77 - Near the ending

71.4K 1.7K 195
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

77

"Sintas, sorry na."

Nasa loob sila ng kotse nito. Si Candice ang nagmaneho ng kotse ni Kathryn. Hindi na nila alam kung saan pumunta si JB. Walang imik si Kathryn habang katabi si Elvin na nagmamaneho.

"I was trying to solve it by myself, Sintas. Ayokong madamay ka at ang kambal. Ayokong madamay ang pamilya mo o ang pamilya ko." Elvin is still trying to explain everything to Kathryn.

"Don't talk to me. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala ha, Sinta? Alam mo bang parang akong mamamatay nung sinabi sa akin ni Candice ang lahat? Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko? Pagkatapos maglilihim ka?"

"Sorry na talaga, Sintas." Hinawakan niya ang kamay nito.

"Heh! Don't talk to me. Nagtatampo ako." Umiwas ng tingin si Kathryn. "Bakit naglilihim ka na sa akin, Sinta?"

"Hindi ko naman gustong maglihim." Nahihirapang paliwanag ni Elvin. Mabagal lamang ang takbo nila para makapag-usap sila ng maayos. Si Candice ay nauna na sa bahay nila. "O sha, sige na nga, aamin na akesha. Eh kasi naman, Sintas, ang sabi ni Victoria Andrews with fake eyelashes, fake nose, fake boobs, and yuck, that fake lips! Ikokokak niya raw kina Mama at Papa ang kung ano akembang dati."

"Eh ano ngayon kung sasabihin niya? Natakot ka naman agad? Tapos ano, you were very much willing to give your body to that Biki ha?"

"Of course not! Over my dead gorgeous body, Sintas! Para sa iyo at sa iyo at sa iyo lang to. Ikaw lang at ikaw lamang ang makaka NM ko. Chura niya!"

"Eh bakit kita naabutan dun? Siguro Sintas, kung hindi kami dumating ni Candice, malamang na rape ka na ni Biki."

"Noooooo! I was just there to get evidences, para may panlaban ako sa kanya. Nakita mo naman di ba, Sintas? I was ready, I had my recorder with me."

"Na kiss ka ba niya?"

"Ah-eh."

"Don't you dare lie, Sinta. Hindi na ako magtatampo, magagalit na talaga ako!"

"Ah, ya-yah, super duper light lang Sintas. But I-I vomited. Hindi kinaya ng sikmura ko talaga."

"Hindi mo nagustuhan ang kiss niya?"

"Yuck! Yuck! As in super yucky! PEro Sintas, sorry na talaga. Hindi na talaga mauulit. Alam kong dapat sinabi ko sa 'yo agad."

"Alam naman nina Mama at Papa kung sino ka at ano ka dati." Biglang sabi ni Kathryn.

"Oh my gee!" Biglang naipreno ni Elvin ang kotse. Napatingin ito kay Kathryn. Hindi makapaniwala.

"You heard it right, Sinta. Alam nina Mama at Papa ang buong pagkatao mo. Isa pa, nag-usap na sila nina Mamang at Papang bago pa tayo ikasal."

"A-a-alam nila na isa akong paminta dati? Isa akong nagbabalik loob nung marealize kong minamahal kita? Alam nilang dati akong darna na naging si superman? Alam nilang----"

"Yep. Alam na alam na alam nila, Sinta." Putol nito sa anumang sinasabi ni Elvin.

"Nekekeheye, Sente!" Inipit pa ni Elvin ang imaginary long hair niya sa kanang tenga nito. Natawa tuloy si Kathryn. Hindi niya napigilan. Kahit inis na inis siya sa asawa, natatawa siya sa mga reaksyon nito. May kasalanan rin naman siya, hindi niya sinabi na alam na ng mga magulang niya ang lahat. Iyon kasi ang napag-usapan nilang lahat.

"Sinta, una, tingin mo papayag na lang ng ganun-ganon na lang sina Mama at Papa na pakakasalan kita, to think na hindi nila nakitang magkasama tayo? They had you investigated, and I am very sorry for that. Wala naman silang nakitang mali sa pagkatao mo, napalaki ka naman nina Mamang at Papang ng maayos. Isa pa, hindi hadlang yung nakaraan mo para maging responsable kang ama at asawa."

"Naiiyak ako, SIntas." Pinaypay pa ni elvin ang mga daliri sa mukha. "Hindi ko akalaing tanggap ako nina Mama at Papa. Hindi ko akalaing pumayag silang mahalin mo ako kahit pa baklita ako...dati? Eeehhhhhh! Nakaka touch naman kasi!"

"Kaya Sinta, I hope hindi na mauulit. Sana walang maglilihim sa ating dalawa, kahit pa gaano kalaki ang problema. Tandaan mong lahat may solusyon, lalo pa at dalawa tayo."

"Sorry talaga, Sintas. PEro wait, paanong magkasama kayo ng feelingerong JB na yun?"

"I went to him. Alam ko kasing magkakasangkot ang tatlong yun."

"Wait ulet, sinong isa?"

"Scanver."

"Umayghad!" Panggagaya nito kay Inday. "So nag nagsama-sama ang mga haliparot! Victoria + JB + Scanver. Pag nakita ko ulit ang mga yan, makakatikim sila ng jombag muna sa akin." Itinaas pa nito ang manggas ng suot niya.

"Ayoko rin silang makita, Sinta. I proved to them that I am a bitch when it comes to you. I don't have to prove it twice."

"Grabeh Sintas, nakakashokot ang ninja moves mo kay Victoria pa lang, eh si JB, what did you do?"

"I told him to back off coz I'm gonna kick his ass! Joke Sinta, pero honestly, tinakot ko si JB para lag magsalita. Yun pala tinatakot rin siya ni Biki. Nakakaawa rin siya ng very very slight."

"Hindi ako naaawa sa kanya. Matapos niya akong pagnasaan, matapos niyang hawakan ang mura kong katawan. At yang Scanver na yan, akala niya kapag nagkasira tayong dalawa, makukuha ka na niya? Excuse me! Kahit na ipagtabuyan mo ako, Sintas, kahit pa magalit ka sa akin, kahit pa hampas-hampasin mo ako katulad ng sa pelikula, nungka kitang ibibigay sa kanya! Nevah! Chura!"

"Sira! Basta ha, wala ng lihiman."

"Yes, Sintas."

Pagkababa sa kotse ay nandun ang buong mag-anak nina Kathryn at Elvin, isama pa si Inday na may dalang sako.

"Seeerrrr! Maaaaam! Umaygad! Bohay na bohay kayo! Ririsbak na talaga kame buti na lang domating si Mam Candes. Ridi na sana ang mga wipuns ko."

Napailing si Elvin, kahit kailan talaga, nag go-good vibes siya sa kanyang ildist duter kuno.

"Unsa (Ano) ng mga wipuns mo?" Sakay ni Elvin sa trip niya habang akbay ang Sintas niya.

Isa-isang inilabas nito ang mga laman ng bitbit na sako. "TSenen! Nilkater galeng sa gamit ni Mam! TSenen! Grasskater na gamit ni Dudung ! TSenen! Bled (blade) ng cutter ng papel, nakoha ko sa nag i-imo (emo) na katolong sa kabila. TSenen! Caterpellars sa gardin, nilagay ko sa bote dahil makati."


WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon