66

68.6K 1.6K 257
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

66

Kalmado na si Elvin, kahit pa tumawag si Victoria sa bahay nila at si Inday ang makakasagot, alam niyang safe na siya. He needs to remind himself that Inday should have an increase next month. Ngayon alam na niya kung bakit mahal ni Kathryn ang kanilang kasambahay, kahit pa nga parang sinasapian ito.

“Sir, overseas call po pala in five minutes.” Saabi ng sekretarya niya.

“From whom?” Nasa Pilipinas na ang mga magulang niya at kapatid, sino pa ang tatawag sa kanya?

“Hindi po sinabi, Sir.”

“Next time, do not accept calls if they will not tell their names.”

“Sorry Sir. Sige po, pasensiya na po ulit.”

Pagkalipas nga ng limang minuto ay tumawag ang sinasabi nitong magre-return call. “Hello?”

“EY.”

Nanindig lahat ng balbon niya sa katawan. ISang-isa lang ang tumatawag sa kanya ng ‘EY’ and that is JB.

“Paano mong nalaman ang direct number ko sa office?”

“I missed you, EY. Akala ko makakalimutan kita pag lumayo ako, hindi pala.” Hindi nito sinagot ang tanong niya.

“JB, shut up! And please stop calling me.” Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataong sumagot. agad na tinawag ang sekretarya at nagbilin na kapag tumawag pa itong muli sa kanya, sabihing wrong number.

“Pasalamat ka at wizel si Inday ditey, kung hindi, panis ang tawag mo.”

Bigla siyang napaisip, bakit biglang tumawag si JB sa kanya? Akala pa naman niya ay malinaw na ang lahat. Paano nito nalaman ang numero niya?

“Something is wrong ditech (dito)” Bulong niya. Kailangang malaman niya iyon.

*****************

“If you have no further questions, then the meeting is adjourned.” Okay na ang lahat para sa project nila. Magagaling ang lahat ng nakuha niyang architects and engineers. Kasama siyempre si Victoria Andrews, kahit pa may iba itong agenda sa kanya, hindi mo pa rin matatawaran ang husay nito.

At tulad ng inaasahan niya, nagpaiwan na naman ang bruha.

“Hi Elvin.”

“I have to go, may aayusin pa akong papeles.”

“Why so fast, Babe? I still wanna talk to you. Na miss kita.” Lumapit ito sa kanya at ibinulong ang mga salitang iyon. Napalunok siya, pinipigilan niya kasi ang sarili na huwag itong sabunutan.

“Miss Andrews, I need to go, and please, never call me, mapa cellphone man o landline.” Kalma Elvin, sabi niya sa sarili. Huwag na huwag pahahalatang imbiyerna ka na sa mujer na itey.

“I told you, Babe, hindi ako madaling sumuko. At isa sa mga gustung-gusto ko ay yung pakipot na katulad mo. Nakakatakam.” Walang hiyang sabi nito sa kanya, sabay hawak sa dibdib ni Elvin.

Ewwwwwwww! Cathy Dennis (Makati/malanding) mujer!

Tumatayo na ang balahibo niya sa katawan, diring-diri na siya.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon