10: Long Night

162 9 0
                                    

Chixie POV

"Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong sa akin ni Ms. Kaye pagkapasok namin sa gate.

I'm surprised na may baril na din siya na nakasukbit sa balikat niya. Binigyan din siguro siya ng baril ng mga sundalo.

Dumiretso lang ako sa paliguan dito sa gilid ng hindi ko siya sinasagot. Wala ako sa mood para makipagusap ngayon. With all that have happened down there, how can I talk and act like it didn't happen?

Sumalok ako ng tubig at ibinuhos ko ito sa ulo ko. Nagsimula na akong manghina kaya napaupo ako sa sahig. Pumatak na din ang mga luha ko habang humihikbi.

Paano naaatim ng iba na pumatay ng ganon na lang? I know na nasa crisis kami pero this is too much.

Matapos kong umiyak sa sahig ay tumayo na ako at nagpalit ng damit. Pagkalabas ko ng paliguan ay naabutan kong naghihintay sa akin sa labas si Ms. Kaye na nakapamewang.

Akala ko tatanungin niya ako pero hindi niya ginawa. "I won't ask." Then she smiled. "Tara na. Hinahantay ka ni Sophie sa tent."

Tumango lang ako sa kanya at agad na naglakad patungo sa tent. Doon ay naabutan kong nakikipaglaro si Sophie sa isang batang babae. Napangiti ako nang tumingin siya sa akin at lumapit para yumakap.

I stayed inside the tent for an hour.  Tinanong ako ni Sophie kung saan ako galing at hindi ako agad nakasagot. I told her we went to get things sa bahay. Hindi ko sinabi sa kanya na namatay yung kasama namin. Iniba ko kaagad yung topic namin kasi paluha na ako ulit eh.

Noong lumabas ako ng tent, I saw people on the left side kung saan nakatayo ang tent para sa mga tutulong sa may sakit. Nagkukumpulan sila at para may pinalilibutan. Lumapit ako at sumali sa kanila. Sumiksik ako hanggang mapunta sa pinakaunahan.

"Nakatanggap kami ng balita sa radyo mula sa mga kasamahan namin na galing sa isla ng Palawan. Ligtas ang lugar at nailigtas nila ang part mula Taytay hanggang Bataraza. 10 percent lang ng isla ang naapektuhan ng virus." Sabi nung lalaking may makapal na bigote sa gitna. Nakasuot ito ng pangmilitar at malaki ang braso.

Wait, so may mga lugar pa na ligtas at may mga buhay pa? This is a good news. Sobra na akong depressed dahil lagi kong iniisip na kami na lang ang buhay at patay na ang iba. Imagine if totoo iyon.  108 million people ang zombies na while here we are, natitirang pagkain.

"Magsisimula bukas ang evacuation dito sa Luzon simula bukas hanggang sa ika-pitong araw. Ang lugar na pupuntahan ay ang Batangas at doon ay sasakay ng barko patungo sa Palawan."

Tumango tango ako. Finally! A plan. Sino kaya ang namumuno ngayon? Wala na ang presidente at hindi naman sinabi kung buhay pa ang ibang nakaupo sa palasyo so we don't know. At least may evacuation na.

"Pupunta tayo doon dalawang araw mula ngayon. Hindi natin alam kung anong sasalubong sa atin pagdating sa Batangas. Mas maigi na ang may takda tayong araw para hindi tayo mapahamak."

I raised my hand para magtanong at agad niya naman akong napansin. "Paano ang mga may sakit? Tatanggapin ba nila ang mga ito?"

Hindi agad nakasagot ang lalaki at nakipagtinginan pa siya sa ibang militar bago sumagot. "May mga assigned tents po sa Batangas kung saan may mga doctor at nurses na gagamot sa kanila."

No. He didn't answer my question. Hindi sa Batangas ang tinutukoy ko. I know may ganoon na na tent doon dahil laging may ganoon sa mga evacuation area. Very common.

"Ang ibig kong sabihin, tatanggapin ba sila sa Palawan? Alam naman natin na ligtas na ang Palawan dahil sinabi mo."

Hindi na siya sumagot. Natahimik siya habang ang mga nakapaligid sa amin at gumawa na ng ingay. Nagtatanungan sa kung anong mangyayari sa anak nila, asawa nila, kapatid nila, magulang nila.

Zombie Outbreak Where stories live. Discover now