15

219K 2.9K 301
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

15

Hiyawan na lamang ng mga tao ang narinig nina Kathryn at Elvin. Nakapikit pa rin at medyo nakaawang pa ang mga labi nung naramdaman niyang hindi na magkalapat ang mga labi nila ng kanyang Sinta. Nung dumilat siya, nakangiting Elvin ang nabungaran niya.

“Bonggakea ang kiss ko, Sintas ano? Nakabog ko lahat ng naging boylet mo.  Nalurky ka?” (Super to the max ang kiss ko, Sintas ano? Natalo ko lahat ng naging boyfriend mo.  Nabaliw ka?) Maharot na bulong nito sa kanya.

Tulalang napatango si Kathryn. Talaga bang si Elvin ang humalik sa kanya? Bakit ganun? Bakit parang hindi halik ng bakla? Bakit ang sarap.

“Pwedeng isa pa?” Wala sa sariling sabi niya sa lalaking asawa na niya ngayon.

“Ay abuso lang!” Nakayakap na rin kasi sa kanya si Kathryn na ang sarap sanang itulak kaso ang daming nakakakita sa kanila. Pero, hindi niya rin alam at maipaliwanag kung bakit niya nagawang makipag laplapan to the highest level kay Kathryn kanina, sa harap pa naman din ng madlang pipol.

Halos isang oras pa ang hinintay nila bago nakauwi ang huling bisita. Nakakapagod pero ang saya rin pala kahit pa na mga malalapit lamang na kamag-anak at iilang mga kaibigan ang mga dumalo.

“O kayong dalawang mag-asawa, lumakad na kayo at kami na ang bahala rito.” Nakaready na ang mga dadalhin nila. Siyempre, backpackers sana ang peg nilang dalawa ni Elvin tulad ng napag-usapan nilang dalawa, kaso hindi niya magawa, marami-rami ang mga damit na dinala niya, honeymoon kasi, understandable naman, di ba?

“Salamat po, Mamang. Magpapalit na po muna kami ng damit sa condo, tapos po, aalis na kami.”

“Go ahead, give us an apo, ASAP!” Pagbibiro ng ama ni Elvin. Nagsitawanan ang lahat.

************************************

“Anik (Ano) ba talaga ang ginagawa mo jan, Kathy at inaabot ka na ng 48 years! Gabi na tayong makakarating!” Reklamo ni Elvin sa asawa na ang dami pang kinakalikot sa bag.

“Oo na, anjan na ako.”  Humahangos na lumabas si Kathryn sa kuwarto.

Tumaas ang makapal na kilay ni Elvin, yan talaga ang isusuot ng Sintas ng sapatos niya? White shorts, sleeveless tops at sneakers? Ipinusod lamang ang buhok, sa tagal niya sa loob, iyan lamang ang suot?

“Natulala ka ba sa ganda ko, Sinta? Gusto mo bang bukas na lamang tayo umalis? Pwede tayong mag start ng honeymoon dito.” Malanding sabi ni Kathryn.

“Ewwww! Stop me, Kathy! Pinag-usapan na natin yan, di ba?” Ang usapan kasi nila ay walang pilitan sa honeymoon, maghihintay raw sila ng tamang panahon para gumawa ng kyotatalet (baby) using the natural method.

“Oo na, halika na nga at kanina pa text ng text ang contact natin sa Saranggani.”

“Wait! Change your clothes, mag jeans ka or leggings, but not that shorts. Ibaon mo na lang yan sa beach.” Utos ni Elvin.

Si Kathryn naman ang nagtaas ng kilay, aba, at nagsimula ng mangialam ang kanyang Sinta sa kanyang suot? Ay nakakakilig, in fairness lang!

“I look sexy naman here, di ba? Mainit kaya magtravel, isa pa, pagdating ng Gensan, hindi ba may susundo naman sa atin, Sinta?”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon