14

216K 2.9K 459
                                    

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

14

Literal na napalundag si Elvin palayo sa sofa, nanlaki ang mga mata niya. Tawa naman ng tawa si Kathryn sa naging reaksiyon ng binata. Halos maihi siya sa kakatawa.

“Kattthhhyyy! Pwede ba! Sholbug mo pa ang mga otoko na nasobrahan ng berru!” (Talo mo pa ang mga lalaking nasobrahan sa beer)

“I was just teasing you! Sobra ka namang makapag react, akala mo mare-rape ka na.”

“Why? Sa fez mo kanina, I really thought na lalafangin mo na akembang! I will really sue you, isa kang rapist ng isang jubelita!” (why? Sa mukha mo kanina, I really thought na kakainin mo na ako. I will really sue you, isa kang rapist ng isang bakla!)

“Heh! Kung maka sue you ka jan. Eh paano sa honeymoon natin? Kailangan nating gumawa ng baby, di ba? Paano yan? I want a natural method, at hindi ka pupuwedeng umarte sa akin ng ganyan kundi mararape talaga kita.” Tukso niya.

“Nakakabuya ka Kathy! Ikaw na girlaloo, ikaw pa ang magtell sa akin ng ganyan. Wiz atashi expert sa tusha! Sudems pa akesh nakatikim nun.” (Nakakahiya ka Kathy, ikaw na babae, ikaw pa ang nagsasabi ng ganyan. Hindi ako expert sa sex, Hindi pa ako nakakatikim nun)

“Keri lang yan, Sinta. Pareho naman tayong walang alam. Virgin pa kaya ako, yung utak ko nga lang ang hindi, kaya pwede tayong mag experiment.” Natatawang sabi niya. Ang sarap asarin ng baklitang ito.

“Sa trulity, ang landi mo.” (Sa totoo lang, ang landi mo) Ang layo pa rin niya kay Kathryn habang nag-uusap sila.

“Gusto mo naman eh. Alam mo, feeling ko, nagkakagusto ka na sa akin, Sinta ko. Aminin mo na kasi!” Tukso pa niyang lalo.

“Yuck! In your dreams!”

“Yah, in my dreams you’re mine and soon be mine in reality. I love you, bakla.”

Umakto pa itong nasusuka kaya ang ginawa ni Kathryn ay bigla siya nitong niyakap at kiniliti, tuloy para silang naglalaro lamang na parang mga bata.

*********************************

Everybody’s busy, hindi mapakali ang mga magulang nilang dalawa ni Elvin, ngayon kasi ang kasal nila sa Huwes, akala mo nga ay sa simbahan na kung makaasta ang Mama at Mamang nila. Kuntodo pinaayusan talaga si Kathryn. Ang ganda ganda nito sa kanyang white dress at si Elvin naman, sobrang guwapo sa suot nitong barong tagalog.

“Ang ganda mo talaga, anak. I know you will even look great if you are already wearing your traje de boda.”

“Thanks, Ma. Look at my Sinta, ang guwapo niya di ba?” Kanina pa siya nakatingin kay Elvin, nung una niya itong nakita na pumasok, literal na napanganga siya, ang guwapo talaga! Walang bakas ng pagkabakla!

“Of course! You look handsome, Iho. Now I know why my unica hija fell in-love with you.” Nakangiting sabi ng Mama ni Kathryn.

“And now I know also why my Elvin really pursued Kathryn.” Ang Mamang naman niya.

“Okay ladies and handsome gentleman, mamaya na natin iyan ipagpatuloy. Let’s go at nakakahiyang paghintayin si Judge Candy.”

“Okay, Papa.” Nagkataon rin kasing family friend nila si Judge Candy Lambege, kinuha pa nga itong ninang sa kasal nila sa simbahan.

***************************

“My the power vested upon me, I now pronounce you as husband and wife. Elvin, you may now kiss your wife, Kathryn.”

This is it! Nung humarap siya kay Kathryn, nakangiti itong tumingin sa kanya. Sobrang kinakabahan siya na akala mo any moment ay matutumba na, pero kailangan eh, nasa harap sila ng maraming tao. Kaya lumunok siya at tumingin sa labi ni Kathryn, na asawa na niya ngayon. Then slowly he lowered his face para magpang-abot ang mga labi nila. Gusto niyang ngumiwi pero hindi niya magawa.

Ang tagal ng halik ni Elvin, naghihintay ang mga tao kaya ang ginawa niya, hinawakan ang batok ni Elvin na asawa na niya ngayon at siya na ang sumiil ng halik rito,nanlaki ang mga mata ni Elvin pero wala na siyang magawa. As soon as their lips met, kusa ng pumikit ang mga mata niya.

Hindi niya alam ilang segundo rin yun, basta wala siyang maalala, basta para siyang mahihilo na ewan. Narinig pa niya ang mga palakpakan ng tao. Nakangiting pinunasan ni Kathryn ang mga labi niyang nalagyan ng lipstick.

“I love you.” Bulong pa nito. Di pa rin natatanggal ang kilabot ng katawan niya. Kasal naman ito di ba? Kasal niya? Bakit siya kinikilabutan? Horror movie ang peg?

Pagkatapos ng kasal ay sa isang restaurant sila tumuloy, pag-aari iyon nina ng asawa ni Candice at ng mga kaibigan nito kaya walang kahirap-hirap ang reservation. Talagang ipinasara para lamang sa kanila. Ilang piling kamag-anak lamang ang dumalo, mas gusto kasi nila yun dahil na rin sa ikli ng preparasyon. Ika nga ng Papang ni Elvin, yung kasal na lamang sa simbahan ang gagawin nilang engrande.

Nasa harap silang bagong mag-asawa. “Sinta, how many hours nga ang biyahe papuntang Glan, Saranggani?”

“Matagal, Sintas kaya kailangang makaalis tayo ng maaga.” Dun kasi nila balak pumunta. Mas malapit dahil sa Gensan lamang iyon at isa pa, balak nilang mag adventure na dalawa.. Dun siguro sa bagay na yun sila magkakasundong dalawa. Pareho kasi silang mahilig sa beach at pareho nilang gustong pumunta sa mga lugar na hindi gaanong mataao.

“Takas na tayo? I’m sure they would understand.” Bulong ni Kathryn.

Elvin tried not to roll his eyes. Ang atat ng babaeng ito. Sasagot pa sana siya nung biglang narinig niya ang mga kalansing ng baso, hudyat iyon ng hinihinging halik, hindi ba?

“Kiss raw, Kathy.” Problemadong bulong ni Elvin.

“Ayoko, ang tagal mong ibigay ang kiss kanina sa simbahan. Bahala ka ngayon.” Balak niyang asarin ang kaharap.

Nakarinig sila ng tukso mula kay Aron Miguel. “Kiss na yan! Naghihintay kami. Kahit isang matagal na halik lang.”

Nakurot ni Candice ang asawa, alam naman niya ang sitwasyon nina Elvin at Kathryn, nagawa pa nitong manukso.

“Nakakaimbiyernang hombre.” (Nakakainis na lalaki) Pero nakangisi siya ng ibulong iyon kay Kathryn. “Kiss raw, Sintas.”

“Ayoko.” Pagpapakipot niya.

They heard the emcee calling them for a short message. Hudyat na iyon ng pagtatapos ng maikli lamang naman ng program courtesy of Candice.

Wala silang choice kundi tumayo sa harap, gave a short thank you speech. Nung matapos ay sabay-sabay na naman nila na narinig ang kiss sign na yun.

“Hay naku.” Bulong ni Elvin. Biglang humarap siya kay Kathryn, hinapit ito sa baywang at biglang siniil ng halik. Right in front of many people.

OMG! Sigaw ng utak ng bruha! Elvin is kissing her? Really kissing her?

Napapikit na lamang siya at ninamnam ang mga sandaling iyon! Teka, sana may nagvivideo!

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon