07: The Subdivision

232 9 0
                                    

Chixie POV

I asked my mom before when I was a kid. "Bakit po namamatay ang tao, mommy?"

She just smiled at me. Hindi niya ako sinagot. Well, hindi ko talaga sure kung sinagot niya ako or not. Hindi ko na maalala ang lahat. One thing I remember from that question is that I asked her that because I was asked by my teacher the same question and I don't know what to say.

Now, I think alam ko na ang sagot. Maybe because it's a part of the cycle of life. All of us are being granted a one cycle of life per persona and tayo ang leader ng persona na ito. We get to decide how we use this cycle of life and anong choices ang gagawin natin.

Some don't just make it to their full cycle. Kagaya ngayon. Almost 90% siguro ng populasyon ang naging infected na ng virus at nag turn. Those who survived like me get to experience the pain. The grieving stage. Super depressing ng pandemic na ito. Imagine, hindi pwedeng mawala sa isipan mo yung question na what if bukas pag turn ka na din dahil sa virus.

"Kailangan din ba natin ng Masks at gloves? Full pandemic gear ganon? Hazmat suits?" Tanong ni Terrence.

I don't really know him. Before all of this, lasinggero siya. Laging maingay sa kanila kasi pinapagalitan siya ng nanay niya dahil laging may inuman session sa kanila. Tapos kapag naman gabi na nasa kalsada siya at kumakanta ng kung ano ano. Iyan lang ang alam ko tungkol sa kanya.

He told us na isa siyang student ng Nursing dati at may nangyari lang na aksidente kaya tumigil siya. Hindi niya sinabi sa amin kung bakit. Ang sabi niya lang ay kung makukuha namin iyong mga libro niya ay malaking tulong ito sa amin lalo na't wala kaming manggagamot sa Camp.

Mahinhin akong tumawa. "Edi magpupunta pa po tayo sa City Hall pagkatapos? Baka may mga gamit pa sa health center na pwede natin magamit." Suwestyon ko.

"Sure. Pagkain na din."

Malapit lang ang City Hall sa subdivision. Walking distance lang ganon. Napapaligiran iyon ng mga bahay kaya for sure may mga walkers doon pero who knows? Isang linggo na ang nagdaan at baka konti nalang ang mga nandoon.

Tanaw ko na ang katawan ni Francis na nakahandusay sa gilid ng kalsada kung saan namin siya iniwan. Napahinto ako sa paglalakad at napatitig. Nagpatuloy pa rin sa paglakad sila Terrence at Pamela samantalang napansin ko naman na huminto din si Kurt.

Hinawi ko ang malaking baril na pinagamit sa amin ng mga militar sa kaliwa ko at hinawi ko paharap ang bag sa likod ko para kunin ang blanket na nakuha ko sa camp. Dinala ko talaga ito para ipantakip man lang kay Francis.

He died because of me. Kung hindi ko siya sinama sa school at hinayaan siyang pumunta sa bahay niya eh hindi sana siya mamamatay.

I felt something on my shoulder at nakita kong nakapatong ang kamay ni Kurt dito. Nginitian ko lang siya at naglakad na palapit kay Francis at tinapal sa kanya ang blanket.

I smiled bitterly. "I'm sorry."

----
Alas tres na ng hapon nang makarating kami sa labas ng subdivision. Sira ang gate at may isang walker sa ilalim ng bumagsak na gate.

"Anong nangyari dito?" tanong ni Felie.

Sinenyasan ko si Kurt na pumunta sa unang intersection ng village para i-check kung may mga walkers. Sumama naman sa kanya si Kuya Terrence at naiwan kami ni Felie dito sa gate.

Nagsquat ako upang tignan ng malapitan ang daanan. May bakas ng gulong at may mga basyo ng bala. May mga katawan ng walkers dito sa loob ng gate. There must be someone in here. Someone from outside.

"May tao dito."

Nagtaka naman siya. "Ha? Eh sino? Ilang araw na Chixie. May buhay pa ba?"

Umalis kami dito yesterday at maayos ang lahat. For me, wala na talaga akong expect na buhay dito sa city namin. I was surprised nga noong makita ko si Kurt pati na ang Camp.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now