25: Beginning

94 5 1
                                    

Chixie POV

*Growling*

I stopped screaming. Dahan-dahan kong pinilas ang manggas ng pink shirt na suot ko at inikot ko ito sa ulo ko para matapalan ang sugat ko sa noo.

Masyadong malabo ang paningin ko. I don't know if it's because of my eyes or sadyang makapal lang ang usok dito sa loob.

"Chixie!" nagulat ako nang biglang may tumawag ng pangalan ko mula sa unahan ko pero hindi ko ito makita dahil may nakaharang na malaking bato mula sa gumuhong kisame.

*Screams*

Dahan-dahan akong tumayo. Masakit ang likod ko dahil sa pagkakatapon ko dito sa loob.

"Maggie.." medyo napaubo ako habang tinatawag ko ang pangalan ni Maggie dahil sa kapal ng usok na sinamahan ng alikabok.

Ano bang nangyari? Mga walkers ba ang may gawa nito?

May itim na imahe akong nakita sa gilid na balot ng usok. Palapit ito sa akin. "Chixie?"

Lumapit ito sa akin at iniluwa si Maggie. Iika ika ito palapit at hawak niya ang kanang braso niya. May mga galos siya sa mukha pero hindi grabe.

Yumakap siya sa akin paglapit niya. Muntik pa ako madapa dahil nanlambot bigla ang tuhod ko dahil hinang hina ako. Masyadong makapal ang usok at naaapektuhan nito ang mga mata ko.

"Nakita mo ba si Jacob?" tanong ko.

Umiling siya at umubo bago sumagot. "Kailangan natin lumabas dito. Tara na."

Hinila niya na ako pero huminto ako. "Kailangan natin silang hanapin." Lumingon lingon ako para hanapin sila Mary.

Hindi ko gaanong makita pero marami akong naririnig. Mga iyak at sigaw ng takot ang naririnig ko. There were gunshots everywhere.

I followed the screams and Maggie followed me. Mabilis kong ginamit ang paa ko para manipa nang biglang may tumalon na walker mula sa magkakapatong na bato. It was one of the survivors inside this mall.

Tatayo itong muli but I moved fast and never hesitated to kick again right on its face. Nang mapahiga ito sa sahig, I grabbed a big and heavy rock and smashed it on its face.

"Jesus christ, Chixie..." narinig kong komento ni Maggie sa likod ko.

Humarap ako sa kanya at napahawak sa noo ko dahil bigla itong kumirot. Inalalayan naman ako ni Maggie dahil medyo gumigewang-gewang ako.

Out of nowhere, biglang lumitaw sa usok si Charlie at ang anak niya. Wala nang kamustahan pa at bigla na lang niya akong hinatak palayo sa kinatatayuan namin at ako naman ang humila kay Maggie.

Hindi ko na alam kung nasaan kami. Iba ang itsura ng lugar na ito. May mga nilikuan kami at pinasukan na hallway kung saan may mga nakahandusay sa sahig. I tried not to look but I can't ignore the fact that Jacob and the others are not here.

Finally, there's a door on the end at pumasok kami dito. Nagsimula nang mag-fade ang usok sa paligid at may sariwang hangin na kaming nalalanghap. We never stopped running hanggang sa may makita kaming nakatayo sa unahan na umuubo. Lumapit kami sa kanya.

Maggie tapped his shoulders at nang humarap ito sa amin, laking tuwa ko nang mukha ni Jacob ang nakita ko. May mga galos siya sa mukha pero mukhang hindi naman malala.

Lumapit ako sa kanya at yumakap. Tapos ay bumitaw ako at nginitian siya. "Nakita mo ba sila Mary?" tanong ko.

Umiling siya. Mukhang wala siya sa sarili niya. Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa usok na nagmumula sa pinanggalingan namin.

We heard walkers. Malakas ang tunog at tila ba palapit ito sa amin. I quickly grabbed Jacob at tinago siya sa likod ko dahil there is no way he can defend himself right now. Nasa state of shock siya. Fighting isn't his priority.

Tumakbo palayo saglit si Maggie at pagbalik niya ay may dala siyang mga tubo. She gave me one and one for Charlie. Saglit kong tinignan si Penelope na tinago niya din sa likod niya. She's dozing off but looks fine.

"Penny, kumapit ka lang sa likod ko ah." narinig kong sabi ni Charlie sa anak niya.

I used to be a mother, like her. The idea of being a mother is a pain to me, seeing that I have lost the only thing that is making me one.

Hindi ko namalayan ang isang walker. Lumitaw lang ito kung saan. Huli na nang  makalapit siya at maitulak niya ako sa lupa. Ako sa lupa at ang walker na pilit akong sinusubukan na kagatin sa ibabaw.

They screamed, Maggie and Charlie. Hindi ito dahil sa may walker na nakadagan sa akin kundi may mga walker din na lumapit sa kanila at nahihirapan silang labanan ito.

For a second, I think I lost myself. I forgot how to fight. I forgot how to kill a walker. But then I saw Penelope's terrified face and it hit me. I have to defend her, this people.

Sinubukan kong abutin ang tubo na tumilapon sa gilid dahil sa pagbagsak ko. Ibinigay ko ang buong lakas ko para lang maabot ito ngunit masyado itong malayo.

And then we heard sounds. Ilang saglit pa, bumagsak na sa lupa ang walker na nakadagan sakin kanina at wala na itong buhay. Umupo ako at tinignan sila Maggie at Charlie na gulat na gulat sa nangyari. May dalawang taong nakatayo sa harap namin, madungis at aakalain mong mga walker. I realized I knew them both.

"Kurt.." mahina kong bulalas.

I can't believe what I'm seeing. All this time akala namin patay na siya. Hindi siya bumalik noong gabing iyon. Inisip nalang namin na namatay siya sa Health Center.

I was on my emotional state nang bigla kong narinig ang hagulgol ni Jacob sa gilid ko. I looked at him and I see he was staring at the man on Kurt's side, yung militar sa Camp. Jacob is crying and all he did was to cry.

Dahan-dahan na lumapit ang lalaki kay Jacob at niyakap siya nito. Malapit siguro ang dalawa noong nasa Camp pa kami. I remember na lagi sila nag-uusap noong nandoon pa kami.

"Chixie, kailangan natin lumayo dito. " Putol ni Charlie sa amin.

We heard growls and gunshots from inside. People screaming para lang makahingi sila ng tulong. Who would dare to go back inside? No one.

Wala na si Mary at Terrence. Siguro ay natabunan na din sila ng mga bato sa loob o hindi kaya ay naging walker na. We have to move on and move somewhere safe.

"Tara na." Sabi ko sa kanila.

Nagsimula na kaming maglakad. Tinatahak namin ang main road kung saan papunta ito sa susunod na City.

There's no looking back. Dead will remain dead and the lost will remain lost. Us who survived will now defend each other to survive.

I know this isn't the end. Nagsisimula pa lang ang lahat. The new era of mankind starts now.

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon