28

200K 3.1K 560
                                    

28

Natagalan si Elvin sa banyo. Sige na, tanggap na niyang mag na-natural method sila ngayon, nakakahiya naman sa kanyang Sintas kaya nagkuskos siya ng bongga.

Pero paglabas niya ay tulog ang asawa, tulog si Kathryn! Hindi niya alam kung magsasaya ba siya o maiinis. Imagine ha, siya na ang tatlong ulit nagsabon, nag toothbrush ng dalawang beses, mouth wash ng dalawang beses, nag shave……ng papatubo ng bigote. Paglabas niya, borlogs ang babaitang itech!

“Kathy?” Tawag niya. “OMGeee! As in borlogs (tulog)  ka?” Nakapamaywang na sabi niya.

Mafufrustrate ba siya? Sa naka boxers na nga lang siya tapos nakapikit lamang pala ang pinaghandaan niya.

“Ang tapang-tapang mong akitin akembang kanina, tapos ganya ka!” Tumabi na lamang siya rito. Nung maramdaman yata ni Kathryn ang katawan niya ay agad itong sumiksik sa kanya.

Nagreact ang katawang lupa niya.

“Ano bang ginawa mo sa aking girlie rodis  (babae) ka, bakit nagrereact ang nota ko! This is really not right, somethings is really really wrong! Magpapatawas na akesh bukas!” Napaurong pa siya nung biglang yumakap sa kanya ang asawa.

Kahit tulog inaakit siya. Matutulog na nga rin siya. Hinalikan na lamang niya sa noo si Kath.

“I’m enjoying your company, Sintas. Goodnight.”

******************************

Inis na inis si Kathryn kinabukasan, umaga na kasi nung nagising siya, wala na ang Sinta niya, nagluluto na ng agahan. Bakit ba nakatulog siya, andun na sana siya eh, maaakit na niya ito, pagkatapos biglang nakatulog siya.

Nilingon ni Elvin ang nakasimangot na niyang asawa. Kay aga-aga, sambakol ang pagmumukha nito. Mukhang alam na alam niya ang rason. Iniwan niya saglit ang niluluto para bigyan ito ng smack na morning kiss.

“Bakit hindi mo kasi ako ginising, Sinta.”

“Borlogs na borlogs ka lang ateng.”

“Kasalanan mo ito.” Naiinis na sabi niya.

“Aba, bakit aketch! Akembang ba ang may gusto ng NM ha?” Pagtataray niya. Gusto niya sanang ngumiti nang bongga dahil epic fail si Kathryn kagabi pero huwag na, baka kasi magkatotoo ang kasabihan na, magbiro ka sa lasing, huwag lang sa hindi naka NM.

“Naiinis talaga ako, Sinta! Kailan kasi tayo mag NM eh!” Parang bata na sabi niya.

“NM ka ng NM, mag lafang ka na nga lang, Sintas.” Nilagyan na nya ang asawa ng fried rice, bacon and egg sa plato. “After this, pupunta na tayo sa Daddy mo”

“Nagtatampo na talaga ako, Sinta. Nagpapa hard to get ka pa kasi.” Nakasimangot na sabi niya.

“Wit akembang nagpa hard to get kagabi no! If wit ka nag erklip, eh di sana may kyotatalet na tayo.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon