76

57K 1.6K 255
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

*******************************************************************************

6-25-15---Ito lang talaga ang kinaya ng puro kain at tulog ko na katawan. Kapag may naisip akong ibang ending kay Victoria, papalitan ko lang ang chapter na ito. Kung wala, forever ng ganyan. Thank you sa mga sumubaybay (naks) abangan nyo na lang si Elvin sa 'Dear Mr. Operator' kaso malayo yata magiging character niya dun. Happy anniversary sa Xianatics GC!

76

"Victoria, alam mong matalino ka, maganda, sexy, may pera, darating talaga ang lalaking para sa iyo. Huwag ako, may asawa akong tao, bakla pa. Lugi ka sa akin." Mahinahong kumbinse ni Elvin sa babaeng nasa harap niya na hindi niya maintindihan kung bakit nagpapaka baliw sa kanya. Baka sakaling magbago ang isip at patahimikin na siya.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Victoria. "Do you think I will change my mind, Baby? No! Ngayon pa na nasa harap na kita."

Tinagka niyang yakapin si Elvin pero tila nandidiring napaatras ito. "How sure am I na wala ng scandal after nito?"

"Elvin Babe, ako lang ang may alam sa scandal na yan," sabay yakap sa kanya.

"Ewwww-" Diring-diri ang pagmumukha niya.

"Ano?" Naiinis na tanong ni Victoria na ikinaputol ng sasabihin niya.

"Ewwwwan ko. Yah, ewan ko kung talagang ikaw lang ang may copy niyan.

"Elvin, ako nga lang eh! Do you think I'll give a copy to that JB? Alam mo, I'm pissed already, masyado kang pakipot eh bibigay ka rin pala. Nakaya mo ngang makasama si JB na tulad mong bakla, sa babae pa kaya na tulad ko?"

"Hindi ako naniniwalang may nangyari sa amin ni JB!"

"Eh 'di huwag? May maniniwala ba sa 'yo? Eh ang linaw ng ebidensiya ko, si JB at ikaw sa iisang kama at naghahalikan, walang saplot."

"Tigilan mo na ako at ang pamilya ko, Victoria!"

"Sure! After this, Elvin." Bigla niyang hinalikan si Elvin, sa gulat ay hindi ito agad na nakakilos, nanlaki lamang ang mga mata. Nung makabawi ay itinulak si Victoria.

"Ano ba!"

"C-R. Na-sa-an?" Nakatakip ang kamay ni Elvin sa bibig niya at tila masusuka na.

Itinuro naman ni Victoria sa agad na tumakbong si Elvin.

"If I know, you're just acting it. I'm really challenge, Elvin. You're so cute."

Biglang may narinig siyang katok. Wala siyang inaasahang bisita dahil ayaw niyang paistorbo. Inis na binuksan niya ang pinto.

"What?"

"Surprise?" Nakakalokang ngiti ni Kathryn ang nakita niya. Sa likod nito si Candice at ang nakayukong si JB.

"What are you doing here?" Gulat na tanong ni Victoria.

"Hindi ba obvious? Kukunin ko lang ang taong para sa akin at sa akin lang." Mataray na sagot ni Kathryn. "Nasaan ang asawa ko?"

"I dunno. Nakikita mo bang kasama ko siya?" Pagkukunwari pa ni Victoria.

Walang salitang pumasok siya sa loob ng unit nito, walang pakiaalam kung mabangga man niya si Victoria. Kasunod nito si Candice at susunod sana si JB pero agad na naharang ni Victoria.

"Go out! All of you! Baka gusto niyong kasuhan ko kayo ng trespassing?"

"What? Kami, kakasuhan mo?" lumapit siya kay Victoria. "Baka ikaw ang kakasuhan ko?"

"Ang lakas ng loob mong sabihin sa akin yan? Hindi mo ako kilala at hindi mo alam ang kaya kong gawin!"

"Talaga? Baka dapat ako ang magsasabi niyan? Alam mo Biki, dapat alam mo kung saan ka lulugar, hindi yung asawa ng may asawa ang pinapakialaman mo. Naubusan ka na ba ng lalaking iba-blackmail kaya pati si Elvin isinali mo?"

"Walanghiya ka!" Akmang sasampalin siya nito pero agad niyang nahawakan ang kamay nito.

"Wala kang dahilan para saktan ako, pero ako marami!" Isang nakabibinging sampal ang ibinigay niya kay Victoria.

"Para yan sa asawa ko na tinatakot mo sa lecheng scandal na yan!"

Napahawak si Victoria sa pisngi niya. Nanlilisik ang mga matang gaganti sana ng sampal kay Kathryn pero naunahan siya nito. Isa uling sampal sa kanang pisngi.

"Para yan sa akin!" Hindi pa nakakabawi sa nakuhang sampal ay agad na pinalipad ulit ni Kathryn ang kamay papunta naman sa kaliwang pisngi nito.

"Para yan sa ibang taong idinamay mo sa kabaliwan mo!"

Dun na umawat si Candice, hinawakan nito ang kaibigan. Si Victoria naman na akmang gaganti ay hinawakan ni JB.

"Tama na Victoria. Itigil mo na 'to." Nagmamakaawang sabi ni JB.

"Sintas? Anong ginagawa mo rito?" Nagpupunas pa ng bibig niya si Elvin. Matagal rin siya sa loob ng banyo ni Victoria para sumuka, hindi niya kinaya ang nakaw na halik nito kanina.

"Ikaw, anong ginagawa mo?"

"Sumuka. I mean kasi...ano." HIrap na paliwanag nito.

"May relasyon kami ng asawa mo!" Sigaw ni Victoria.

"Yuck! Echoserang frog! Wala Sintas, kapal muks! Pumunta ako rito para kumuha ng ebidensiya sa pamba-blackmail niya sa akin. Eh bigla akong hinalikan, kaya ayun, nasuka ako. Hindi ko matake!"

"What do you mean na ebidensiya?"

"Tsenen! Tape recorder with back up pa na record sa cellphone ko." Panggagaya nito kay Inday. Inilabas nito ang nirecord nila na usapan ni Victoria kanina.

"Hindi mo na ako matatakot pa, Victoria, gusto mong ilabas ang scandal na sinasabi mo, sige, ilalabas ko rin ito.

"Wala kayong scandal ni JB, Sinta. Set-up ang lahat. Pakana nilang dalawa ni JB. Si JB at Victoria ang talagang may scandal."

"Ano?"

"Ngayon Victoria, baka gusto mong sabay nating ilabas ang sinasabi mo? Isa pa, hindi naniningil ng pautang agad-agad ang pamilya ko, pero sa nangyayari, baka bigla kong singilin si Tito na alam kong parang ama mo na rin ng nadispalko niyang pera na alam kong dahil sa iyo at ang pamilya mo."

"Bitch!"

"Yes, I am! I can even be more than what you think. Now go and get that damn phone bago kita ipadampot sa mga pulis!"

"Sintas, calm down, nasa akin na yung cellphone niya."

"Walanghiya kayong mag-asawa!"

"Hindi sila walanghiya, Victoria, mahal lang talaga nila ang isa't-isa at hindi sila papayag na may sisira sa pamilya sila." Hindi napigilan ni Candice na sumali sa usapan.

"Sorry talaga, Elvin ha, Kathryn,biktima rin ako. Hindi ko gusto ang nangyari."

"Ayokong makita ang pagmumukha ninyong dalawa. Ayokong lumapit-lapit kayo sa pamilya ko."

"Tama na, Sintas. I'm sure they got the message. I hate to say this but...I hate both of you. Bakit hindi na lang kayo ang magsamang dalawa? I guess you will make a great pair. May common denominator kayo eh, pareho kayong patay na patay sa akin! Juice colored, ganda ko teh!"

"Gaga! Seryosong usapan to." Natatawang sabi ni Candice.

"Ang tapang - tapang kasi ng nyosawa ko. Halika na nga, Sintas! Pag tayo ginulo pa ng mga yan, hahawak na sila ng malamig na rehas."

Naiwan si Victoria na inis na inis sa nangyari pero walang magawa.

"Malas ka talaga, JB!"

"Ikaw ang malas! Ang laki na ng perwisyo mo sa akin, Victoria! Hindi na ako natatakot sa iyo. Subukan mo pang guluhin ang buhay ko at makikita mo kung paano maghiganti ang baklang nawalan ng forever!"

}0L

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon