39 -

163K 2.5K 267
                                    

Nagpapalabas lang ako ng STRESS kaya nag update ako...kaya kung wala mang kwenta eh kiberloo! Iispluk nyo lang after.

*************************

39

Pagkatapos nilang pumunta sa OB at magpaalala ito nang sangkatutak eh dumirecho sila sa mall para bumili ng gamit, gatas, vitamins, fruits! Nakakalurky! Imagine, ang kanyang Lukresia Kasilag na nyosawa, bumili pa ng bagong apron.

“Para saan itech?” Bulong ni Elvin.

“Remember, Sinta? Sasayawan mo ako at aaliwin gamit ang blue apron!” Kinikilig na sabi ni Kathryn.

Aba, talagang trulity! “Sintas, magmomovie marathon na lang tayels.” Baka sakaling lumusot.

“Ayoko! Sige, if hindi ka available, if ayaw mo Sinta, si Scanver na lang.” Nakasimangot na sabi niya.

Si Scanver! Lagi na lang si Scanver! Si Scanver na makapal ang fezlak! Si Scanver na sasabunutan na niya talaga ang shohuk (buhok) sa jili-jili (kili-kili).  Si Scanver na witit niya talaga gusto!

“Oo na! Keri na sa mga gusto mo, Givenchy ko na sa iyo. Nakakaimbiyerna, talagang mapilit ka sa Scanver na yan!” Nasa kotse na sila at pauwi.

“Sinta, galit ka?” Naglalambing na tanong ni Kathryn sa asawa.

“Hindi.” Naalala niya kasi ang sabi ng Mamang niya, magpasensiya.

“Talaga ha. So gagawin mo yung mga gusto ko, Sinta?”

“Oo naman, yes!”  Kahit labas sa ilong. Para sa kyotatalet! Go na lang ng go!

“Thanks Sinta! I love you.” Sabay yakap sa asawa. Inamoy ito ni Kathryn. “Baho mo, Sinta!”

“Trulity? Akembang, makiyawti (mabaho)?” Inamoy-amoy niya ang sarili. Naligo nga siya ulit bago sila umalis. Wala naman siyang body odor? Naghahallucinate ang nyosawa niya?

“Ayoko nang pabango mo, Sinta. Ayoko ng sabong gamit mo. Ang baho mo.”

Ang arte! Pero sabi ni Doctora, sensitive raw talaga ang mga jontis,s a amoy, sa kinakain, sa halos  lahat ng bagay, at tulad ng Mamang niya, isa sa mga sinabi nito ay magpasensiya na lamang.

K.

K na lang!

“Sige, maliligo akembang pagdating. I’ll change my soap and perfume. Kung hindi lang kita crush, nevah akembang na susunod!”

“Hindi mo ako crush, Sinta. You love me na. I can feel it.”

“Mali ang feeling mo, Sintas! Tara na nga, pag nakabili tayo ng durian, yun talagang magiging makiyawti ang sasakyan at balay (bahay) natin.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon