16: Hoard

228 12 0
                                    

Chixie POV

Hindi ko na alam kung nasaan kami. Ibang way kasi ang dinaanan namin paalis sa City. I think nasa SLEX kami? Madaming kotse sa kalsada pero iilan lang ang mga walkers.

We've been moving for an hour hanggang bigla na lang tumigil sa kalsada ang truck. Sakto ito kung saan may mga nakahambalang na na sasakyan sa kalsada.

I sighed nang makita kong walang tao sabay tumingin ako kay Sophie na natutulog. Lumingon ako kay Kuya Terrence. "Mukhang kailangan na natin maglakad."

"Hindi po ba delikado?" Tanong ko.

I know na wala kaming nakikita na walkers ngayon pero hindi pwedeng buong lugar ang walang walkers. Baka mamaya bigla nalang kami ma-corner ng mga ito kapag nasa kalsada na kami.

Tinanggal ni Kuya ang seatbelt niya at saka binuksan ang pintuan. "Wala tayong choice, Chixie."

Bumaba na siya. Ginising ko naman si Sophie. "Anak? Gising na."

Inalog alog ko siya hanggang sa magising. "Mama?" Tanong niya habang kinukusot ang mga mata niya.

"Maglalakad tayo, Anak." Sinuot ko sa kanya ang kulay pulang sweater dahil mukhang malamig sa labas. Konti lang ang sinag ng araw na sumisilip sa langit.

Binuksan ko ang pinto at ako ang unang bumaba. Sumunod si Sophie na medyo inaantok pa. Kinuha ko ang isang bag namin na naglalaman ng ilang damit at pagkain. I can't believe we left few of our things back at the camp knowing na maalaga ako sa gamit ko.

Pumunta ako sa likod ng sasakyan kung nasaan ang iba. I saw Ms. Kaye not being herself. Para siyang aligaga. Medyo maputla at matamlay. Tumabi ako sa kanya at tinanong. "Okay ka lang ba?"

She tried her best to smile and nodded. "Saan tayo pupunta?"

I heard a small noise at nakita kong napahawak siya sa tyan niya. I smiled at her. "Sunod na City ang Muntinlupa. Sana may pagkain tayong makita sa daan."

Kinuha ko ang dala niya na isang bag na puno ng baril at sinabi kong siya nalang ang bahala kay Sophie. Nang makababa na ang lahat ay nagsimula na kami sa paglalakad. Si Kuya Terrence ang nanguna kasama si Jacob.

Narinig ko ang nangyari kay Kuya Terrence. Nakagat ng mga walkers ang kapatid ni Jacob sa harapan mismo nila kaya ngayon ay hindi sila makausap ng maayos. Umiiyak minu-minuto ang mama ni Jacob habang si Jacob naman ay nakatulala lang.

We checked every cars. Ako, si Amy, Sam, Mary, Eva, Charisse, at Mico. Nag volunteer naman na mauna na sa unahan si Kuya Terrence kasama si Jacob habang si Mang Jose at Kuya Robert naman ang magiging mata namin sa kalsada. May nakita akong car truck na walang laman ang likod kaya doon ko pinapwesto sila Ms. Kaye, Mama ni Jacob, Sophie, at si Aling Dahlia.

Inabot ko kay Ms. Kaye ang tubig na nasa bag ko bago ako mag-check ng mga kotse. Mukha kasing nanghihina siya at parang nanlalambot.

"Mary, samahan mo ako dito tayo sa Bus." Sabi ko kay Mary.

I know Mary. Nakatira siya malapit sa amin although hindi ko siya madalas nakakausap. Wala kasi siyang kasama sa bahay at parang pang-gabi ang trabaho niya. I think she was a Call Center Agent?

*Glass cracking*

Nag-ingat ako sa basag na salamin na nakakabit parin sa pintuan ng bus. May mga dugo sa sahig pero walang bangkay. Sumilip ako sa loob at wala din walker kaya pumasok na kami ng diretso sa loob.

"Ikaw jan sa kanan. Check mo lahat ng compartment sa itaas. Pagkain, tubig, basta importante para sa atin." Utos ko sa kanya.

Wala naman akong nakuhang response sa kanya. She was like a silent Mary. One time I saw her going home, 4 AM noon, she was drunk. Maybe she wasn't a CC Agent? Ayoko mag judge.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now