8

230K 3.2K 541
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

 8

“You’re really here!” Kinikilig na sabi ni Kathryn. Agad niyang niyakap ang kanyang Sinta. Pinipigilan ni Elvin na itulak ng ubod ng lakas si Kathryn.

“Yah, I’m here.” Alangan namang I’m there? Tumaas pa ang kilay niya sa naiisip. Tumingin si Kathryn sa dala-dala niya.

“Roses and chocolates! Are these for me?” Na e-excite na tanong ni Kathryn.

“Ay hindi! Para sana sa akin yan. Binili ko para sa sarili ko.” Pagtataray ni Elvin.

“Ikaw talaga, Sinta ko. May sense of humor ka rin pala. Salamat ha.” Kinuha nito ang dala-dala ni Elvin. Inamoy ang mga rosas. Kilig na kilig. “Ibig bang sabihin, kaya ka nandirito ngayon kasi..”

“Kasi akala ko nagtatampo ka. Ayokong nagtatampo ka, Sintas ko.”

“Sinta.” Pagtatama niya.

“Sintas sa akin eh. Sintas ng sapatos.” Sabay halakhak.

Nakatulala na naman si Kathryn sa kanya. “Bakit ba ang guwapo mo kapag tumatawang ganyan. Ang sarap pakinggan ng halakhak mo. Napapabilis ang tibok ng puso ko.” Wala sa sariling sabi nito.

“Ay! Pranella (baliw) ang peg! Stop me (tigilan mo ako), Kathryn. Hindi ka ba kinikilabutan?” Nilibot niya ang mga mata niya sa unit ng dalaga. Not bad, maganda ang pagkaka design. May taste talaga ang babaeng ito.

“Hindi! Kinikilig nga eh!” Hindi apektadong sabi nito.

“Oo na! Pero tandaan mo, Kathy, ba-ba-e ako! Girl! Lady! Girly! Miss Earth! Miss Philippines! Miss World!  Miss Universe! Hindi tayo talo!”

“Magiging lalaki ka rin kapag ikinasal na tayo.” Malakas ang loob niya na sabihin iyon, dahil gagawin talaga niya ang lahat para main-love sa kanya si Elvin. Kesehodang nagmumukha na siyang desperada!

“Ay! Fighting lang, Girl! Magkalinawan nga tayo ha, Kathy, tutal I’m here already.” Naka dekuwatro pa ito nung umupo paharap sa dalagang naiihi na sa kilig sa kanya. Weird!

“Yes, Sinta.” Nagpapacute na sabi nito.

“Sinta sa iyo. Sintas ka sa akin.” Ang laki na ng mga mata ni Elvin. Pinandidilatan na niya si Kathryn pero mukhang sobrang manhid nito.

“Okay lang. Basta, sinisinta kita.”

“Ano ba! Naiimbiyerna (naiinis) na talaga ako! Kanina ka pa, sintas ng sintas. This is just a marriage for convenience, Kath. Hindi kita gusto, kahit kailan hindi ako magkakagusto sa iyo dahil, babae ako. Kathy naman eh, ayokong umasa ka. You know, heto, suko na ako. Ayoko nang sirain ang buhay mo. Huwag na lang nating ituloy, okay.” Naloloka na talaga siya sa babaeng kaharap. Parang baliw sa kanya. Obsessed lang ang peg?

“No! Elvin, I know what I am doing. Alam ko na imposible talagang magkakagusto ka sa akin. I’m just trying my luck. Believe me, I won’t force you to love me. It’s just that, I really like you, I really love you. Siguro nga, I’m like obsessed with you, pero..ewan ko ba, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ang dami namang lalaki jan, I mean tunay na lalaki, pero ikaw ang gusto ko.”

“Okay, given na talagang may gusto ka sa akin, eh hindi nga ako magkakagusto sa iyo. Ano yan, one sided love? Keri (Kaya) mo yung ganun?” Napakaimposibe ng babaeng kaharap niya!

“Yes. Okay lang, at least naranasan ko papaano maging masaya, naranasan ko paano maging asawa mo. Paano maging misis mo.”

Gusto na niyang masuka sa term na misis, sobrang pinipigilan niya lang dahil nasa teritoryo siya ni Kathryn. Wiz niya gusto na magkakalmot ang kanyang flawless na balat.

“Teka, wait. Ako, I’ll get benefits from you pag ikinasal tayo, makukuha ni Mamang ang mana niya, at magiging tunay na lalaki ang tingin sa akin ng buong universe. Pero ikaw? Wala, well, I’ll pay you naman, pero knows (alam)  ko naman na andami mong anda (pera)! Mas richibels (mayaman) ka pa nga sa akin. So wiz (hindi) mo pinoproblema ang datung(pera). Ano ang makukuha mo sa akin…hindi ko rin kering igivenchi (kayang ibigay)  and love, love chorva na yan.”

“Anak, hindi ba, nasa testament ng lola mo na kailangang magkaanak tayo? Yun ang ibibigay mo sa akin. Pag nagkahiwalay tayo, kung sakali man na hindi talaga tayo sa isa’t isa, at least may nakikita kong bunga ng pagmamahal ko sa iyo.” Prangkang sagot nito sa kanya.

Tulaley si Elvin!

“Jojontisin (bubuntisin) talaga kita? Magiging pudra (tatay) talaga ako? Magkakaroon tayo ng junakis (anak)?” Walang kakurap-kurap na sabi nito sa kanya.

“Flangak! Planggana! Flatch! flat shoes! Korek! Tama! Yes!” Akala ng baklang ito, siya lang ang marunong!

“Hihimatayin ako! Help!” Kunwari ay matutumba pa ito sa sofa niya.

“Pag hinimatay ka jan, imo-mouth to mouth resuscitation kita. Magkakaroon na tayo ng first kiss.” Natatawang sabi ni Kathryn.

“Ay hindi! Okay lang pala ako.” Tumuwid ito ng upo.

Bakit ba ganito? Kahit alam niya na imposible ang gusto niyang mangyari, still, gusto pa rin niya si Elvin. Nasa harap na niya ang ebidensiya na talagang bading ito pero wala pa ring nagbabago sa nararamdaman niya.

“Elvin, I’m serious this time, pag nagkaanak tayo, sa akin sana siya kapag…kapag nagkahiwalay na tayong dalawa. I am aware naman na may expiration yung set-up natin. Pero hindi ko siya ipagdadamot sa iyo, basta sa akin lang siya.”

“Oo na. Hindi ko pa nga alam kung kaya kitang bigyan ng anak…sa natural method right? Hindi ba pupuwedeng idaan natin sa modern technology? Wag lang sa pamamagitan ng pag ano.”

“Anong pag ano?”

“Yung mag chuchu tayo.”

“Anong mag chuchu?” Alam naman niya ang ibig nitong sabihin. Masarap lamang talagang tuksuhin ang lalaking ito.

“Hindi ka naman siguro shonga para hindi ako maintindihan!” Pagtataray nito.

“Ayaw mong mag make love tayo?” Sabi ni Kathryn. Kinikilig siya sa naiisip.

“Gagah! Make love your face! Kahit na maganda ka katulad ko, at shala ang beauty, still, hindi tayo talo!”

“Pero iyon ang gusto ko. Kapag hindi ka pumayag, hind tayo magkakaanak, hindi mo pa rin makukuha ang mamanahin mo.” Nag-isip bigla si Kathryn, inaalala ang nabasa niyang mga kondisyones ng Lola ni Elvin. “Sabagay, nakalagay din naman dun na pupuwedeng i-extend ang time of having a child, so the more years pa tayong magsasama hanggat wala tayong anak. Parang exciting, Sinta. Until finally, you will realize that you also love me.”

“Morbid! Okay, fine! I’ll try my million best para bigyan ka ng kyotatalet (anak)! And my billion best para gawin siya in natural method! Lasingin mo ako, mag drugs tayo teh, kapag ginawa natin yan!”

“Thanks, Sinta. I love you.”

“Hutang na loob naman, Kathryn! Parang awa mo na, don’t declare your love to me specially at dalawa lang tayo!”

“So? The more na dapat kasi dalawa lang tayo. Teka, Elvin, pwede na ba nating simulan ang paggawa ng kyotatalet?” Humagikhik siya sa naiisip. Ang sarap pagtripan ng baklitang ito na hindi niya alam kung bakit mahal niya.

“Oh my gahd!” Biglang napatayo si Elvin sa inuupuan! “Hindi pwede! May menstruation ako!”

“Pakipot ka pa, Sinta ko.” Mas lalong tukso niya.

“Paksyet! Kathryn! Babalik na lang ako pag wala ka nang sapi. Alis na ako!”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon