18: Eerie

182 12 1
                                    

Chixie POV

"Mommy? Maglalaro lang po ako sa labas."

I was dozing off. Hindi ko alam na kinakausap pala ako ni Sophie. Tumango lang ako sa kanya at saka siya tumakbo papunta sa labas.

Weird. Why am I dozing off? At bakit ako nakaupo dito sa sofa ng sala namin habang nakatulala?

*Giggles*

Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana. Binuksan ko ito pero agad ko din na isinara dahil sa liwanag ng araw na tumama sa mata ko. Lumabas nalang ako sa pintuan para makita ang labas.

Hinarang ko ang kaliwang kamay ko sa itaas ng mata ko. Tirik na ang araw at madaming tao sa labas. I can see the kids playing outside at ang mga neighbor ko na nagtatawanan sa kalsada. I even saw kuya Terrence na dumaan patungo sa bahay nila.

Anong araw ngayon? Bakit sila masaya? Espesyal ba ang araw ngayon?

"Harangan niyo yung gate."

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong bigla na nagsalita. "Sino yan?"  But no one answered.

Nagulat ako pagbalik ko ng tingin sa kalsada dahil bigla nalang sumulpot si Sophie sa harap ko, nakangiti. She's wearing white dress at may ribbon siya sa ulo. Napangiti ako.

Inabot niya sa akin ang kamay niya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha niya habang nakatingin siya sa akin.

I was about to take her hand nang bigla kong mapansin ang kakaibang changes sa likod niya. Wala na ang mga tao sa kalsada. Empty.

"Ako na dito kay Chixie!"

Napalingon ulit ako. Tapos biglang nag-iba ang itsura ng paligid ko. It became dark. Just plain dark na akala mo eh nakapikit ako.

And then I felt a terrible pain sa ulo ko enough to make me sit on the cold floor. Napasigaw ako sa sakit pero saglit lang ito dahil bigla kong naalala si Sophie. Baka matakot siya sa nakikita niya sa akin.

Tumingin ako ulit kay Sophie at nakitang nandoon pa rin siya at nakangiti. Inaabot niya sa akin ang mga kamay niya.

"I check niyo ang ibang rooms!"

Sino iyon?

Sige ako sa paglingon kung saan saan pero wala akong nakita. Not until someone popped up on my side. Napaurong ako sa gilid ko nang makita ko si Francis na nakatingin lang sa akin dito sa sahig. Madumi ang suot at wala ang isang sapatos. May sugat sa may braso niya pero walang lumalabas na dugo.

"Bakit mo kami iniwan, Chixie?"

Napasigaw ako nang biglang may magsalita sa likuran ko at doon nakita ko si Felie. There was a blood coming out of her mouth and nose. Wala ang kaliwang mata niya at may butas ang kaliwang side ng nood nito.

Napaatras ako sa takot. Hindi ko alam ang nangyayari. Why is she bleeding? Bakit siya nandito? Hindi ba patay na siya?

Patay na si Felie.

Lumingon ako kay Francis at saka doon nalang pumasok sa isip ko na patay na din siya. Patay na silang dalawa. Pero bakit sila nandito? Paano ko sila nakikita?

Biglang lumakas ang pagiging dark ng paligid. Nilamon ng dilim ang paligid ko sabay bigla nalang may lumabas na kamay mula sa dilim na lumapit sa harapan ko at sinakal ako nito. It was a tight firm hold na nagpalambot sa akin.

I can't breathe. Sinubukan kong alisin ang kamay pero hindi ko magawa dahil sobrang higpit ng pagkakahawak sa leeg ko.

Pumikit nalang ako at nagdasal. I focused on the voice that keeps on saying my name kanina pa.

Zombie Outbreak Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ