13: City Hall

142 7 0
                                    

Kurt POV

Madilim pa rin. May mga walkers sa paligid at pilit akong hindi gumagawa ng ingay para hindi nila malaman na isa akong mapagpanggap na walker.

Dumumi ang labas ng City Hall. May mga gamit na naiwan. Heels. Bags. May paa pa akong nakita na nasa damuhan. Galing siguro iyon sa isang tao tapos naputol lang dahil hindi trip ng walker na kumain ng paa?

Naglakad ako ng tahimik papasok sa entrance ng City Hall. Madumi din sa loob. Mas mabaho. Dahil siguro sa sarado ang daluyan ng hangin at nakulob ang mabahong amoy ng mga patay at dugo.

Of course, hindi lang ako nagiisa. Dalawa agad ang nakita kong walkers kahit na madilim sa loob. Nakatulong ang silhouette na bigay ng buwan sa akin. Hindi ko nga lang alam kung mayroon pang walkers sa ibang silid dito sa loob o wala na.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na patayin isa isa ang mga walkers. Saksak sa ulo. Saksak sa ulo. Saksak sa ulo. Kahit na madilim ay hindi ako nagkamali ng pagsaksak sa ulo nila.

Pagkatapos ay kinuha ko ang mahabang bakal na upuan sa may gilid at tinulak ito patungo sa entrance. Iniharang ko ito para naman kung sakali na may walkers sa labas ay hindi sila makakapasok dito.

Ano kayang nangyari dito?

Base sa nakikita kong kalat dito sa loob, may mga papel na nagkalat at mga dugo, madami sigurong tao dito noong nakaraang linggo. May mga footprints pa sa sahig na markado gamit ang dugo. Madaming marka.

Itinali ko muna sa ulo ko ang panyo kong kulay asul at iniharang ito sa ilong ko. Sobra kasi ang amoy ng patay at dugo. Baka pa may sakit dito kagaya nung nangyayari sa Camp kaya naman mas maigi na ang maingat.

Naglakad ako ng marahan. Patungo sa gitna ng Hall. Hinanap ng mata ko kung nasaan ang hagdan para makaakyat ako sa second floor. Nasa third floor kasi ang wing patungo sa kabilang building kung nasaan ang Health Center.

*Indistinct Footsteps*

Huminto ako sa gilid ng hagdan. Pinakinggan ko ang yabag ng paa na sa tingin ko ay nanggagaling sa itaas.

Huminga ako ng malalim. Para lang akong nasa movie. May thrill at horror at the same time. Ang pinagkaiba lang, totoo na ang mga nangyayari.

*Closer Footsteps*

Aakyat na sana ako nang biglang may humablot ng kanang braso ko kaya naman agad kong hinawakan ng mahigpit ang baril at walang ano ano ay siniko ko ng malakas ang nasa likod ko. Saka ako humarap at tinutukan ng baril kung sino man iyon.

Hindi ko makita kung sino iyon pero alam kong napalayo ko siya sa akin. May pag aray akong narinig. Mahina pero alam kong nasaktan.

Tao?

Lalaki?

"S-sino ka?" Nauutal kong bulong sa dilim.

Hindi siya agad sumagot. Umubo siya ng mahina sabay ulit sa mahinang pag aray bago sumagot. "Grabe, Kurt, malakas ka parin maniko."

Si Troy. Anong ginagawa niya dito? Sinundan niya ako. Ayoko sa kanya. Hindi siya healthy kasama. Ayoko maging kagaya niya.

Ibinaba ko ang baril ko at umayos ng tayo. "Bakit ka sumunod? Bumalik ka na sa mga kasama mo at magsama-sama kayo."

Okay. Tunog bitter ako. Ano naman? Kaibigan ko siya dati at ang ugali niya ngayon? Hindi na iyon pang-tao.

Hindi ko alam kung anong expression niya ngayon pero sure ako na isang matigas na Troy pa rin ang nagtatago sa dilim. Kung makikita ko lang ang mukha niya eh.

"Nag-aalala lang ako sayo kaya kita sinundan. Anong gagawin mo dito? Alam mo naman na may mga Zombies dito diba?"

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano eh. Seryoso? Si Troy? Mag-aalala? Parang kanina lang hindi niya ako kinikilala bilang kaibigan ah?

Zombie Outbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon