13: Abandonadong Mall

101 7 0
                                    

The sun is about to rise. Lumiliwanag na. Medyo malayo na rin ang nalakad nila Gwen. May mga infected silang nadaanan na namukhaan nila ngunit wala silang magawa kundi ang malungkot na lamang at ipagdasal ang mga kaluluwa nila.

Sa dami ng mga bahay na nadaanan nila ay wala man lang ni isang tao silang nakita. It was as if everyone is already dead. Parang sila na lamang ang buhay.

"Malapit na tayo sa Abandonadong Mall." Paalala ni Kuya Rodel.

They are heading to one of the barangays na inabandona ng mga tao nang magbago ang lahat. May mga nanatili pero iilan lang sila.

Napagdesisyunan nila kanina na magtungo na lamang sila sa daungan malapit sa Mall. From there, sasakay sila ng bangka patawid sa dulo ng bakod palabas ng Northern Cities. Out there, may tyansa pa silang mabuhay. Walang sino man ang gagawa sa kanila ng gaya sa ginawa sa kanila ng Northern Cities.

"Tago!" Madiin na bulong ni Kuya Rodel na ikinabigla ni Gwen. She was looking at the ocean blue skies and enjoying it. Nabigla siya nang hinila siya sa braso ni Aling Vickie upang magtago sa likod ng isang abandonadong sasakyan.

Nagtataka siya kaya napatanong siya. "Anong meron? Bakit tayo nagtatago?"

Kuya Rodel answered her. "May mga militar."

Gwen heard muffled voices from nearby. Marami ang boses na kanyang naririnig na may kasama pang sigaw. Gusto niya sanang sumilip ngunit pinigilan siya ni Aling Vickie at sinenyasan na huwag gagalaw.

Hindi nga siya gumalaw. Ang mata na lamang niya ang kusang gumalaw upang hanapin si Katie at John. Hindi niya makita ang mga ito dahil mas nauna sa paglalakad ang mga ito kesa sa kanila. Malamang ay nasa unahan nila ito at nagtatago sa likod din ng isang sasakyan.

*Gunshot*

*Hysterical Scream*

Hindi alam ni Gwen ang nangyayari sa unahan ngunit alam niyang hindi si Katie ang narinig nya. Dahan-dahan siyang umusog sa gilid upang sumilip sa unahan. Sa eskinita na sinilipan niya ay nakita niya ang ilang mga militar na lumalakad patungo sa bukana ng abandonadong Mall. Hindi lang lima kundi madami ang mga sundalong nakikita niya. Humihilera ito ng linya linya gaya ng ginagawa nila sa training nila dati.

"BAKIT NYO BA ITO GINAGAWA!?" Tanong ng isang boses babae na medyo malakas ang tunog. Medyo may katandaan ang boses nito na medyo gasgas na ang tunog.

Muli siyang umusog para sumilip kung anong itsura nito. Nakita niya ang matanda na nakaluhod sa unang baitang ng hagdan paakyat ng Mall. Nasa likod ang mga kamay nito at nakatali. When she moved her eyes, she saw others like her, nakatali ang kamay sa likod at umiiyak. Hindi na siya nakatiis nang may makita siyang dalawang bata.

Agad siyang pinigilan ni Aling Vickie. "Ano ka ba! Tumigil ka nga jan."

"May mga bata silang hawak. Kailangan natin sila tulungan!" Sabi niya.

Malakas na bumitaw si Gwen sa pagkakahawak sa kanya atsaka tumayo at tumakbo palapit sa mga sundalo. Nang makalagpas siya sa kung nasaan sila Katie ay sinundan siya nito atsaka pinigilan mula sa likod. Agad naman sila napansin ng mga sundalo at tinutukan ng baril.

Agad na itinaas nila Aling Vickie ang mga kamay nila habang si John at Katie naman ay nakahawak kay Gwen upang pigilan itong tumuloy sa paglapit sa mga militar. Sinubukan naman ni Gwen na tumuloy ngunit hindi siya makakalas sa higpit ng hawak sa kanya ng dalawa. Ang nagpatigil lamang sa kanya sa paglakad ay ang lalaking bumaba mula sa palapag ng Mall na nakangiti habang pinapanood sila. Katie stiffened her position when she saw him.

"Masaya akong makita kayong muli." It was him. The one that they've been looking for. It's Oscar.

Hindi makapaniwala si Katie sa nakikita niya. It couldn't be. Oscar wasn't the type of person who hurts people.

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon