71

50.7K 1.2K 149
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

71

Bored na bored na si Elvin sa party na ito. Ilang beses na rin siyang tumawag kay Kathryn para kumustahin ang asawa. At ilang beses na rin siyang pinagsabihan nito na okay lamang siya. Huwag mag-alala dahil nandun naman daw si Inday. Kung hindi lamang nakiusap ang Papa ng asawa niya na hintayin na lamang ang declaration ng next nilang project, hindi na siya magtatagal.

"EY, iniiwasan mo ba ako?" Muntik na siyang mapalundag sa gulat nung marinig ang boses ni JB.

"Yes." Prangka niyang sagot. Kung ganitong klase ba namang tao ang haharapin mo, mas mabuti pang umiwas pa. Idagdag pa ang katotohanan na kilala nito sina Victoria at Scanver.

"But why?" Napalingon siya, mabuti na lamang at sila lamang dalawa sa bahaging iyon ng hardin. Kailangan niya kasing lumanghap ng sariwang hangin. Hindi naman niya akalain na susunod ang JB na ito.

"Okay ka lang ba, JB? Parang wala sa iyo ang nangyari dati? Can you not remember the conversation that we had before you left the company? Now, you will be asking me, why? Wow! Isn't amazing?"

"EY, can we be friends again? Can we start all over again? Kahit magkaibigan lang." Malumanay na tanong nito sa kanya.

"Juice ko naman, JB! Talagang magkaibigan LANG talaga tayo noon pa man. We can be civil to each other but we can't be real friends."

"Please, EY." Nakikiusap ito. "Mahal na mahal talaga kita. I just realized it when you're gone." Let's start all over again."

Hindi niya alam kung sasabunutan na ba niya ang kaharap para matauhan o ipapadala sa albularyo dahil baka namatanda lang.

"Ghad, JB, wake up! I'm married, I'm happily married, if you really love me, you should be happy for me. Isa pa, anong ipinaglalaban mo, naging tayo ba? Hindi naman, 'di ba? We didn't have any romantic relationship either, so why are you damn bothering me?" Bwisit na bwisit na sabi niya.

"EY..."

"Hey! You're here lang pala, Elvin. I was looking for you." Si Victoria. Yung inis ni Elvin, to the highest level na, level up na level up na talaga.

"Can you two leave me alone? Please lang!" Sabay alis, nung nakasalubong niya ang waiter na nagseserve ng alak, kahit hindi siya umiinom, kumuha siya ng isa at tinungga ito, straight! Hindi pa nakuntento, isa ang baso sabay inom. Nagkatinginan sina JB at Victoria.

Hinanap na lamang niya ang Papa ni Kathryn at ng makapagpaalam, hindi na niya kayang makipagplastikan pa sa tatlo, siguro naman maiintindihan nito kung sasabihin niyang nag-aalala talaga siya kay Kathryn.

Nung makita ito ay agad siyang nagpaalam, naintindihan naman siya ng matanda.

"Tell Kathryn to take care, if tomorrow she will still feel it, then call the family doctor."

"I will, Pa. Pasensya na po talaga at hindi ko na mahihintay ang announcement."

"It's okay, Elvin. Bisitahin nyo ako ng mga apo ko this Sunday ha, name-miss ko na sila."

"Yes, Pa. Mauna na po ako."

"Elvin will be leaving? So soon naman." Maarteng sabi ni Victoria. Ang bilis talaga ng radar ng babaeng ito. Tinignan niya dahil baka kasama na naman sina JB at Scanver, talagang mag ta-transform na siya.

"Oo, may sakit si Kathryn eh." Sagot ng Papa ni Kathryn.

"Ganun ba, I'll accompany na lang him sa labas, Tito. Okay lang ba?"

"No need, nasa malapit lang naman naka park ang kotse ko."

"The more na dapat samahan kita, malapit lang pala eh. See you around Tito." Sabay kapit sa braso ni Elvin.

Nung medyo nakalayo sila ay agad na inalis ni Elvin ang kamay ni Victoria na nakakapit sa braso niya.

"What's your problem ba ha, Elvin?" She hissed.

"Should I be the one to ask that, Victoria? What is your problem? The three of you, what is your problem?"

"Ikaw, napakapakipot mo. I like you."

"I don't like you, I guess that's too clear, right? Hindi ka pa ba naiinsulto niyan ha, Victoria?" Hindi niya na mapigilan ang sarili niya, hindi rin niya maintindihan kung bakit biglang sumama ang pakiramdam niya.

"I am insulted, Elvin. In fact, I am just holding my patience." Ngumisi ito. "I know your secrets, and any moment, pwede kong ibunyag sa buong mundo kung ano ka talaga?" Malapit na sila sa kotse nito at habang papalapit, mas lalong sumasama ang pakiramdam niya, marahil sa alak na nainom kanina. Hindi kasi siya sanay, at mukhang matapang ito.

"Victoria, I am not afraid if you will be telling the whole world about me. Excuse me." Kailangan na talaga niyang pumasok sa kotse, parang babagsak na siya.

"Bakla ka, hindi ba?" Nakangising bulong ni Victoria.

Kahit nahihilo na, nakuha pa niyang sumagot sa atribidang babaeng ito.

"Plangak! Korak! Does it make me less as a person? As a father and as a husband? I don't think so. Gorabells, iispluka mo sa mga tawowo (tao/madla) na isa akong pamintang durog. Wikikik (hindi) akembang nashoshokot sa iyo." Ginamitan na niya ito ng gay language na lalaking-lalaki ang boses at dating. Nanlalaki na ang mga mata ni Victoria, hindi siguro nito inaasahang ganun ang magiging reaksiyon niya. Ano, akala ba nito matatakot siya? No way! Napag-usapan na nila ito ni Kathryn.

Pagkasabi nun ay agad niyang binuksan ang pinto ng kotse niya. Napaupo siya at pawis na pawis. Kailangan niyang matawagan si Kathryn, masama ang pakiramdam niya. Napapikit siya habang kinakapa ang cellphone.

Napangiti si Victoria habang tinitignan si Elvin. Aaminin niyang hindi iyon ang inaasahan niyang reaksiyon nito, mabuti na lamang pala at may naisip silang plan B. Ilang sandali lamang ang hinintay niya at nawalan na ng malay ang gwapong bakla sa harap niya.

"Hey! We did it, Baby, he's here inside his car. Bilisan mo kung ayaw mong mapurnada ang plano natin."

"Now, Elvin, what will Kathryn do if ever she will know what you will be doing? Tignan ko lang kung hanggang saan yang pagpapakipot mo. I will not be named Victoria for nothing."

***********************************************

Walang forever 'di ba? So end na tayo soon... just continue reading about Elvin sa next ko na story entitled 'Dear, Mr. Operator', it's still about him and his operator. I hope matatapos ko rin yun at hindi ko i-delete. Experiment lang naman yun, natuwa lang akong mag-isip.

-Xian-

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon