09: Kurt

172 7 0
                                    

Kurt POV

"Anong nangyayari?" Tanong ni Ate Chixie.

Parehas kaming tatlo na nakatingin sa direksyon kung nasaan ang kabilang City. May malaking pagsabog ang nangyari doon at kita namin dito sa may bridge paakyat sa Camp ang lahat.

Papadilim na at pabalik na kami sa Camp. Pagkatapos ng nangyari kanina kay Ate Chixie at Ate Felie ay pinili na lamang namin na bumalik sa Camp. Hindi namin kilala kung sino ang mga iyon kanina. Siguro ay galing sila sa labas ng subdivision sa may ibang village.

Lumingon ako sa kanilang dalawa. "Mauna na po kayong dalawa sa Camp. May kukunin pa po ako sa ibaba." Sabi ko.

Lumapit naman sa akin si Ate Chixie. "Saan ka pupunta?"

"Kailangan po natin yung mga gamot."

Binago ng mga nangyari kanina si Ate Chixie. Tuliro na siya at ngarag magsalita. Siguro ay na-trauma siya sa pagkamatay ni Ate Felie.

"Pwede naman natin ipagpabukas iyon, Kurt. Maggagabi na. Nakita mo naman yung nangyari sa atin kanina diba?"

Oo naman. Umakyat ako sa bubong ng mga bahay kanina para sana tignan kung anong meron sa dulo kaso bigla akong nagulat nang makita kong may nakatutok na na baril kay Ate Chixie. Masyadong mabilis ang pangyayari. Wala akong ibang choice kanina kundi ang itutok doon sa bakla ang baril ko at paputukan siya. Imbis na sa dibdib siya tamaan ay sa leeg tumama ang bala. Kay Kuya Terrence galing ang pangalawang putok na pumatay doon sa babae.

Umiling ako. "Hindi po natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Mas mabuti na ngayon ko na po kunin yung mga gamot para magamit agad nila sa Camp."

Sinungaling. Hindi naman talaga iyon ang pakay ko sa City Hall eh. Kailangan ko lang magsinungaling at gamitin iyon na rason para payagan nila ako.

Susubukan pa sana ako ni Ate Chixie na pigilan pero sinabihan siya ni Kuya Terrence na tama ako. Binigyan ako ni Kuya ng Listahan ng mga kailangan kunin sa Health Center. Inabot niya din sa akin ang isang magazine na puno pa ng bala.

Umalis na ako at dito ako dumaan sa kakahoyan upang sana makaiwas sa mga walkers kaso nagulat ako nang may matanaw akong ilang walkers na nakatayo at magkakahiwalay kaya napatago ako sa puno. Sumilip ako at tinignan kung ilan sila. Lima. Anim? Baka may iba pa doon paglagpas. Hindi ko alam.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Inalala ko ang unang beses ko na makakita at makapatay ng isang walker.

"Kurt! Kurt!"

Nagising ako sa pagtulala ko nang alugin ako ni Dana, ang girlfriend ko. Nandito kami sa McDonald's ngayon at kita ko na madaming mga tao ang nagkakagulo sa labas. Napatulala na lang kaming mga nandito sa loob dahil hindi kami makapaniwala sa nakikita namin.

Tinignan ko siya. May bakas ng takot sa mukha niya. Ito ang unang beses na makita ko siyang ganito.

"A-ano yon?" Tanong ko.

Napansin kong nagsigawan na yung mga nasa cashier at mga nagtatakbuhan na palabas yung mga workers. May narinig kaming sumisigaw na parang kinakatay mula sa kitchen at doon na napatayo si Dana.

1 year anniversary namin today at date sana namin ngayon ito dito sa Mcdo. Dapat ay romantic ang mangyayari pero ano ito? Ano ang nangyayari?

*Explosion*

Walang ano-ano ay kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng McDonald's. Paglabas namin ay hindi namin alam kung saan kami pupunta. Magulo ang lahat. Kung saan saan papunta ang mga tao. Ang mga sasakyan nila ay iniwan nila sa kalsada ng nakabukas lang at umaandar pa.

Zombie Outbreak Onde histórias criam vida. Descubra agora