6

234K 3.4K 395
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

6

Parang naiihi na si Elvin. This is it! Kailangan na talaga niyang mag decide. Candice called him five minutes ago and informed her..him pala that Kathryn is already there. They need to talk. Sige na nga, pupuntahan na niya, wala naman siyang choice, di ba?

Nakita ni Candice na nagliwanag ang mukha ni Kathryn. Alam niyang excited ang kaibigan, nagagawa nga naman ng taong nagmamahal. Masyadong in-love si Kathryn sa Babe niya. Sabagay, mabait naman si Elvin, sweet, maalaga, ang tanging mali lang kumbaga sa kanya ay beki ito. Pero siya, malaki ang paniniwala niya na posibilidad pa na magiging straight guy ang kanyang friend. Hindi naman kasi niya ito nakitang lantarang lumandi sa kapwa lalaki nito, or yung tipong nagkagusto ng matindi sa isang lalaki.

“Hi there! Sorry, I was late. Bigla kasing sumakit yung tiyan ko.” Pagdadahilan pa ni Elvin.

“It’s okay. Napaaga lang talaga ako ng dating.” Sabi pa ni Kathryn.

“Si Aron Miguel?” Tanong ulit ng kaibigan. Napangiti si Candice, kilalang-kilala na niya ito. Naghahanap ng paraan para ma divert ang usapan.

“Nasa office. Ano na, what’s your answer, Babe?” Kala ni Elvin makakalusot siya.

“Hmmmm. A yes?”

“So, napipilitan ka pa niyan ha?” Tukso niya.

“Ah..Yes?”

“Ay naku! Huwag na nga Kathryn! Nag-iinarte ang lalaking ito. Halika na, mag malling na lang tayo. Bahala kang mag solve ng problema mo. Papilit mode ka pa.”

“Weyt! Kayo naman, I was just joking. Washington D.C. naman kasi ako, I need a mujer lang talaga na jojowain ko, pakakasalan. I guess, you are perfect, Kathryn.”

Napangiti si Kathryn. “But I have conditions, Elvin. And I hope, okay ka dun.”

“Ano naman ang iyong mga kondisyones?” Mataray na tanong ni Elvin.

“Una, wala dapat makahalatang gay ka.”

“Haaaleeerrr! Para bang yan ang purpose ko, kaya nga ako papayag hindi ba na maging jowa kita.”

Pinipigilan ni Candice na batukan ang kaibigan, hinayaan niyang silang dalawa ang mag-usap.

“Ayoko sanang gumamit ka ng gay language, kahit dalawa lamang tayong magkasama, gusto kong maramdamang lalaki ka talaga.”

“Ay! Why?”

“Because I wanted to feel you as real man. Kahit man lang sana yun lang ang bayad mo sa akin.”

“I’ll try. So hindi rin ako pupuwedeng maglandi sa harap mo?”

Sumingit na si Candice. “Ay siyempre, dapat yan may kontrata kayong pipirmahan.”

“Candice, pwedeng iwan mo muna kami saglit, super saglit lang naman. May pag-uusapan lamang kaming gusto ko sa amin lang sana, nakakahiya kasi.” Namumulang sabi ni Kathryn.

“O sige, I understand. Sige, I’ll stay at the kitchen muna, titignan ko ang ipinahanda kong meryenda nating tatlo.”

Habang tumutulong sa kasambahay ay nag-iisip si Candice, tama baa ng pinaggagagawa niya? What is at the end, Kathryn will cry? Kasalanan niya at kinunsinte niya ang kaibigan. Pero sa isang banda, what if at the end sila ang magkakatuluyan? You don’t know what will happen next.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon