumay ako sa mga papeles na nagkalat na duling-dulingan na ang aking peg, kaya tinigil ko saglit to refresh my mind. Siyangapala, yung nag join sa X.i.a.n.a.t.i.c.s. na group sa FB, if hindi ninyo ako friend, kayo po ay tinaggal ko, add kasi, basta, mahabang kuwento, to make it short, add nyo po muna ako, then add nyo ulit ang group…may bago na nga po palang FB si Kathryn Piamonte, yan ang itype nyo, may bago na rin po siyang Op…naghahanap pa rin aketch ng ibang OP, yung marunong sumunod sa rules…SALAMAT.

34

Agad na tinignan ni Kathryn ang cellphone niya. Sinapian ng kabaliwan ang kanyang Sinta, imagine, itetext ng go to hell si Scanver. She scanned the messages and true to his words, talaga nga palang go to hell ang reply nito. Imbes na magalit ay malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Naks! Nag jejelly bean na ang kanyang Sinta! At kay Scanver pa ha. Nakakakilig.

Ang daming messages ni Scanver, kaya tinawagan niya ito bago pumuntang kusina.

“Sorry ha, Scanver, ikaw naman eh, ang aga kasi ng text mo, kaya istorbo ka kaya yun ang naitext ko sa iyo. Sorry ulit ha.” Ayaw niya kayang umamin na si Elvin yun. Hellllloooooo!

It’s okay Love, on the way na nga pala ako sa inyo.Gusto kong kumain kasama ng iyong hubby, and of course, ikaw. I brought with me some food.”

 

“Ha?” Patay!

Nung lumabas siya ay nagsisimula ng magluto ng breakfast ang kanyang Sinta, hotdog and that perfect sunny side up egg. Paano niya ba sasabihin na darating si Scanver at may dalang foodies?

“Sintas, upo na ditey at kakain na tayels maya-maya. You want coffee first?”

Bagay talaga sa Sinta niya ang blue na apron, tapos sando lang, gwapo, macho, kanin na lang ang kailangan niya, pagkatapos yung buhok na hindi pa nasusuklay, dagdagan pa nang nagsisimula ng tumubong stubbles sa mukha, asan ang bakas ng pagka baklush? Nakalimutan niya tuloy saglit si Scanver.

“Duh! Pinagnanasaan mo na naman akembang! Que horror! Que aga!”

“Gwapo mo talaga, Sinta.”

“Correction, gwapa!”

“Sinta, Scanver is coming nga pala, on the way na raw siya.” BIglang may narinig silang doorbell. “Siya na yata yan.”

Naibagsak tuloy ni Elvin ang plato ng hotdog na ikinagulat ni Kathryn. “Anong kailangan ng hombre na yan, ang aga pa ah! Besides, wala dalaga rito na pwede niyang akyatan ng ligaw!” Mataas ang boses na sabi niya.

“Akyat ligaw talaga! Sinta naman eh, childhood friend ko yun, kakauwi lang galling States, siyempre namimiss niya ako.” Sabay yakap ni Kathryn sa kanya. Umirap lang si Elvin.

“He calls you Love.”

*Doorbell*

“Nakasanayan niya eh. Hayaan mo na.”

*Doorbell ulit.*

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon