12 - itech na talaga ang trulaloo na update

239K 2.6K 129
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

12

Ito yung araw na mamamanhikan sila kina Kathryn, busy ang lahat, ang Mamang at Papang niya, isama na rin ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Lahat may nakatokang trabaho, si Enchong ang in-charge sa pagkaing dadalhin nila. Makalumang pamamanhikan kasi ang gagawin, magdaddala ng pagkain ang side nila dahil sila ang lalaki.

“Congrats, Kuya! Hindi talaga namin akalain magkaka-asawa ka…ng babae.” Asar nito sa kanya. Open naman siya sa kanyang pamilya, alam nito ang kanyang gender preference, pero lahat ng mga ito ay naniniwala na pwede pang magbago ang lahat. Milagro yata ang hanap nila! Isang himala! Akala lamang nila yun, hindi naman kasi siya lantad na binabae, kaya nga paminta ang tawag, di ba?

“Tigilan nyo nga ako! Hindi ba at na explain ko na ang rason kung bakit ako magpapakasal, loss tayo sa gusto ni Lola kapag hindi natin ito gagawin. Para kay Mamang, para sa pamilya.”

“Pero bilib ako sa iyo, kuya, maganda ang Kathryn ha.” Ipinakita kasi niya ang picture ng dalaga na talagang sapilitang kinuha ang kanyang phone para mag selfie at ginawang wall paper ng sarili niyang phone! Feel na feel lang maging soon to be Mrs. Fernandez!

“Of course! Sino ang gugustuhing magkaasawa ng chaka (pangit)? Kahit ganito ako, choosy ako no!” Pagtataray niya.

“Aminin mo na kasing nagkaka-crush ka na rin sa kanya, Kuya, kahit konti. She’s hot!” Si Edrian.

“Stop me! Wiz pa aketch na warla para magkafeelanga sa isang merlat, kahit pa sabihin nyong shala at may face value!”

Nagsitawanan ang tatlo. Kahit pa nag ga-gay language ang kapatid nila ay okay lamang sa kanila, tutal naman ay minsanan lamang.

“Enchong! Yung pagkain, kailan ba darating yung contact mo ha, sila na lamang ang hinihintay at nang makaalis na tayo.”

“Ang aga pa, Mamang!” Reklamo ni Enchong.

Isa pa iyan. Kanina ay tumawag siya sa kanyang Sintas ng sapatos tungkol sa pagkain, sinabi na niyang sila ang magdadala.

“But Sinta, Mama prepared too.”

“Sinong lalafang (kakain) sa lahat ng food, Sintas? Mabuti sana kung present ang mga taga Mati, eh kukulangin ang mga yan.”

“Hayaan mo na, Sinta ko. Excited ang lahat eh, hindi ka ba excited?”

“Ay excited!” Then he rolled his eyes, if only Kathryn could see it!

**********************************************************************

“Sigurado ka bang ito ang address ni Kathryn, Elvin?”

“Opo Papang.”

“Papunta na ito sa mga Piamonte ah.” Kilala ang mga Piamonte sa lugar na iyon, napakalawak ng kanilang lupain, kilala sila sa real estate business.

“Piamonte nga po si Kathryn, Papang.” Paliwanag niya.

“Ibig sabihin, anak siya ng kilalang negosyante na si Dominador Piamonte?”

“Aba! Ma!Pa!”

“Tumigil ka ngang bata ka! Alam mo bang pinasok mo ha? Alam mo bang mayaman ang mapapangasawa mo?”

“Wiz! Hindi ko naman kasi alam na ganyan siya ka madatung Mamang! Basta ang alam ko lang, isa siyang krung-krung na ipinipilit ang sarili na inlababo sa akin.”

“Tumino ka nga, Elvin! Ayokong nagsasalita ka ng ganyan, ano bang tawag jan. Kung noon ay pwede, ngayon hindi na, mag-aasawa ka na, at babae ang mapapangasawa mo, kahit naman pagpapakatino, ibigay mo sa kanya.”

Hindi na siya sumagot, kapag kasi na ganito na ang tono ng ama, nananahimik na siya.Kasabay niya sa sasakyan ang mga magulang, samantalang sina Enchong at Edrian ay nasa isang van kasunod nila, laman kasi nun ang mga pagkaing akala mo ay isang buong barangay ang pakakainin.

*************

Papasok na sila sa isang napakalaking mansion. Tama ba ang address nila? Ipinagbukas sila ng guard ng mansion. Wow! Talagang may gardini (guwardiya)! Ibang level!

 Malayo pa lamang ay namukhaan na niya ang mga magulang ni Kathryn, nakangiti ang mga ito, sa tabi nila ang kanyang soon-to-be-wife…ewwww!

“Welcome, Balae!” Ang Mama ni Kathryn, si Mrs. Helena Piamonte. She was so warm and friendly. Alam niyang makakasundo nito ang kanyang Mamang.

Agad na nagmano si Elvin sa mga magulang ni Kathryn. Ipinakilala niya ang kanyang mga magulang at kapatid. Ang Mamang ko po, si Cynthia Fernandez, this is my Papang, Vincent, my two brothers, Enchong and Edrian.”

“Sa wakas nagkakilala rin tayo, Balae.” Ang Mama ni Kathryn.  “You’ve got handsome sons.”

“Salamat Balae, ang ganda rin ni Kathryn. Nag-iisang prinsesa lamang siya ano?”

“Oo nga, babawi na lamang ako sa mga magiging apo natin.” Gustong himatayin ni Elvin sa sinabi ng Mama ni Kathryn, biruin mo, MGA APO! At mukhang magkasundo silang dalawa. They invited Elvin and his family inside the house para masimulan na raw ang pag-uusap. Nagpaiwan ang dalawa.

“Sinta, I’m really happy that you’re here. Kinikilig ako.”

“Kathryn naman. Hindi mo naman sinabi sa akin na ganito ka bigerloo ang bahay nyo! Ikaw pala ay Nina Ricci.” Bumubulong na reklamo nito sa kanya.

“Nina Ricci?”

“Mayaman. Sobrang yaman.”

“Tumigil ka nga, wala naman yan sa yaman, ang importante, mahal kita.” Sabay kapit pa sa balikat nito.

Ang sarap sanang itulak ng babaeng ito, pero baka ipabaril siya sa mga gardini nila, plus, alam niyang bugbog sarado ang labas niya sa kanyang Papang at mga kapatid pag halimbawang nagsumbong ito, mukha pa namang botong-boto sila.

“Seriously, Kathy, I’m so nervous, this is it na talaga! Truelaloo na magpaplano na about our wedding. Pwede ka pang umatras.” Biro niya.

Kathryn got his hand and squeezed  it. “Kinakabahan rin naman ako, but I am more excited than nervous. Isa pa, hindi mob a napapansin, ang excited din ng mga oldies.”

“What if your parents will know the truth?  They will get mad at you.” Suddenly he realized that.

“They will never know, Sinta, besides, I know that magiging tunay na lalaki ka rin.” She sounds sure about it.

“ That will never happen! Wizel yan maging true!”

“I am a very optimistic person, Sinta ko. I know one day, you’ll just wake up realizing that you are already in-love with me. I firmly believe that soon you will say the magic words.”

“Ang what’s the magic words?”

“I love you.”

“Ewwwww!”

“I love you.” Ulit pa niya.

“Yuck.”

“Tumigil ka nga, alam ko namang deep inside kinikilig ka!” Mas lalo pang asar ni Kathryn kay Elvin.

Kinikilig na ba siya?

“Ayaw pang aminin eh, halika na nga.”

She grabbed his hand and went inside.” Let’s talk about marriage!”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon