02: Stairwell

55 2 0
                                    

No one really knows what's happening. Unang beses nilang maranasan ang outbreak na ito dahil kadalasan ay sa labas ang may ganitong kaso. Ang sabi sa kanila ng heneral ng mga sundalo ay hindi umabot sa northern cities ang virus kaya hindi dapat sila mabahala.

"Anong nangyari?" Mahinang tanong ni Katie. Hindi pa rin siya makapaniwala na buhay si Paris, ang kaibigan ng boyfriend nya.

"Sinubukan ko umuwi sa unit kaso may mga infected din sa floor ko."

It's been 30 minutes and they can hear noises below them but it is indistinguishable. Like it was not exactly from the stairwell, but was from outside the floor. Kahit na ganoon, hindi sila nangangamba dahil  Paris assured na nasarado niya ang mga pinto sa fire exit at naharangan niya ito ng mga hollow blocks galing sa rooftop.

Kagaya ni Katie, Paris also came from the party they had a week ago. He was having indigestion from the food he ate that night kaya umuwi siya. On the way sa apartment, some people started to collapse, and some, jumping off from the buildings. They were not dead, they were reanimated. Gaya ng sabi ng mga sundalo noong nilagay nila ang malaking pader ng northern cities.

"Nakita mo ba.." She started. Nahihirapan siyang sabihin ang gusto nyang sabihin dahil sa mga naiisip nyang maaaring isagot sa kanya. ".. nakita mo ba si Oscar?"

It took him some time to answer. He can't really remember what happened one week ago. Everything is still new to him at hindi niya ma-process sa sarili ang nangyari. Those people outside, they came back to life. Nakita ng dalawang mata niya ang galaw ng ilan sa mga ito. Some of them were fast, some are slow like an old man.

Umiling siya. "Wala siya sa unit mo?"

"Iniwan ko siya sa Restaurant. Wala ka ba doon nung nangyari ang lahat?"

"Shit."

They stayed silent for a minute. Nag-iisip sa susunod na gagawin. Si Katie, na galing sa unit niya, ay may naisip na ideya. She knows it's worth it pero hindi lang siya sure kung tama ba ito.

"Gaano ka kabilis tumakbo?"

Paris looked at her with a confused look. "Bakit?"

Tumayo si Katie at chineck ang bala ng baril. "Kailangan natin pumunta sa Restaurant."

"Ha??"

"Maaaring buhay pa si Oscar. Kailangan natin siyang balikan."

May pag-aalinlangan na nagsalita si Paris. Mapapansin sa pagka-utal niya ang kaba at takot na nararamdaman. "Pero.. iba na yung mga infected sa labas!"

Saglit na napahinto si Katie at inisip ang sinabi ni Paris. He's right. Nakita niya ang kaibahan ng mga infected ngayon. Tila ba mas bumilis ang mga ito at naging mas agresibo. Ang mga infected na nakita niya sa labas ay parang mga nauulol na asong gustong mangagat ng tao.

"Kahit na.."

Sinubukan na pigilan ni Paris si Katie. "Please, Katie... Dito nalang tayo."

Naitulak ni Katie si Paris sa pader at balak sanang magsalita ngunit hindi niya ito sinabi. Kinimkim niya na lamang ang mga emosyon na nasa loob niya dahil ito ang tama. Ano pa nga ba ang magagawa niya sa duwag na kaibigan ng nobyo niyang si Oscar?

"Kung ayaw mo edi wag ka sumama." Mahinang sabi ni Katie bago siya naglakad pababa ng hagdan.

Pinagmasdan ni Paris ang likod ni Katie habang papalayo ito sa kanya at tuluyan nang mawala sa paningin niya. Naririnig niya ang yabag ng paa nitong medyo mabilis ang lakad.

Nag-isip isip siya at napaluhod sa sahig. Frustrated siya sa mga nangyayari ngayon at gusto na lamang umiyak ngunit tila ba pati mga luha niya ay takot sa mundong ginagalawan niya. Walang lumalabas kahit anong tulak niya sa facial muscles niya. Sinuntok suntok niya na lamang ang sahig gamit ang gilid ng kamay niya habang nakatiklop ito.

Hindi siya talaga duwag. Sadyang nahihirapan lang siyang maging matapang sa mga oras na ito dahil wala siyang alam kung paano lumaban gaya ng mga kaibigan niya. He's into medical field. Mas sanay siya sa mga bagay na inoobserba o minamanipula.

Sa hagdan, nakababa na sa ikatlong palapag si Katie. Pababa na sana siya sa ikalawang palapag nang mapansin niya ang pintuan na bukas at may dugo sa sahig. Tinutok niya ang kanyang baril habang pababa, at dumikit sa pader upang makapagtago.

*Low growling*

Napatigil siya ng galaw at pinakiramdaman ang labas ng pintuan. Ramdam niya ang buong kalamnan niyang nanginginig sa kaba at takot. Sa loob loob niya ay para bang gusto na siyang pabalikin sa itaas ngunit ayaw niya itong sundin. Mamamatay siya sa gutom sa itaas at pagkabaliw kung hindi pa siya aalis ng apartment niya. Ang paglabas lang ang tanging paraan para mabuhay siya.

She hold her breath as she approached the open door. Sa kabilang banda ay nakita niya ang isang infected na nakatalikod sa pintuan at malayo sa kanya.

Marahan ay tinulak niya ang pinto. Kabado niya itong sinara ngunit sa kalagitnaan ay biglang lumikha ito ng ingay. Hindi niya mapigilang mapahinto at mapatingin sa infected na nakatayo. It slowly twist it's upper body and stared at her. Natakot siya sa mukha nitong may mga dugo. Sumigaw ang infected kasabay ng mabilis na pagharap ng buong katawan nito at tumakbo palapit sa kanya.

Tinutok niya ang baril sa infected at hindi nagdalawang isip na paputukan ito. Ang unang bala ay tumama sa balikat nito na akala niya ay ikatutumba nito ngunit mali siya. Mabilis na tumalon sa kanya ang infected at naitulak siya sa pader. Ramdam niya ang sakit ng likod niya dahil sa pagtulak ng infected pero hindi niya ito ininda. Napahiga siya sa sahig habang nakadagan sa kanya ang infected.

She looked for her gun but she can't find it. Agresibo ang infected at pilit nitong tinutulak ang ibabaw na katawan upang makalapit ang ulo nito sa kanya at makagat siya ngunit nilalabanan niya ito. Gamit ang kanan na kamag ay pinangsakal niya ito sa leeg ng infected. Laking pasalamat niya nalang dahil hindi marunong mag-isip ang infected dahil kung sakali man ay magagamit ng infected ang kamay nito upang makalmot siya.

The infected is getting heavier and nanghihina na siya. Malapit na ang ulo nito sa kanya at makakagat na siya nang biglang napatigil sa pag-iingay nito at hindi na gumagalaw. Tinignan niya ang mukha nito at nakitang nakadilat ang infected ngunit parang may manipis na bakal na sumingit sa pagitan ng noo nito. Ilang saglit pa ay nagulat siya nang may tumulong dugo sa noo nito kasabay ng tunog ng parang may hinugot. Napapikit na lamang siya dahil sa mga dugong tumulo sa mukha niya. Ang katawan ng infected ay buong lakas niyang tinulak sa gilid upang makatayo siya.

Nandidiri man ay pinunasan niya ang mukha niya gamit ang kanyang palad at pinahid niya ang dugo sa kanyang damit. Sa marahang pagdilat niya ay nilingon niya ang gilid niya upang makita niya ang tumulong sa kanya. She saw Paris standing at the door, peaking outside to check how many infected are there.

She smiled. "Sumunod ka."

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now