09: Getting Out

83 7 0
                                    

Madilim ang gabi at malamig ang hangin. Damang-dama nila ang lungkot habang pinakikinggan ang tahimik na paligid. Most of them are staring at the fire and thinking about those they've lost.

"Noong una, sampu kaming pumasok dito sa Beta 2."

Napalingon si Katie sa nagsalita. It was Emet, one of the archers who helped them in the hallway. Napansin din niya mula kanina pa na tatlo na lamang ang natitira sa kanilang mga archers. Si Emet na tumatayong leader nila ngayon, si Charles na pinakabata sa kanila, at si Bito na may dugong banyaga.

Hindi mapigilan ni John ang magtanong kay Emet. Huminga naman nang malalim ang babaeng katabi niya na si Dianne. "Bakit kayo napadpad dito?"

Katie listened to Emet.

"Nakatanggap kami ng invitation galing sa General na lilipat kami sa District X. Walang ibang nakalagay sa invitation kung bakit at ano ang gagawin namin doon kaya ang hindi namin sineryoso ang invitation. Nagulat nalang kami kinabukasan na may sundo kami na magdadala sa amin doon sa District X. Tapos ayun na, naipit kami hindi kalayuan dito at napunta kami dito sa hospital."

Agad na nag-react si John. "District X? Hindi kaya nagkamali ka lang ng basa? Sa pagkakaalam ko kasi anim lang ang nabuong district dito sa atin."

Nagtaka na rin si Katie. Totoong walang nabanggit na District X noong nag-announce ang General sa bagong pangalan ng bawat komunidad sa Northern Cities. Kung ang X naman ay ten, malabo din dahil hanggang anim lang ang distrito.

"Ganyan din ang reaction ko noong una. Nilinaw ko yan sa sumundo sa amin na lalaki pero hindi niya ako sinagot."

They all got quiet. They've heard a loud distant explosion nearby. Hindi na nila inabala pa ang mga sarili nila na tignan kung saan ito galing dahil alam na nilang galing ito sa loob ng distrito nila.

Minutes passed. Hanggang sa maging oras. Napadilat na lamang si Katie sa sigawan na naririnig niya mula sa likod niya. Napapikit siyang muli nang masilaw siya mula sa liwanag ng kalangitan.

"KATIE GUMISING KA JUSKO BAKIT NAMAN TULOG MANTIKA KA NGAYONG MAY MGA ZOMBIE SA PALIGID NATIN?!"

Agad siyang tumayo at kinusot kusot ang mata habang naglakad palapit kay Gwen. "bakit ba?"

Pausog-usog si Gwen sa pintuan habang sama-sama nilang hinaharangan ang bakal na pintuan na pilit tinutulak ng mga infected. Pawis na pawis na siya at hindi siya makapaniwala na ito ang una niyang ginagawa ngayong umaga.

"We have to go. Some survivors were moving up Northwest towards the mountain. Emet thinks everyone is heading to the Evac Center." Hinihingal na sabi ni Bito habang nagliligpit ng gamit sa bag.

Kumunot naman ang noo ni Katie. "But how did the zombies heard us?"

"I think some of them heard us screaming at the other survivors. When they got outside, they started banging the door which attracted the other infected."

"AHHHH!"

The door suddenly opened. Buti na lamang at naging mabilis si John at Charles sa pagtulak ng pinto para maisarado itong muli. Pawis na pawis ang dalawa habang pinipigilan nila ang pagbukas ng pinto.

Tumakbo naman palapit sa kanya si Gwen at hinila siya palapit sa dinaanan nilang hagdan kanina sa gilid ng building. Nauna nang bumaba si Bito na sinundan naman ni Dianne.

Saglit na tumigil sila Katie at sumilip sa ibaba. Walang infected sa ibaba at maaari silang mabuhay kung doon sila dadaan. Tumitig si Gwen mata sa mata kay Katie. "Ikaw na ang mauna."

"Ha? Ayoko. Ikaw ang mauna."

Medyo naira si Gwen kay Katie. "Wag ka na makipagtalo. Kasunod mo akong bababa. Pagbaba natin, tatakbo tayo ng mabilis at walang hinto hinto."

They've slightly turned when the door suddenly made a scary noise. It's breaking. Narinig nila ang pagtalsik ng isang turnilyo sa sahig.

"Dalian mo na!"

Sinunod na ni Katie si Gwen. Nanginginig niyang hinawakan ng mahigpit ang bawat baitang ng hagdan at dama niya ang lamig nito.

Napatigil siya nang maabot niya ang dinaan nila kanina. She felt the terror creeping inside her when she remembered those patients and hospital staff's na kanina lang ay nandoon sa isang silid.

"Emet! Let's go!"

When she made the ground, sinalo siya ni Dianne. And when Gwen arrived, they started running with Dianne. Hindi sila tumigil sa pagtakbo. Pagpasok nila sa hallway ng kabilang building ay agad nilang tinakbo ang pinakadulo nito kung saan nakita nila ang maduming sahig at nanununtok na amoy nito pero walang infected. Agad silang nagtungo sa pintuan at lumabas.

Dianne stabbed the head of the first infected person who approached her. Si Gwen naman ay buong tapang na tumakbo palapit sa isa pang infected sa unahan ni Dianne habang nakataas ang kamay nito hawak ang isang kutsilyo. Katie ran for the infected and stabbed it's head.

"Saan tayo tutungo?!" Sigaw ni Katie.

Lumabas si Emet mula sa likod nila. "Doon sa gubat!"

Emet passed them and they followed him. Walang gaanong harang sa daan nila kaya mabilis silang nakagalaw. Katie slowed down to wait for the others but no one followed them.

"Katie." Gwen called on her.

May kaba sa mga mata ni Katie nang lumingon siya kay Gwen. "Wala pa sila."

Lumapit si Gwen sa kanya at hinila siya. Sa pagpapatuloy nila sa pagtakbo ay nakita nila si Dianne na nakahinto at sa kanang bahagi ng gubat. She was raising her hands as if stopping someone. And then all of a sudden, an infected came out pushing her on her back.

It happened so quick. Sumisigaw siya sa sakit habang humihingi ng tulong kanila Gwen at Katie. They've tried helping her but the infected was so aggressive and there's no point on saving her anymore.

Nagpatuloy nalang sila sa pagtakbo hanggang sa maabot nila ang kalsada. Nakarinig sila ng busina mula sa isang sasakyan sa kalsada at doon nakita si Emet na pinaatras ang isang van.

"Tara na!" Sigaw ni Emet.

Agad silang pumasok sa loob ng sasakyan at hinihingal habang nakaupo. Emet noticed that they were missing someone.

"Nasan si Dianne?"

They were hesitant to answer. Si Gwen na ang naglakas loob na sumagot. "Kinuha siya nung zombie."

Nagulat sila nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok Charles at John na may mga dugo dugo sa kamay, mukha at damit. Napansin ni Gwen na hindi nila kasama ang banyagang si Bito.

"Si Bito?"

Umiling lamang si John habang hinihingal. Lumingon siya upang hanapin si Dianne ngunit hindi niya ito nakita. "Nasan siya?"

"Hindi din siya umabot."

Everyone stayed quiet for a second. Pinapakiramdaman nila si John na nakatulala at tila ba naluluha. They've been together since the start. Being co-workers let them create memories na walang katulad. Masakit para sa kanya na mawalan ng kaibigan at maiwan na mag-isa.

Then he talked, "Paandarin mo na ang sasakyan."

Mahina man ay agad na naintindihan ni Emet ang sinabi ni John. Pinaandar niya ang sasakyan at pinaharurot ito sa makalat na kalsada.


Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon