47

116K 2.3K 522
                                    

10-22-14

ANNOUNCEMENT AGAIN! Wala pa akong napipiling OP ng character ni Kathryn, naubos na ang mga choices ko, at dahil jan, hanap na naman ako ulit, gusto ko lang naman ng laging active, mabait, marunong makisama, hindi pikon, mapagkakatiwalaan,  MARUNONG SUMUNOD sa mahigpit ko na rules! Wahahahahahahaha! Naghahanap rin ako ng male na OP and other female, para kay Claude Anton at Charlotte (baka kasi hindi available si Charlotte) Penelope and Kenan, Carlos. Thanks.

PAKI PM PO AKO KASAMA ANG FB NINYO O PM AKO SA XIANRANDAL NA FB. SALAMAT

47

Simula na ng trabaho, hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasabi ni Elvin sa kanyang Joanna Paras ang katotohanan sa kanila ni JB. Hindi sumama si Kathryn, bibisitahin raw nito ang kanyang Mama sa mansion. Mas mainam iyon dahil may kasama ang asawa.

Dadaan muna siya ng office bago pupuntahan ang site, nagulat siya nung pagpasok niya ng opisina ay siya namang paglabas ni JB, muntik niya pang mabangga ang hombre.

“Elvin, anak, mabuti at nandito ka, isabay mo na si Jan Benedict papuntang site. Nasira raw ang kotse niya.” Sabi ng Papa ni Kathryn, mabuti na lamang at hindi siya tumili sa gulat.

“Po?”

“It’s okay Sir, magtataxi na lamang po ako. Malapit lamang naman ang Panacan rito.”

Gusto sanang tumaas ng kilay niyang hindi na pluck. Malapit ang Panacan? From Matina to Panacan? Sampalin kita kaliwa’t kanan, pababa at pataas? Gusto niya sanang isigaw.

“Hindi na, you can go with my son, Elvin.”

“O-oo naman. Sandali Papa, may nakalimutan lamang ako.” Nakakatense! Magkakasabay sila ni JB sa loob ng kotse? Ilang minuto rin ang biyahe papuntang Panacan, kumusta naman kaya ang reaksiyon ng matris niya?

“Tumigil ka self! Waley ka matris, isa ka ng pudra, JB is your past, dapat iispluk mo sa kanya na there was never an us.” Kausap niya sa sarili sabay kuha ng tubig sa dispenser. Lalagnatin yata siya sa sitwasyon. Mamaya, kailangan na talaga niyang maging honesto sa kanyang wifey Sintas.

Nung kumalma ay kinuha niya ang ilang papeles at lumabas. Naghihintay na si JB. “Shall we?” Seryoso niyang tanong.

“Sure. Thanks, Sir.”  He wanted to smirk and roll his eyes on JB, akala niya, makukuha siya sa pagpapa cute nito? Sa dimples? Sa matangos at mapupulang lips? Sa bango? Geh, oo na, pero witit na talaga pwede!

Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan, walang gustong mag-umpisa, alangan namang siya? Kung ayaw ni JB magsalita, nevah din siyang magsasalita! Hindi mapapanis ang kanyang laway!

“EY, kumusta ka na?”

He was not able to breathe in 1.2.3.4 seconds yata pagkarinig sa boses ni JB. Hindi siya lilingon! Hindi niya ito titignan. Hindi niya aamuyin. Whew!

“I’m okay naman.” Tipid niyang sagot.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon