36

176K 2.6K 279
                                    

36

Narito na naman sila sa bahay nina Kathryn at pinag-uusapan ang mga kakailanganin sa kanilang church wedding. Weird, but he’s more comfortable talking about the details now. At mas lalong weird na tinatanggap na ng kanyang sikmura na siya ay talagang lalakad na sa altar soon, wearing a tuxedo. Yuck! Dati, nag de-daydream siya na magpapakasal siya wearing a wedding gown! Anyare?

“Don’t worry about the papers, okay na ang lahat, okay na rin ang mga possible reception ninyo, bisitahin nyo na lamang mag-asawa at nang makapag decide. Everything is settled, sabi ko naman sa inyong dalawa, di ba?”

“Para namang ikaw ang excited sa kasal Mama.”

“Of course! Minsan lamang tayo ikinakasal Kathy, at nag-iisa ka naming anak kaya the best should be given to you.”

“Okay lang naman sa iyo, Elvin, anak, hindi ba? Yung ibang gastos ay aakuin namin.”

“Okay lang po, Mama. Wala pong problema sa gagastusin. Tama po kayo, dapat lahat ng the best para sa Sintas ko.”

Napangiti si Kathryn, inihilig ang ulo sa balikat ng asawa.

“Maiba tayo, kayo bang dalawa ay may nabubuo ng apo namin ha?”

“Feeling ko malapit na Papa.” Nakangiting sabi ni Kathryn. Feel na feel niya yun eh, soon magkaka baby na sila ni Elvin, konting push lang.

Talaga namang lakas ng fighting spirit ng kanyang Joanna Paras para magka kyotatalet. Sabagay, mas mainam naman yun para talagang ma fulfill niya ang wish ng kanyang grandma. May she rest in peace!

“Sige, these are all the things you might need, pati na yung nagustuhan mong design ng gowns.”

“Thanks, Mama. Sige po, bibisita na lamang po kami ulit ni Elvin.”

*************

“Nakakalurky magchurch wedding, Sintas! Ang daming kailangang iprepare! Nakaka losyang!”

“Hindi dapat tayo malosyang sa wedding natin, Sinta. Dapat maganda at gwapo pa rin tayo, siyempre, araw natin yan no!”

“Correction, dapat byuti tayong pareho.”

“Yes na lang, Sinta. Now, let’s finalize our wedding entourage. Sinong ipapartner ko kay Scanver?”

“Wiz siya bigyan ng partner! Ilagay sa kusina!”

“Sinta naman eh! Napaghahalatang nagseselos ka na naman kay Scanver.”

“Wititit no! Nevah!”

“Sinabi mo eh.” Pero nangingiti si Kathryn. “Sinta, dagdagan mo na lang ang ating entourage ha. Basta si Candice ang gagawin nating matron of honor, partner niya si Aron Miguel.”

“Oo naman, kundi naman dahil kay bff Candice at Aron Miguel, wiz mo akembang nakilala no.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon