45

115K 2.1K 214
                                    

45

Tulog na tulog na si Kathryn pero dilat na dilat pa rin ang mga mata niya. Kanina, tumawag si Jan Benedict a.k.a. JB, nakauwi na pala siya ng Pilipinas at gusto nitong makipagkita sa kanya. What for? Aaminin niya, talagang gusting-gusto niya si JB noon. Napaka sweet kasi nito sa kanya at alam na alam niyang open ito sa same sex relationship. Parang sila na hindi sila, mutual understanding kung bago.

But that was before, things and situation changed.

May asawa na siya at magkakaroon na sila ng mga anak. He promised that he will really be a responsible and a great father to them. He is determined to changed. Fixed na nga ang utak niya na magiging hombre siya, paunti-unti nga lang, itutuloy na niya ang lesson on how to be a hombre.

“Ano ba! Pranella na akembang. Bakit ba akembang nashoshokot sa pagdating ni JB, witit naman naging kami!” Napatingin siya kay Kathryn. Natatakot siya, hindi kay JB kundi sa magiging reaksiyon ni Kathryn. Buntis ito at alam niya kung gaano ka sensitive ang kanyang nyosawa.

“Cheer up, Elvin! Hindi naging kayo. Wiz naging at wiz maging kayo kaya witit dapat matakot.” Sabi niya sa sarili. Naramdaman niyang gumalaw si Kathryn.

“Sinta, gising ka pa?” Tanong nito.

“Naalimpungatan lang, Sintas. Sleep na tayo ulit ha.” Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

***********************************

“Ayoko ng pangalang yan, Sinta.” She pouted. Ang haba-haba ng listahan ng mga ipapangalan nila sa kanilang kyotatalet.

“Ang cute kaya, Sintas, Juan at Juana.” He was just teasing her.

“A-yo-ko. Eh kung junior mo pag boy?”

“A-yo-ko rin.” Panggagaya nito. Sinabi naman niya sa kanyang nyosawa na hindi niya gusto ang junior kahit pa nga maganda ang pangalan niya. “Choose again, Sinta. Yung may dating, yung pangalan pa lang, alam mo nang magiging superstar paglaki! Winner!”

Hinampas niya sa balikat ang asawa. “Umayos ka, remember, magkakaanak na tayo.” Pinapaalala sa kanya na magpaka hombre.

“Geh. Sarrreeehhh.” He rolled his eyes para pang –asar lalo.

“Ang cute mo, Sinta. Ulit please.”

Tignan mo tong Lukresia na itey, imbes na mainis sa kanya, pinapaulit pa.

“Tomorrow nga pala, I’ll start working already, nag-usap kami ng Papa mo na hindi ka pwedeng maiwan rito, so kailangan kitang ihatid sa mansion  ninyo or kina Mamang if you like.”

“I want to be with you.”

“Sintas, I will be working, baka hindi akembang makapag concentrate.”

“Bakit? Uupo lang naman ako dun ah.”

“Siyempre, makikita kita, nakakadistract ang kagandahan mo, baka wizel ako makatiis, I’ll get the puller and pluck your eyebrows.” Inilapit ni Elvin ang mukha sa asawa, sinipat ang kilay nito sabay hawak sa baba niya. “May tumutubo na Sintas, tanggalin natin?”

“Heh! Hanap na tayo ng names, Sinta.” Kainis itong asawa niya, amoy na amoy niya ang male scent, MALE Scent ha, ang lapit-lapit pa ng mukha, kitang-kita ang mapupulang lips at ang mga tumutubong stubbles. Ang gwapo talaga ng Sinta niya.

Ang gusto pa rin ni Kathryn ang nasunod, sumabay siya kay Elvin sa pagpasok sa opisina ng Papa niya,tatambay raw muna siya dun. Ikinatuwa naman iyon ng ama niya, siyempre naman no, nag-iisang prinsesa.

“Tamang-tama, Kathryn, makikilala ni Elvin ang makakatrabaho niya sa project na ito, mas mabuting makikilala mo na rin. Let’s just wait, on the way na sila.”

“Yes, Pa. I’m sure Elvin will do good. Magaling kaya ang Sinta ko.”

Nakakahiya itong Joana Paras niya, magsisimula pa nga lang siya, ang laki ng bilib talaga sa kanya. Nakaupo lamang siya at hinihintay ang mga magiging kasama niya sa project na iyon. Tatlo raw silang architects at ilang engineers. Kailangan niyang pag igihan ang trabaho, nakasalalay rito ang kinabukasan ng kanyang mga magiging kyotatalet at tiwala siyempre ng pudra ng nyosawa niya.

“Anak, sa inyong dalawa rin namang lahat mapupunta ang mga ito, kaya habang mas maaga, kailangan ninyong matutunan ang pasikut-sikot ng negosyo natin. Para na rin sa mga magiging apo ko.”

“Pa, dahan-dahan lang ha. Isa pa, nagsisimula pa lamang kami ni Elvin, pag-uusapan pa po namin ang tungkol sa negosyo. Siyempre, Pa, may mga plano rin po kami.”

“Ano pa bang plano-plano yan. Ang negosyo na lamang ng pamilya Elvin ang pag-aralan mo.”

“Sir, nandirito na po sila.” The secretary informed them.

“Sige, salamat.” The three of them went inside the conference room. Bakit biglang kinabahan si Elvin ng wala sa oras? Sanay naman siya sa ganito.

“Good morning gentlemen.” Masayang bati ng Papa ni Kathryn, napatingin sa kanilang lahat ang mga tao sa loob, napatayo lahat.

 

Oh my ghad!  This is damn not real!

JB is in front of him.

Right in front of him.

“Gentlemen, I’d like you to meet the person behind this project and the ones who will lead you, my son-in-law.  Architect Elvin Yue Fernandez.”

“Elvin, these are the people that will be with you, blah..blah..blah.” Wala na siyang maintindihan, ni hindi niya matandaan ang mga pangalan, ang tanging alam lang niya, makakasama niya si Jan Benedict.

“This is Architech Jan Benedict Lacandula.”

JB extended his hand. Walang choice si Elvin kundi abutin ito. JB firmly held his hand. “It’s my pleasure to be working with you, Sir.” He looked straight to his eyes.

“Salamat.”

Yan lamang ang kinaya niyang sabihin.

Ipinakilala rin siyempre si Kathryn ng Papa niya. Napakamasayahin talaga ng asawa niya. “I guess, my Sinta here will have great companions.”

Yeah right! Why oh why of all people, bakit si JB pa!

***************************

Sorry, matagal ang update, BUSY, sobra! Mabuti at buhay ang characters sa group. Salamat sa mga members na sobrang active, lalo na sa OP na maingay sa group chat.

-Xian-

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon