19

212K 2.7K 418
                                    

19

Sa kakagoogle ko, may nadiskumbre pa akong isang kanta na Beki Version..magaling kasi kumanta si Elvin eh,sa maganda rin ang boses niya, kaya wiz na pumalag, okay? Naghihintay lang ako saan maisingit iyon. Baka like nyo mag iwan ng inspiring comment, pampatanggal stress, wag naman "update plithh" 

******************

Kung maganda ang lugar nung dumating sila nung gabi, mas maganda pa pala sa umaga. Tanaw mo ang puti at pinong buhangin. ISang maluwang na T-shirt lamang with short shorts ang isinuot ni Kathryn, gustuhin man niyang mag bathing suit ay hindi pumayag ang kanyang Sinta, nakakainsecure raw kapag ganun ang suot, pero iba ang nasa isip niya, baka ayaw lamang ni Elvin na makita nang iba ang kanyang flawless skin and legs, kaya imbes na maimbiyerna ay kinilig pa siya.

“After breakfast, maligo na tayo sa dagat ha, Sinta?” Nakakapit siya sa mga braso nito, papunta sila sa restaurant ng resort para kumain. Natutuwa siya dahil hindi na nagreact si Elvin sa lambing niya ngayon, feel na feel niya tuloy maging Mrs. Fernandez.

“Gora! Feel ko kasi, may mga gwash (gwapo)  na siokoy mamaya.” Pang-aasar nito sa kanya.

“Nakakainis ka naman eh! Hindi ka na pupuwedeng magka crush sa mga hombre dahil may asawa ka na. Sa akin ka na lang dapat magkagusto.”

“Kahit crush hindi pupuwede? Witchelles ko naman sila ijojowabelles ah!”

“Kahit na.” She pouted. Napatingin si Elvin sa kanya, bakit ang cute ni Kathryn kapag nagpopout?

“Bakit?” Nagtatakang tanong ni Kathryn.

“You look cute when you pout.” He said without hesitation.

“Really? Gusto mo bang magpout na lang ako madalas, Sinta?” Kinikilig na sabi ni Kathryn sa kanyang Sinta.

“Heh! Pigilan mo ang kilig mo, like ko kasi ang pout, turuan mo aketch para makapagselfie akembang na ganyan na ganyan, feel ko kasi na Georgina Winson (gorgeous) ako sa ganyang pout.”

Panira lang ng moment? Kinurot niya ito ng pinung-pino sa tagiliran. Ang landi lang ng baklang to.

“Araaaayy! Masaketch yan, Sintas!” Hinuli niya ang kamay nito. Umiwas naman si Kathryn, kaya tuloy para silang naglalambingan sa daan.

“Ang sweet nyo naman.” Sabi ng isang dalagitang dumaan sa harap nila.

Kaya nahinto si Elvin sa ginagawa, pero nahuli na niya ang kamay ni Kathryn kaya parang naghoholding hands naman sila. Bibitawan na sana niya ito pero si Kathryn naman ang pumigil.

“Thank you!” Sigaw niya sa dalagita.

“Ay gagah! Feel na feel lang?” Pinandilatan siya ni Elvin.

“Siyempre! If I know, feel mo na rin.”

“Witit talaga! Hindi nga ako Tiburcio no!” (tomboy) Malapit na sila sa restaurant.

“Feel mo.” Asar niya.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon