72

52.9K 1.2K 159
                                    

72

Masama ang pakiramdam ni Elvin nung nagising siya. Nung maidilat ang mga mata ay nagulat siya dahil hindi ito ang kuwarto nilang mag-asawa. Pink ang kamang hinihigaan niya, pink rin ang unan at ang kumot. Kailan pa siya bumalik sa pink na kulay? Bago na ang paborito niyang kulay ngayon, blue na simula nung makapangnak ang misis niya.

Agad siyang bumangon pero laking gulat niya nung makita niyang wala siyang saplot.

"Juice colored! Na-rape ba ako?" Tanong niya sa sarili. Tinignan niya ulit sa ilalim ng kumot, baka nananaginip lang siya. "Oh noes! Kitang-kita ko ang...ang...wala akong briefs! Juice ko Kathryn, saan ako, anyare sa akin?" Nagpapanic na siya, hinanap niya ang kanyan g mga damit at cellphone. Inaalala niya ang nangyari bago siya nakarating sa kuwartong ito, kasama niya si Victoria.

"Hindi pwedeng makuha ni Victoria ang puri ko!"

Walang ibang tao sa loob ng kuwartong iyon kundi siya at ang mga pink na gamit. Isinusumpa niyang hinding-hindi na siya bibili ng pink items! Hinanap niya ang kanyang mga saplot na  agad naman niyang nakitang nagkalat  sa sahig. Pinulot niya ito isa-isa at dali-daling nagbihis, pang itaas na lamang ang kulang niya nung biglang bumukas ang pinto.

Si JB? Bakit si JB ang nandirito gayong si Victori ang huli niyang naaalalang kasama niya? Sa kanya ang kuwartong ito?

"Gising ka na pala EY?"  Tanong nito habang hawak ang tray ng pagkain. Naka bathrobe lamang at hantad pa ang pang itaas na katawan. Gusto niyang masuka sa naiisip.

"Gusto mo bang maligo, nandun ang banyo." Itinuro nito ang pinto sa gawing kanan niya. Hindi na niya kinaya, napatakbo siya at agad na naduwal sa loob.

Sinong hindi masusuka kung ang naiimagine niya ay si JB at siya ang magkasama magdamag. Base kasi sa liwanag na nanggagaling sa bintana nito, umaga na.

"EY, are you alright?" tinangka nitong hawakan ang braso niya.

"Don't you dare touch me, JB!" Galit na sabi niya bago umalis sa banyo. Hinanap ang kanyang pang-itaas at kinapa kung nasa bulsa ba ng pantalon niya ang kanyang cellphone.

"EY, may nagawa ba ako? Hindi ka naman ganyan kagabi ah? Hindi ba nga..."

"Huwag mong ituloy!" Hindi niya kayang marinig ang sasabihin ng kaharap.

"Ano? Ayaw mong marinig na magkasama tayo buong magdamag? na jan tayo sa kamang yan sabay na natulog? Bakla ka Elvin, pinatulan mo ako, we even had a steaming..."

Hindi na naituloy ni JB ang sasabihin niya dahil isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Elvin. Sapul siya sa mukha. Sa sobrang lakas ay natumba siya sa kama. Nilapitan pa siya ni Elvin para bigyan pa ng isa pang malakas na suntok sa mukha.

"Tama na EY! Tanggapin mo ng may nangyari sa atin kagabi! Hindi mo mababago yun! Bakla ka at pumatol ka sa akin!" Kahit nasasaktan at duguan ang mukha ay nagawa pang magsalita ni JB.

"Bakla ako nung nakilala mo, totoo yun, pero hindi na ngayon, kung may natitira man akong kabaklaan, hindi 'yun para sa 'yo, at pinipilit kong tanggalin yun para sa asawa ko, para sa pamilya ko! Tapos sisirain nyo lang!"

"EY! Patawarin mo ako. Lumayo tayo, dun sa walang nakakakilala sa ating dalawa." Umiiyak na sabi ni JB.

"Baliw ka, JB! Baliw kayong dalawa ni Victoria!" Sabi niya pagkatapos lumabas sa kuwartong bangungot para sa kanya.

Nung makalayo ay agad niyang tinignan ang kanyang cellphone, may missed calls ni Kathryn, at ilang texts. Binasa niya ito.

Buong buhay niya, ngayon lang siya naiyak sa galit at sa inis. Mabuti na lamang at nakita niya ang sasakyan niya paglabas ng bahay na 'yun.

Nakita niya ang ilang texts messages niya kay Kathryn, alam niyang hindi siya ang may gawa nun. Sinabi 'niya' na hindi siya makakauwi. Okay naman ang reply ng asawa niya at sinabing mag-ingat sa pagmamaneho.

"Shit!" Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip ng nangyari. Sumasakit rin ang kamao niyang ginamit kanina sa mukha ni JB. "I can't remember anything! PEro feeling ko, hindi talaga ako nakipag tusha (sex) kay JB. I kennot! Alam kong sinasabi niya lang yun para takutin ako. Wititit ko talaga yun kaya! Tabangi ko, Lord na maremember tanan! (Help me, Lord to remember everything."

Biglang tumunog ang telepono niya, si Kathryn.

"H-hello." Natatarantang sagot niya.

"Good morning, Sinta! Nasaan ka na?"

"Pa-pabalik na ng bahay, Sintas. Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Okay na. Nami-miss lang kita, hindi kita katabing matulog kagabi, saka, masama ang panaginip ko."

"Uuwi na ako, pa-panaginip lang yun."

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kathryn. Mukhang matamlay kasi ang asawa.

"O-okay lang naman. Sintas?"

"O?"

"Mahal na mahal kita ha, tandaan mo yan, kahit anong mangyari, ikaw lang ang babaeng minahal ko. Kahit lalaki, hindi ko minahal, Sintas at hindi ako magmamahal ng iba maliban sa iyo."

"Sweet naman, ang aga-aga. Uwi ka na, Sinta."

"Pauwi na ako."

Nung matapos silang mag-usap ni Kathryn ay agad na tinawagan ni Elvin si Victoria, ito ang huling kasama niya kagabi, alam niyang may kinalaman ito sa nangyari, wala pang tatlong rings ay sinagot na nito ang telepono.

"Hello, Elvin! How nice naman to hear your voice ng ganito kaaga." Malanding sabi nito.

"What the hell did you do to me last night, Victoria?"

"What did I do? Wala naman. Bakit, may nangyari ba?" Painosente pa nitong tanong.

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa!"

"Wala akong ginawa kagabi, Elvin, baby. Baka ikaw ang may ginawa?" Narinig niya pa ang halakhak nito bago nawala ang babae sa linya.

***********************************************************************

Hindi talaga ako marunong sa ganitong ka ek-ekan, kalokohan lang talaga alam ko. Salamat sa nagparticipate sa DragonBallZ na game at sa nagjojoin sa XianaticsClan!! Sa COC, war pa more!– Xian-

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon