54

96.5K 2.1K 208
                                    

Nakamamatay ang insecurities, nakakaubos oras rin ang pag stalk, masasaktan ka lang…when I get the move, mawiwindang ka. You will get what you deserve beybeh! Wahahahahahahaha!

54

“Sinta naman. You should not say those.”  Bulong ni  Kathryn habang papalayo.

“He should not say those too. Ano, kung di ako nakapagpigil at witit mo akembang inawat, kakalbuhin ko siya gamit ang lawn mower.” Bulong din niya. Gigil na gigil sa Scanver na yun.

“Kinikilig ako, Sinta. Sobra-sobra!”

Kung pwede lang tumaas ang mga kilay ni Elvin na hindi nai-pluck ay ginawa na niya. Imbiyerna na nga ang byuti niya, kikiligin pa itey?

“Kikiligin ka na ilo-lawn mower ko ang juhok niya?”

“Hindi, kinikilig ako kasi ang cute mong magselos. Sobra!”

“Hindi ako nagseselos.” Deny niya, sabay iba ng direksiyon, may mga bagong dating kasi na bisita.

“Selos ka eh.” Kulit ni Kathryn. Ngiting-ngiti.

Huminto si Elvin, sabay harap sa kanya, sabay lapit ng mukha at bumulong. “Witit! Eksaherada.” Sabay talikod, sabay ngiti at hakbang papunta sa mga bisita.

“Hindi na kung hindi. Eksaherada pala ha. Babalik muna ako kay Scanver, Sinta ha, may hindi pa kami natapos na pinag-u..” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang balik si Elvin. Hinawakan ang magkabila niyang pisngi sabay halik sa lips!

Nanlaki ang mga mata ni Kathryn.  Paksyet! Kinikilig na nga siya, nanghahalik pa tong Sinta niya, saan ka pa.

Eh di magrespond sa kiss!

Hilo pa yata siya nung bumitiw ito pero mas lalong nahilo siya sa sinabi ng kanyang asawa.

“Eh ano ngayon kung nagseselos akembang? Iba jukens pag nagselos, Sintas, bubunutin ko lahat ng juhok niya sa kili-kili gamit ang pliers. Iba magalit ang dating judikla (bading), Sintas. Tandaan mo, malapit na akesha maging full pledge hombre,  ibabalik ko na ang bato kay Darna at manghihiram na akesh ng briefs ni ni ni….” Nakalimutan niya kung sinong super hero yung nakalabas ang briefs. Eh kasi naman, puro siya dolls dati!

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon